Chapter 24: (Saica's POV) "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko habang nakatitig sa kaniyang seryosong mukha. Kanina pa siya nagmamaneho. Ni hindi ko alam kung nasaan na ba kami. Malakas na rin ang ulan. "Sa kapatid ko," sagot niya sa akin habang nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa daan. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko pa ang braso niyang pumulupot sa 'kin. Nangunot ang noo ko nang may ma-realize ako. Nagiging romantic na ba ako? Nakakadiri, ah? Argh. Pumikit ako at hinayaan kong sumuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Nagugustuhan ko talaga ang kaniyang natural scent. Kahit hindi na siya gumamit pa ng pabango, mabango na talaga siya. "Rexton." "Mmm?" "Why are you doing this?" I heard him chuckled. Hinaplos niya ang braso ko saka siy

