Chapter 30: (Saica's POV) Hindi ko alam na ganito pala ang sasalubong sa akin nang makababa ako ng sinasakyan naming van. Nasa Maynila na ulit ako. Dito raw ako hahatulan ng korte. Pwe. May nalalaman pang ganiyan, eh, isa lang naman ang kalalabasan nito. Makukulong at makukulong pa rin naman ako. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Ang daming taong nakapaligid sa amin. Tsk. "Hayop ka! Walang kalaban-laban ang anak ko pero bakit mo ginawa 'yon?! Putangina mo!" hiyaw ng isang matandang babae mula sa kumpol ng mga tao. Hindi ko siya gaanong maaninag dahil sa dami ng nasa paligid ko. Akmang sasagot na sana ako pero mabilis na hinila ng isang pulis ang aking braso. Napasimangot ako. "Patayin si Saica Dela Cruz! Mamatay ka na!" "Hayop ka! Wala kang awa! Demonyo ka!" Seryoso? W

