Chapter 03

1703 Words
Chapter 03: (Saica's POV) May hawak akong patalim. Itong patalim ko ay nakaipit lagi sa tagiliran ko at bukod pa ang folding knife na lagi kong dala-dala. May habang 8 inches ang blade, kakaiba ang hitsura niya dahil sa kakaibang 'twist' ng blade nito. May cover ito kaya safe kapag nakalagay sa tagiliran ng uniform ko. Isa siyang Jagdkommando Tri-dagger, exactly. Bumaba ang kaniyang mga mata sa patalim na hawak ko, Bahagya siyang natawa saka muling ibinalik ang kaniyang paningin sa 'king mukha, "Do you even know how to use that thing?" Minamaliit ba ako ng tarantadong 'to? Oo na, maliit naman talaga ako pero—argh, of course, I know how to use it. May mga paraan ako para matuto kung paano gumamit ng isang patalim na mga iilan lang ang nakakaalam. "Gusto mo i-try ko sa 'yo?" sarkasmong tanong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa patalim. Pare-parehas lang ang naman ang mga patalim. Kahit anong klaseng patalim pa 'yan, lahat 'yan ay may kakayahang makapatay! But this one is my favorite, bukod kasi sa mahal siya at illegal, mabilis pati siya makapatay. As long as you know how to use it for fighting, walang kawala ang biktima mo. Mauubusan siya ng dugo ng mabilis and it would take a team of surgeons to seal the wound. Humakbang siya palapit sa akin. But this time, tuwid na ang tayo niya. Kakaiba rin ang tikas ng kaniyang pagtayo, na siyang hindi ko nagugustuhan. "Huwag kang lalapit," halos pabulong na sambit ko saka tinitigan siya ng masama. Hindi ako matatahimik ngayon lalo na't may nabanggit akong sikreto sa kaniya. 'Yung boyfriend ko noon ay isa ring nars dito. Alam ng lahat na may relasyon kami kaya kailangan kong umarte sa harapan nila noon. At kapag nagsalita 'tong hayop na 'to, hundred percent sure ako na papa-imbestigahan na naman nila ako! "Kumalma ka muna. Wala naman akong gagawing masama sa 'yo," sambit niya saka bumuntong-hininga, "hindi mo rin ako matatakot sa hawak mo. Hindi mo naman alam kung paano gamitin 'yan." Napairap ako ng bongga dahil sa pagkairita. Dahil ba babae ako kaya minamaliit niya ako? Haler? Alam niya ba kung sino ang kaharap niya? "Whatever," Napairap ako. Nang ibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay mas lalong nagbago ang mood ko. I feel so cold. I'm ready to kill again. Mula sa dulo ng utak ko ay nadidinig ko ang sinasabi ng sarili ko na patayin ko siya rito—na huwag ko siyang hahayaang makasigaw. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagpapanggap? Anong pakay mo?" Ako naman ang humakbang palapit sa kaniya. Wala na akong pakialam kung siya ang pinakaguwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Kalayaan ko ang nakasalalay dito. Nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay habang nakapirmi pa rin sa akin ang mapupungay niyang mga mata, "Wala. Wala akong pakay." "Sa tingin mo ba talaga tanga ako?!" gigil na hiyaw ko. Nadinig ko ang sarili kong boses. Madilim. Malalim. Tunog-demonyo. