Chapter 15: (Saica's POV) "Tinawagan ko na sila, mamayang alas-diyes na sila pupunta rito." Si Sandy. Bumuntong-hininga siya at tumitig sa akin. Nilaro-laro ko ang dulo ng buhok ko habang nguya-nguya ko ang chewing gum na ninakaw ko sa bulsa niya kanina. "Oh-kay? Basta mamayang gabi niyo na ako hulihin. 'Yong tulog na ang lahat para naman hindi masyadong nakakahiya. Don't worry, hindi ako tatakas, ang daming guard na naka-bantay, hayop ka." sambit ko saka umirap. Walang nakakaalam ng nangyayari ngayon kundi kami lang ni Sandy, mga pulis at mga guards. He chuckled. "Nahihiya kang mahuli pero hindi ka nahihiyang pumatay?" Inis na tiningnan ko ang buwisit na pagmumukha ni Sandy. Naka-upo siya sa table niya habang seryosong nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Excuse me? Hindi

