Chapter 14: (Saica's POV) "You okay?" ngising tanong ko. Inilapag ko sa lamesa ang pagkain na binili ko sa labas. Naka-upo lang si Rexton sa kama. Matalim ang titig niya sa akin, at 'yong ilalim ng mga mata niya ay medyo nagkaro'n ng eyebags. "Sa tingin mo, okay lang ako?" he asked, irritated. Medyo mahina ang boses niya at halatang nanghihina siya. Napatitig ako sa pulso n'ya. Kaya naman pala, may mga sugat doon. May dugo rin ang kama, pero sure naman akong hindi niya ikakamatay 'yon. Naglaslas amputangina. Hahaha. "Oopps. Masyado mong dinibdib ang sinabi ko sa 'yo kahapon, ah?" mapang-asar na tanong ko. Natatawang nilapitan ko siya sa kama. Sumampa ako roon at tinitigan ang mga sugat doon. Malalalim. May dugo pa ito at halatang sariwa pa. First time niyang gawin iyan, ah? Nag-a