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa patalim. Kaunting pagkakamali niya lang ngayon, sisiguraduhin kong hukay ang bagsak ng sira-ulo na 'to. Bigla siyang natawa. Lumabas ang perpektong mga ngipin niya. Muntikan na akong masilaw sa sobrang puti ng mga ngipin niya. "Oo. Nagpapanggap lang ako." Ginawaran n'ya rin ako ng makahulugang titig. "Bakit ka nagpapanggap? Anong pakay mo?" Nanggigigil pa rin na tanong ko. Dal'wang buwan na akong walang napapatay, pero sa tingin ko, s'ya ang unang mabibiktima ko ngayong buwan. Umangat ang gilid ng kaniyang labi, "Wala akong pakay," aniya saka humakbang palapit sa akin. Hanggang sa tumigil siya sa harapan ko. Marahan s'yang bumulong, "Sadyang may pagkakaparehas lang talaga tayo, Saica." Malamig. Malalim at buong-buo ang tinig. Biglang nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar sa kaniya. Pagkakaparehas my a*s. Malakas na itinulak ko ang kaniyang dibdib kaya napaurong siya ng kaunti palayo sa akin, "Ginagago mo ba ako? Wala tayong pagkaka-parehas, Dela Vega." Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Saka ko ibinalik ang paningin ko sa madidilim n'yang mga mata. "Ni wala kang sakit." Nagsalubong ang mga kilay niya, "Paano mo nasabi?" Hindi ko na s'ya sinagot pa. Naaalala ko 'yong kalbong nagpauso ng 'paano mo nasabi'. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o coincidence lang na iyon ang nasabi niya. Putsa. Wala akong tiwala sa lalaking 'to. Nababasa ko sa mga kilos n'ya na nililibang niya lang ako. Nililibang niya ako para hindi ko s'ya mahalata. Nagtagpo ang mga mata namin. Masama ang mga titig ko sa mga mata niyang kalmado lang. No, Saica. You can't kill him. Not here. Not now. Stop yourself, or else... goodbye freedom ka. Natatawang humakbang ako palapit sa kaniya. Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa sobrang pagpipigil na isaksak sa kaniya ang hawak-hawak ko. "Mukha kang kalmado, ah? Pero sa loob-loob mo, alam kong naghahanap ka ng mga salitang puwedeng ipang-uto sa akin." Hindi s'ya nagsasalita pero unti-unting gunuhit ang isang mapanlintang na ngisi sa kaniyang mga labi. "Kapag nalaman ko kung ano ang tinatago mo, sisiguraduhin kong hindi makikilala ng sarili mong pamilya ang bangkay mo," mahinang bulong ko sa kaniya, bago ako humiwalay. Ibinalik ko sa lagayan ang patalim ko, bago ko ito muling inipit sa tagiliran ko. Hindi ko s'ya puwedeng patayin ngayon. Hindi ko rin kasi alam kung saan ko siya itatapon. Masyado s'yang malaki, eh. Pero puwede kong ibenta sa palengke ang karne niya. Hah. Ang swerte ng mga makakabili sa kaniya 'pag nagkataon. Makakatikim sila ng guwapo. Kinindatan ko muna s'ya bago ako lumabas ng kaniyang silid. Isinara ko ng mahina ang pinto, saka ko inilibot ang paningin ko sa magkabilang pasilyo. Baka kasi may nakarinig sa sigaw ko kanina. Napahikab ako dahil sa antok. 'Di bale nang may binabalak siya, basta ba mananatili siyang guwapo at sexy, pipilitin ko ang sarili kong magpigil. Kahit na napakahirap ng ginagawa ko. Ang pagpipigil na ginagawa ko ay katumbas ng pagpipigil sa matinding kagustuhang makipag-s*x. Mahirap. Sobrang hirap. ## "Hello, fapcy Rexton," nakangising tawag ko sa kaniya bago ko isinara ang pinto ng kaniyang silid. Ala-una na ng madaling araw kaya malaya akong makakapunta sa kaniya. Tinakasan ko lang din ang mga kasamahan ko sa ibaba. Sinigurado ko munang tulog silang lahat bago ako lumandi rito. Patakbo akong pumunta sa kama. Bigla s'yang naalimpungatan at aburidong napatingin sa akin. Agad s'yang umupo sa kama at kunot-noong pinagmasdan ako. Pinasadahan ko siya ng tingin. Antok na antok ang hitsura niya. g**o-g**o ang buhok at tabingi ang suot niyang damit kaya naman nakalabas ang napaka-sexy niyang collarbone. Kalma, Saica. Mamamatay-tao ka, hindi r****t. "Bakit ka nandito?" tanong niya pa sa akin. Ngingisi-ngising humiga ako sa kama. Ini-unan ko ang ulo ko sa magkabila kong braso. Kung ibalik ko kaya sa kaniya ang tanong niya? "Malamang nurse ako. Eh, ikaw? Bakit ka nandito?" Bigla s'yang natawa. Nakatitig lang s'ya sa akin na para bang kinikilatis n'ya ang mukha ko. Alam kong maganda ako, 'no. Marahan s'yang humiga sa tabi ko. Nakaharap s'ya sa akin habang nakatitig pa rin s'ya sa 'king mukha. Nginitian ko s'ya. "Ganda ko, 'no?" "Iniisip ko lang kung virgin ka pa." Napa-irap ako, "C'mon, Mr. Dela Vega. I'm a r**e victim. 