Chapter 04:
(Saica's POV)
"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng psychopath?!" iritableng hiyaw ko kay Brenda. Nagbabasa raw kasi siya ng libro na may poging psychopath ang na-inlove sa isang babae.
Na-inlove? Tangina, seryoso? Kailan pa na-inlove ang isang psychopath? Yeah, I know, fiction lang naman iyon. Pero kahit na. Gagamit ka ng karakter na psychopath tapos gagawin mong caring and lovable? Ayos ka lang? BIGYAN NIYO NAMAN NG HUSTISYA!
Jeezuz. Ang isang psychopath ay hindi marunong magmahal, tigilan niyo ako riyan sa mga fiction na 'yan na walang respeto sa Psychology. I feel so offended. I'm gonna hang myself na because of these brainless hooman beings na nag-iisip na sexy daw ang pagiging psychopath.
People, if you have wifi sa inyong house, or kung may load man ang inyong Smart phones, uso namang mag-Google para hanapin ang meanings ng mga bagay na hindi niyo maintindihan. 'Cause I swear, y'all people are so stupid.
Or kung dukha ka at walang pang-load. You can use freebasics, edi nagkasilbi ka pa sa mundo at nagkalaman naman iyang utak mo.
"Ang bitter mo talaga! Ang ganda kaya ng storya. Try mo basahin. 'Yong girl ang nagpabago doon sa lalaking psychopath. Ang—"
"'Ngina mo!" gigil na hiyaw ko sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Bakit mo ako minura?" nagtatakhang tanong niya saka itinuro ang kaniyang sarili.
"Kasi bobo ka!" sarkasmong sagot ko, "Seriously, Brenda? Nagbabasa ka ng ganiyan?" Hinablot ko ang libro at tiningnan ang cover.
Psychopath Fell Inlove With A f*****g Legendary Nerdy Girl With Magical Powers Of A Powerful Dragon blah blah.
"Paano 'to na-publish?" nangungunsuming tanong ko, "Eh, putsa, title pa lang tapos na agad ang kuwento, eh!"
Wala na akong pakialam kahit na ang lakas ng boses ko. Nandito naman kami sa malayo nakaupo kaya keri lang. Bigla ba naman kasing uminit ang ulo ko nang ikwento niya sa akin ang kuwento ng basurang librong 'to.
Baliw yata ang author. At baliw din ang mga readers na nagandahan sa storya niyang nakakasura.
"Title pa lang kasi 'yan. Basahin mo kasi!" Mukhang pati si Brenda ay naiinis na sa akin.
Itinapon ko sa putikan ang libro kaya naman napasigaw bigla si Brenda. Naiiyak na hinampas niya ako sa braso. Agad na tumayo siya para sana kunin ang libro ngunit agad ko siyang pinigilan.
"Bakit mo kasi tinapon?!"
"Kasi maganda ako," simpleng sagot ko. "Saka Brenda, Mag-Google ka tungkol sa mga psychopath na kinahuhumalingan mo. Huwag kang tatanga-tanga. Toxic kang letche ka."
"Ang pakilamera mo talaga kahit kailan! Mas bata ako sa 'yo kaya hindi ka maka-relate!" galit na hiyaw niya. Namumula na ang kaniyang mga tainga at halatadong gigil na gigil na siya sa akin.
Malakas ko siyang tinawanan, "Ulol."
Tinapik ko siya sa braso habang siya naman ay mangiyak-ngiyak na nakatingin sa libro niyang puro putik.
"Alam mo bang 2,000 pesos ang bili ko sa librong iyon?"
Dalawang libo? Seriously? Pangkain ko na iyon sa loob ng isang buwan, ah?
"Kung hindi tungkol sa psychopath chorva ang kinuwento mo sa 'kin, edi sana, buhay pa 'yang libro mo," nakangising pang-aasar ko sa kaniya.
"Fiction lang naman kasi 'yon! Saka ano naman ngayon kung nainlove 'yong psychopath doon sa babae? Hindi ba posible iyon, ha?!" asar na singhal niya sa akin.
Sumeryoso ako bigla dahil sa sinabi niya. Nawala ako bigla sa mood.
Well, alam kong sanay na rin si Brenda sa akin. Lagi-lagi kasing nagbabago ang mood ko.
"That f*****g book—it's insulting me," mariing sambit ko. Natahimik siya bigla at napatitig sa 'king mukha, "Alam kong alam mo kung anong sinasabi ko, Brenda. Na-diagnose ako noon, hindi ba? Alam mo kung ano ang naging resulta. You know how it works. You know what it really is. Stop fooling me, I know what you're doing," mahabang lintaya ko.
