Chapter 23: (Saica's POV) "Ma'am bawal na po ang dalaw ngayon. Anong oras na po. Hanggang 05:00 PM lang ang oras ng dalaw." I don't f*****g care. Tinitigan ko ng matalim si manong guard. Si manong guard na ka-close ko rito dati sa hospital. Nginisihan ko siya, "Anong bawal? Dito kaya ako nagtatrabaho dati!" Nangunot ang kaniyang noo, "Pasyensiya na po talaga. Hindi po talaga puwede." Ghad. Inis na napa-irap ako. "Nakikilala mo ba kung sino ako, kuya guard?" mahinang tanong ko. Muling nangunot ang noo ni manong guard tapos ay biglang nanlaki ang mga mata niya. "Saica?" gulat na sambit niya. Nginisihan ko siya saka ako lumapit sa kaniya. Tinutukan ko ng patalim ang tagiliran niya. Akmang huhugutin niya ang b***l niya nang mabilis ko itong hinugot. Pati ang radyo niya ay kinuha ko.