'Wag mo nang asahang birhen pa ako." Meh. Nagkibit-balikat ako, samantalang s'ya naman ay mukhang nagulat. Tinaasan ko s'ya ng kilay. Ano naman sa kaniya kung nagahasa ako? Dedma nga lang ako no'ng ginahasa ako, eh. "Ginahasa ka?" Naguguluhang umupo s'ya sa kama. Agad din akong bumangon. Mukhang nawala ang antok niya dahil sa nalaman niya. Bakit ba s'ya naguguluhan? Eh, hindi niya naman ako kilala, ah? "Yes, hon. They broke my virgin a*s and it fuckin' hurts like hell." Napangiwi ako. Ang kaninang naguguluhan na mukha ni fapcy Rexton ay nawala. Naging blangko ang ekspresyon niya, na para bang may gumugulo s'ya. Hinawakan ko s'ya sa pisngi. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at agad kong hinalikan s'ya. Mabilis akong lumayo. "Oops." Ang lambot ng labi niya, shet. "Kilala mo ba ang mga gumahasa sa 'yo?" tanong niya. Hindi niya pinansin ang ginawa kong paghalik sa kaniya. Yumuko ako sa sahig para kunin ang mga sapatos ko. "Bakit mo tinatanong? Isa ka ba sa mga gumahasa sa 'kin?" natatawang tanong ko saka isinuot ang mga sapatos ko. "Of course not! Hindi nga kita kilala, eh. Saka hindi ako r****t. I'm just asking," inis na sambit niya. Natawa ako at napailing, "Kilala ko silang lahat. Pinatay ko pa nga, eh." "What?!" Tumayo ako. Inayos ko ang uniporme ko. Medyo nagusot kasi siya. Napa-igik ako nang hilahin ako sa braso ni Rexton. Jeez. Ano bang problema niya? "Hindi mo ba sila sinumbong sa pulis? Nagsabi ka ba sa mga kamag-anak mo?" sunod-sunod na tanong niya habang matiim s'yang nakatitig sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang naka-hawak sa braso ko. Ang sakit n'yang humawak. Sayang ang Gluta ko kung magkaka-pasà ako. "Para saan pa't magsusumbong ako sa mga pulis? Saka bakit pa ako magsasabi sa mga kamag-anak ko?" nagtatakhang tiningnan ko siya. "Tanga ka ba?" inis na dugtong ko. Tumayo rin siya kaya napatingala ako. "Hindi ka nagsabi kahit kanino?" Parang inipit sa pintuan ang boses niya. Wtf? Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag sa kaniya? Sino ba siya? Kaya lang naman ako nandito kasi inaatake na naman ako ng insomnia ko. At saka isa pa, kailangan ko siyang bantayan. Hindi ako matatahimik hangga't nabubuhay siya! Napasapo ako sa noo ko, "Okay. Unang-una, dalawang pulis na kamag-anak ko ang gumahasa sa akin," iritadong sambit ko. "At pangalawa, may sarili akong batas. Wala akong pake sa mga kapulisan o gobyerno na 'yan. 'Pag sinabi ko bang patayin nila ang mga gumahasa akin, papatayin ba nila? No. Bullshit. Makakalaya pa rin sila pagdating ng panahon. At ikaw na naging biktima? Habang buhay mo dadal'hin ang bangungot na binigay nila sa 'yo..." Tiningala ko siya at agad na nagtagpo ang mga mata namin. "Kaya ikaw Rexton, 'wag kang umangal diyan na parang ikaw pa ang ginahasa sa 'ting dalawa." Dire-diretsong sambit ko sa kaniya. Nag-flip hair ako saka tumalikod at lumakad patungo sa pinto. Nilingon ko muna s'ya bago ako lumabas. Ngumisi ako ng nakakaloko. "Ikaw ang gahasain ko diyan, eh." ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD