TOA - 1

1681 Words
La Telmene 3rd Person's POV Time's running out for them, just like the mana in their beloved world. It's like Arkaios is one hella sicked planet and the cure is still in process. Elementals can't do anything but to watch it dying while waiting for their Kings and Queens to treat it. "Lampas dalawang taon na ang lumipas at wala pa rin tayong balita kila Kuya Rage. Madami na ang mga namamatay dahil sa crisis. Iilan nalamang mga matatanda ang natitira sa ating lahi." pahayag ni Jewel Fierylus. "Itrain na kaya natin ang lahat ng mga new births? Gawin na natin ang Option B na sinabi satin nila King Rage." suhestyon ng isang Sylph. "Sang ayon ako kay Vera. Wala na tayong oras Jewel. Hindi pwedeng maghintay na lamang tayo ng maghintay." sagot naman ng isang Pixie. "Pero kaya ba nating ituro sa kanila ang lahat hah Patrice? Maliit na panahon nalang ang natitira sa atin." sagot naman ng isang Gnome. "Kakayanin natin. Hindi naman pwedeng mga Crusaders lang ang gumawa ng paraan at maghanap ng solution Anmae." singit ng isang Wisp. "Tama si Algondy! Tutal andito na rin naman sila sa atin, gawin na nating isang Academy ang palasyo mo Jewel." dagdag ng isang Shade. "I agree with Flitz. Gawin na nating La Telmene Academy ang lugar na ito at hindi na isang palasyo o summer camp." sagot ng isang Undine. Sandaling nag isip si Jewel at huminga pa ng malalim. "Okay Jasmin. The decision is final. Tuturuan natin ang mga new births ng mga combat skills at palalakasin pa natin sila hanggat may oras pa tayo." pagpapahayag ni Jewel at tumango ang mga kasamahan niya. Ang La Telmene ay isang palasyo kung saan si Lady Jewel Fierylus ang namamahala. Kada sasapit ang buwan ng tag init, nag iimbita siya ng mga batang Elementals upang makasama at maturuan ng ilang kaalaman nila sa kapangyarihan ng bawat isa. Pero para sa mga anak ng mga Crusaders at ng mga kasama nila sa mission, ang La Telmene ay parang isang bahay ampunan. Isang lugar na kung saan sila iniwan ng mga magulang nila at hanggang ngayon ay umaasa silang babalikan sila. ---- *after 1 week* "Dear Elementals, proceed to our Main Hall. May i aannounce kaming lahat ng mga nagbabantay sa inyo. Be there in 15 minutes." isang Aerial Message na dinig ng mga Elementals. "Bakit kaya?" tanong ni Seren sa sarili pero narinig naman ng mga kasama niya. "Baka naman andyan na sila Mommy at Daddy?" masiglang singit ni Garnet. "HALA?! OO NGA?! TARA TARA NA!" nagmamadaling sambit ni Llorelie. "Oo na tara na nga!" sabi naman ni Kazerine. "Oy Per, Heav, Tans at Daph punta na tayo dali!" sabi ulit ni Garnet at hinila si Per. "HAYS OO NA! ANG GANDA GANDA KO TALAGA KAYA TARA NA! PARA DIN MASILAYAN NI PRINCE LUKEN ANG KAGANDAHAN KO!" nakangiting sambit ni Perisse. "Whoooo girls kapit kayo ang hangin! May bagyong Perisse ang nananalasa satin!" sabi naman ni Daph at tumawa ang lahat maliban kay Perisse na nakapout. Lumabas ang walong magkakaibigan papunta sa Main Hall ng mapatingin si Seren sa bintana. "Ang laki na talaga ng pinagbago. Dati makulay at buhay na buhay ang Arkaios, pero ngayon, parang rotten fruit na ito." bulong ni Seren sa sarili ng biglang may umakbay sa kanya. "Yow Sis!" bati ng kanyang kakambal na si Frost. "Hoy Frost, ayan na naman yung naughty side mo. Umayos ka baka mapagalitan ka na naman ni Tita Jewel eh." sabi ni Seren at umiling lang si Frost. "Teka nagpapapansin pa ako kay Heavenne eh wag ka ng panira ng diskarte." bulong pa nito at kumindat sa kakambal niya. "Yeah right whatever." tugon ni Seren at umirap. Napansin ni Seren ang tahimik na si Haelles at napangiti siya ng lihim. "Uuuuuy si Sis oh! Kanino ka nakatingin?" panunukso ni Frost sa kanya. "WALA!" bulyaw nito at naglakad palayo. "Anong ginawa mo Frost?" tanong ni Heavenne kay Frost. "PMS lang yun Heav." sagot nito at sumipol pa habang naglakad din pabalik sa grupo niya. ---- "ELEMENTALS! WE ALL KNOW NA AWARE KAYO SA PANGANIB NA KINAKAHARAP NG ARKAIOS. WE ARE NOW FACING THE SO CALLED MANA CRISIS." paninimula ni Mistress