Chapter 29: (Saica's POV) "Tama na!" Naramdaman ko ang mainit niyang dugo na tumulo pababa sa 'king kamay. Galing iyon sa palad niya. Ano ba kasing pumasok sa isip ng hayop na 'to para pigilan ang kutsilyo sa pamamagitan ng paghawak sa talim no'n? "Tama na, Saica!" muling sigaw niya sa akin. Mas dumami ang dugo na tumutulo muli sa magkabilang mga palad niya. Ramdam ko ring mas bumabaon ang patalim sa balat niya—Ramdam ko kasi ang marahang pagbaon niyon. Damn. This is the only thing I missed. Napabitaw siya sa akin at mabilis na napalayo. Muli akong sumugod. Bumagsak ako padapa sa sahig dahil sa puwersa ko sa pagsugod sa kaniya nang makalayo siya sa akin na naman. Mabilis akong bumangon habang mahigpit na hawak ang kutsilyong nabahiran na ng maraming dugo. Saglit ko siyang pinasad

