Chapter 25: (Saica's POV) Kinakapos ako ng hininga. May mga tao sa paligid ko pero hindi ko malaman kung sino silang lahat. Basta hindi ako makahinga. Nanglalabo ang paningin ko! "It's time." It's time? It's time for what?! Naramdaman kong may mahapdi sa katawan ko. At hayun, mas lalong nanglabo ang aking paningin. Pero hindi ako lumalaban. Parang wala lang sa akin ang nangyayari. Putsa. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa akin! Napayuko ako at pilit na naghabol sa 'king hininga. Unti-unti akong nawawalan ng paningin. Hanggang sa nilamon ako ng matinding antok. Nabingi ako at pakiramdam ko rin ay napigtas ang hininga ko. Hinihingal akong napadilat. Agad na inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Medyo madilim. Malakas din ang ulan sa labas at dinig na dinig ang ingay no'n