Napabuga siya ng hangin at napa-iwas ng tingin sa akin, "Sorry. Gusto ko lang naman na tulungan ka."
Tulungan na ano? Na lumagay sa tahimik? Hindi iyon mangyayari.
"Ilang lalaki na ba ang dumaan sa akin, ha?" mapait na tanong ko sa kaniya, "They're countless! I'm trying to help myself, too! Pero anong magagawa ko? Walang nagbabago sa 'kin, Brenda. Mas lalo lang akong lumalala!"
Sa isang katulad ko? There is no love. Isa lang iyong emosyon na nararamdaman ng mga taong hindi ginagamit ang utak.
Paano ko makukuha ang mga gusto ko kung may tao akong pinahahalagahang 'wag masaktan?
Paano ko makokontrol ang mga tao sa paligid ko kung may konsensiya ako?
Love? I don't need that. Sarili ko lang ang minamahal ko, at ang pagmamahal na iyon, hindi ko ibibigay sa ibang tao.
Bakit? Ibinigay ba nila ang pagmamahal nila sa akin? Hindi naman, 'di ba? Kaya bakit ko naman sila mamahalin kung hindi naman nila ako mamahalin pabalik? It's pointless.
Hindi ko talaga alam kung bakit ang daming taong nagmamahal sa mga taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal nila.
Para lang itong isang negosyo.
Bakit ka maglalabas ng pera kung wala ka namang makukuha pabalik?
"That Rexton guy," sambit niya bigla. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Nagulat naman ako nang magtanong siya tungkol kay papi Rexton. Anong meron? Type niya ba?!
"Oh, anong meron do'n? Crush mo?" nahihiwagaang tanong ko. Umiling siya at muling ibinalik ang paningin niya sa akin.
"He's next, right? Siya ang panibago mong target ngayon. Why don't you just give it a try? Mukhang interesado siya sa 'yo."
Nginisihan ko siya ng nakakaloko, "Interesado sa ibang paraan."
"What kind of brain do you have?" iritableng tanong niya saka sinamaan ako ng tingin.
Tinawanan ko lamang siya. Tumayo ako at muli siyang tinapik sa braso,
"I have a brain of a deranged woman, Brenda."
At hayun, iniwan ko ang bobo na nag-iisa.
Bahala siya sa buhay niya. Tatawagan ko si Atty. Gadon para matauhan siya. Chos.
****
Linggo ngayon. Wala akong pasok pero pinili kong pumasok pa rin. Kakaunti nga lang ang mga pumasok ngayon, eh. Wala rin kasi akong kasama sa apartment kung uuwi ako. Hindi kasi uuwi 'yong kapatid ko. Ayaw daw s'yang pauwiin no'ng shota niyang pinagnanasaan ko kasi napakaguwapo.
Lintek na lalaki iyon. Hindi porque wala ako sa tabi ng kapatid ko, kaya niya nang gawin ang mga gusto niya. At once na may ginawa siya sa kapatid ko, hindi niya gugustuhing makilala ako.
Napapikit ako at marahang bumuntong hininga.
Magsusulat na lang ako. Wala rin naman akong matinong puwedeng gawin ngayon.
Ay, s**t.
Naiwan ko nga pala sa locker ang notebook at ballpen ko.
Sige, keri lang. Kakausapin ko na lang si Rexton.
"Paano mo nagagawa iyon? Maraming doktor dito, Saica. Paanong ni isang doktor, walang naghihinala sa 'yo? I mean, walang naghihinala na sira-ulo ka pala."
Ipinokus ko sa tanong ni Rexton ang atensyon ko.
"Napag-aralan ko 'to, Dela Vega. Natural lang na hindi nila mahahalatang may sayad ako dahil alam ko kung papaano itatago ang sarili ko."
Nanatili akong nakasandal sa pader habang nakadungaw ako sa bintana at nakatitig sa papadilim na langit. Bumuga ako ng usok mula sa Marlboro Black na hinihithit ko. Nakakaapat na stick na ako pero parang gusto ko pa ng mas marami.
Paniguradong mauubos ang isang kaha sa bulsa ko.
At oo, nandito na naman ako sa kuwarto niya. Hindi ako matatahimik. Kailangan ko siyang bantayan.
Napabuntong hininga ako muli dahil sa pagka-inis. Gusto ko talagang umuwi kaso wala akong pamasahe. Delayed din kasi ang sahod ko, peste.
"Ibig sabihin ba n'yan, kahit iharap ka nila sa mga doktor, hindi nila malalaman kung anong takbo ng utak mo?" Naramdaman kong pumwesto s'ya sa likuran ko.
Tumango ako, "Puwede rin. Depende sa mga titingin sa akin."
"Oh..." Saglit siyang tumigil. "So, what happened to your boyfriend?"
Inis na nilingon ko s'ya. At hayun, nakapaskil ang isang nakakaasar na ngisi sa mapula n'yang nga labi. Inirapan ko s'ya. Isinara ko ang bintana saka ako muling humarap sa kaniya.
Jeez. Hindi talaga s'ya bagay sa mental na 'to. Hindi s'ya mukhang tao. Masyado s'yang guwapo para mapunta rito.
Nginisihan ko siya, "Ang kulit mo rin, eh, 'no? Alam mo bang 'yong lalaking pilit na hinihingi 'yong cellphone number ko noon, eh, wala nang t**i ngayon?"
Nilapitan ko ang kaniyang pwesto. Umupo ako sa gilid ng kama niya habang nasa mga daliri ko nakaipit ang papaubos nang sigarilyong hinihithit ko.
He chuckled, "Come on, Saica," Yumuko s'ya para idampi ang mga labi n'ya sa gilid ng labi ko. Humawak siya sa baiwang ko at marahang pinisil iyon. Dumaan pa sa ilong ko ang natural niyang amoy.
Ang bango. Amoy macho.
Hinayaan ko s'ya sa ginagawa n'yang paghalik sa 'kin. Saka hello? Gusto ko rin naman, eh. So, ba't pa ako mag-aabalang itulak siya? Hindi ako pabebe.
"He cheated," walang ganang sambit ko. Lumayo siya sa akin ng kaunti para titigan ang mukha ko. Tss.
Lahat naman ng naging shota ko ay nagloloko. Ang kakapal ng mga mukha. Samantalang ang ganda-ganda ko para ipagpalit.
Pero iba ang nangyari roon sa boyfriend ko noon kaya ko siya napatay. Hindi lang basta pangangaliwa ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. Well, okay lang sana kung mangangaliwa siya, eh. Pero bakit sa lalaki niya ako pinagpalit?!
"You don't deserve him," seryosong bulong n'ya saka siniil ako ng halik.
Tinitigan ko ang kaniyang mukha habang abala siya sa pagpapak sa mga labi ko.
Nakapikit s'ya. At kahit hindi ako gumagalaw, feel na feel niya pa rin akong halikan. Iyong mga braso niya rin ay nakapulupot sa baiwang ko. Marahang humahaplos at pumipisil.
Well, he's delicious. And oh, he's a great kisser too. Alam niya kung papaano aakitin ang isang babae kahit na sa pamamagitan lang ng mga labi niya.
Hinihingal s'yang humiwalay sa akin. Tumatama ang mainit at mabango niyang hininga sa tapat ng aking labi. Mas lalong namungay ang mga mata niyang medyo nakasarado.
Inis na nagsalita ako, "O? Tapos ka na ba? May nalalaman ka pang pa-halik-halik diyan. Tanggapin mo na lang kasi na pinagdududahan kita."
Hindi ko alam ang dahilan kung ba't bigla s'yang humalakhak. Mas lalo tuloy akong napabusangot.
"Bakit ba ayaw mong maniwala sa 'kin?" He chuckled once again.
Tinitigan ko siya sa mata.
Itinagilid ko ng kaunti ang ulo ko at nanunuya ko siyang tinawanan, "Paano ako maniniwala sa 'yo? Eh, kolehiyo ka palang, sinungaling ka na. Kaya nga nandito ka 'di ba? Kasi magaling kang mag-sinungaling."
Nawala ang ngiti n'ya. Naging malamig ang mga titig n'yang nakapokus sa mukha ko. Tagos sa kaluluwa ang mga tingin n'ya. Pero sorry na lang siya dahil wala akong kaluluwa.
"O? Tama ako, 'di ba? Gago, lalandi-landi lang ako pero mas mautak ako sa 'yo." Bigla akong natawa. Akmang lalayasan ko na sana s'ya, nang bigla n'ya akong hinila sa braso at pabalbag na isinandal niya ako sa pader.
Ouch!
