Ilang beses kung sinubukang hindi mapa ngiti pero sadyang tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon ay kusang gumuguhit ang ngiti sa mga labi ko. Mga ngiting hindi ko naman madalas maaninag kahit gaano pa ako kasama. Kinulot ko ang buhok kung hanggang sa kahalaga ng leeg bago nagpalit ng isang off shoulder dress na aabot lang hanggang tuhod ko. Nagyayang kumain sa labas si Dalton ngayon kaya kailangang presentable ako. Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil siguradong hindi ito maniniwala bukod sa doon ay hindi rin naman nito tatanggapin ang rason na ibibigay ko. Sa isang restaurant na lang kami magkikita dahil manggagaling siya sa bahay nila. Pagdating ko doon ay dinala na ako ng waitress sa isang lamesa na medyo malayo sa mga tao. Dalton preferred this spot, coz eh doesn’t want people to

