Chapter 22: (Saica's POV) Hindi niya naman ako pinayagan na uminom alak! Nawawala na ako sa sarili ko. Hindi ako makatulog. Kanina pa ako pabali-baliktad sa kama kaya naman sobra-sobra na ang pagkairita ko. "Gusto ko nang matulog," mahinang bulong ko. Inis akong umupo sa kama. Madilim ang paligid at tanging kaunting ilaw galing sa labas lang ang magbibigay liwanag sa paligid. Actually, kanina pang umaga wala si Rexton. Tinawagan na naman siya kanina. Umalis siyang naka-uniporme. Inakit-akit ko na nga siya para hindi siya umalis, eh. Kaso wala, umepekto man sa kaniya ang alindog ko, pero kailangan daw talaga siya sa trabaho. Binilinan niya rin akong 'wag akong iinom. Baka kasi may mangyaring hindi maganda habang lasing ako. Nabubuwisit akong bumalik sa pagkakahiga. Tahimik akong tumit