"Dito ka lang," malamig na sambit n'ya. Nakakatakot siyang titigan pero hindi iyon sapat para matakot ako. He's bigger and stronger than me. Pero kaya niya ba akong patayin? Nah-ah-ah.
Napapangisi ako dahil sa ikinikilos n'ya. Ipinulupot ko ang aking magkabilang braso sa kaniyang leeg.
Mabilis na nagtagpo ang mga mata namin.
"Rexton Garcia Dela Vega. 26. 6'1. Walang sakit pero nasa mental. Hindi ka rin umiyak sa libing ng girlfriend mo. Ooh. Anong klase kang nobyo?" Unti-unting sumilay sa mga labi ko ang ngising nakakaloko na kanina ko pa pinipigilan.
Nagtangis ang kaniyang panga dahilan para matawa ako. Nandilim ang mga mata n'ya at nakita ng paningin ko kung paano siya mawasak dahil sa mga pinagsasabi ko.
Halata rin sa mukha niya ang pagtataka kung papaano ko nalaman ang tungkol sa nobya niya. Hah. May sarili akong daan para malaman ang tungkol sa kaniya.
Tumingkayad ako para bulungan siya sa tainga. "Go, honey. Blame yourself. Sisihin mo ang sarili mo dahil kasalanan mo kung bakit namatay ang kasintahan mo. Wala ka kasing kwenta. Wala kang silbi..."
Umangat ang gilid ng aking labi, "...at ang dapat sa mga katulad mong nobyo, namamatay. Dapat pinatay mo na lang ang sarili mo, Rexton. Edi sana, hindi ka itinatakwil ng mundo ngayon."
"Stop." Gigil na inilayo niya ako sa kaniya. Alam kong may pasa na ang magkabilang mga braso ko pero wala akong pakialam.
Alam kong gustong-gusto niya akong saktan at patayin. Pero kaya niya ba? Kaya niya akong saktan dahil ginagawa niya na ngayon.
Pero ang patayin ako?
Hindi niya ako papatayin.
"I'm just messing around, dear. Don't take it seriously," ani ko.
Galit na galit ang kaniyang hitsura. Humihigpit din ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko. Masakit, oo. Pero nag-e-enjoy pa ako.
At may gana pa si Brenda na sabihing gusto niya akong tulungang magbago?
Paano ako magbabago kung ako mismo ang may gusto ng bagay na ito?
Bigla niya akong binitiwan ng marahas.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa 'kin?" tanong niya gamit ang mababang tinig. Hindi ako natatakot sa hitsura niya ngayon. Mas lalo akong naaakit sa kaniya. He looked hot.
Hindi ko siya sinasagot. Ini-enjoy ko ang hitsura niya. Ang sarap niyang titigan. Madilim ang mga mata niya at malamig ang mga titig niya sa akin.
"Kiss mo muna ako para sagutin ko. Deal?" tanong ko. Hindi lumipas ang ilang segundo nang bigla niya akong halikan. I kissed him back. Ginantihan ko ang mga halik niyang tila desperado para matikman ang mga labi ko.
Nangingiti akong humiwalay sa kaniya.
"Ang swerte ng girlfriend mo sa 'yo. Masyado kang masarap." Tumawa ako saka sumandal sa dibdib n'ya.
Mahilig akong mang-agaw ng boyfriend ng iba.
"I'm going to hell for this, goddamn it!" malutong na mura n'ya. Halata sa tinig niya ang pagpipigil.
Tumingala ako para tingnan siya. Nag-iigting ang panga niya at... mukha siyang miserable. Pinigilan ko ang mga ngisi na gustong kumawala sa 'kin.
"Imagine me as your girlfriend," Hinaplos ko ang kaniyang pisngi, "f**k me."
Mabilis niya akong binuhat. Inihiga n'ya ako sa kama at nagmamadali n'yang kinalag ang aking uniporme. Tapos ay yumuko siya. Isiniksik n'ya ang kaniyang mukha sa leeg ko at sunod-sunod na dinampian iyon ng halik.
Galit siyang bumulong sa tungki ng aking tainga, "Pagsisisihan mo 'to, Saica. Ipaparamdam ko sa 'yo kung paano magahasa ng paulit-ulit."
Magahasa?
Ooh. Takot ako.
Duh, pakialam ko kung wasakin niya ang ano ko? Edi gorabells na!
Ngumisi ako nang bumaba ang isa niyang kamay sa pagitan ng mga hita ko,
"Kuya, 'wag po."
****