Hindi ko alam kung pang ilang plato ko na itong nasa harap ko. Basta pikaramdam ko hindi ako nabubusog kahit anong kain at inom ko, kahit nga ang sujo na nasa harap ko ay hindi epektibo sa kadramahan ko. Nandito ako ngayon sa samyupsal kumakain habang nagdadrama sa buhay ko. Mabuti pa ang mga baboy na ito laging hinahanap ng lahat samantalang ako heto naiwan na naman mag-isa. “Hoy, ano naglasing ka na ng taba diyan.” Nakasimangot kung nilingon si Nina. “Tinatawag mo lang kami pag kailangan mo. Hindi ba pwedeng pag may napapakinabangan naman kami sayo?” Kala mo naman ‘tong baklang ito ay walang napapakinabangan sa akin kung makapagsalita eh. Isang buntong hininga pa ulit ang pinakawalan ko bago muling binaliktad ang niluluto ko. Ipakain ko nalang ang sama ng loob ko sa mga kagagahan k

