Habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa harap ko ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ang unang babaeng bumaliw sa akin ng ganito. Ang unang babaeng dahilan kung bakit ako nakakagawa ng mga ganitong bagay ni sa hinagap ay hindi ko ginawa. Iyong kahit anong balik ko sa mga nakaraan ko wala talagang humigit sa posisyon niya ngayon. I never dared to betray my brother. Kahit pa ilang beses kung naranasan ang panggagago sa akin ni Kuya. Kahit pa paulit-ulit ‘yon hanggang sa ako nalang ang kusang mapagod at lumayo dito. Si Kuya ang laging pinapaboran ni Papa dahil daw ito ang lumaki sa hirap. And I gave him that wala naman akong pakialam kung ibigay ni Papa lahat ng kayamanang meron siya. Hindi rin naman ako mahirap, coz after I already made my own name and build my own Empire. Of co