Jewel. "For some unknown reason, nauubos na ang kapangyarihan sa Poli Mana. Arkaios can't hold on any longer." at napahinga siya ng malalim. "Kayong mga new births ay malakas pa ang mana level dahil sa hindi niyo pa naman gaanong ginagamit ang inyong kapangyarihan. Ibang klaseng pagtuturo na ang gagawin namin kesa sa nakasanayan niyo noong nga nakaraan. Hindi na ito isang summer camp kundi Academy na talaga." dugtong pa nito. "Alam din naming alam niyo ang ginagawang paghahanap ng ating mga Hari at Reyna sa apat pang orbs upang maisalba ang ating mundo." pagpapatuloy niya. "Malapit ng mag tatlong taon at hindi pa rin sila bumabalik. Kaya we have decided na gawin ang Option B na inatas samin noon ng mga Crusaders. La Telmene will be an Academy starting tomorrow at itetrain namin kayo ng mabuti upang maging handa sa panganib na paparating." lahat ng mga Elementals ay nagulat. "La Telmene will no longer be a palace, we will call this place as La Telmene Academy, understand?" sabi ni Mistress Jasmin at tumango ang mga Elementals. "You will call us as Headmistresses and Headmasters. Kami ang magtuturo sa bawat isa inyo ng mga dapat niyong malaman tungkol sa inyong mga kapangyarihan." dagdag ni Mistress Jasmin. Nagtaas bigla ng kamay si Seren kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Yes Miss Cayrie Seren Fierylus?" tanong ni Mistress Vera. "What if po hindi nagtagumpay sila Mommy at Daddy at iba pang Crusaders sa paghahanap ng apat pang orbs?" tanong ni Seren. "Tuluyang mawawalan ng buhay ang Arkaios pati na rin tayo. Maglalaho ang ating lahi sa buong Galaxther." sagot ni Mistress Anmae. "Thanks Headmistress Anmae." tanging sagot ni Seren. Napaupo nalamang siya sa kanyang narinig at napayuko. ---- "Hey, magtatagumpay sila Mom at Dad ok?" bulong ni Frost sa kapatid habang nasa dining hall sila. Tumango si Seren pero halata pa rin ang takot sa kanyang mukha. "If they can't finish their task, we will do it." narinig niyang sambit ni Haelles. "Tiwala ka lang Renren. Malalakas naman yung mga parents natin atsaka nabasbasan sila ng mga Pandarens." sabi ni Garnet at ngumiti ito kay Seren. "Don't stress yourself too much." sabi pa ni Flamey, isa sa mga kaibigan ng kakambal niyang si Frost. At dahil ayaw niyang mag alala ang lahat sa kanya, ngumiti siya kahit pilit lang. Nasa iisang lamesa ang grupo nila Seren at Frost. Kilala sila bilang malalakas ng Elementians at tinitingala sila, maliban kay Seren na itinuturing na isang mahina. Madami ang nambubully sa kanya lalo na kung wala siyang kasamang iba. Matapos kumain ay bumalik na sa kanya kanyang kwarto ang bawat Elementals. Pagkapasok ni Seren sa loob ng kwarto niya ay kinuha niya ang journal na bigay sa kanya ng Mommy Naia niya at binuksan niya ang bintana saka umupo doon habang ang mga paa niya ay nakalabas at ang mga mata niya ay nakatitig sa dalawang kulay lilang buwan. Humangin ng malakas kaya naman may mga dahon na tumama sa buhok ni Seren at kinuha niya ang mga iyon. Mga dahong dati ay luntian ngunit ngayon ay paitim ng paitim. Naisarado ng dalaga ang kanyang kamao at naging maliliit na piraso ang mga dahon na hawak niya. "Mom, Dad, magagawa niyo naman di ba? Maliligtas niyo kaming lahat hindi ba? Babalik pa tayo sa Pyrheus sabi nyo ni Dad di ba?" bulong ni Seren sa sarili at niyakap ang journal ni Naia. *Flashback* "Mommy, Daddy! Maglalaro lang kami ni Frost sa may treehouse!" sigaw ni Seren at hinila palabas ng kwarto nila si Frost. "ATE REN! AYOKONG MAGLARO!" sigaw nito at bigla siyang piningot ng kakambal niya "NO! WE WILL PLAY CAYDEN FROST!" ma otoridad na sabi nito at nagpalabas ng isang maliit na flaming meteor saka ito binito kay Frost na nailagan naman ng huli. Nagpaulan ng maliit na ice balls si Frost kaya tumakbo paakyat sa treehouse si Seren. Naglabas pa ng naglabas si Frost ng mga ice balls hanggang sa magyelo ang katawan ng treehouse at di sinasadyang nakapagpalabas siya ng isang ice blade na nagdulotng c***k sa katawan ng treehouse. Nakita niya ang unti unti pagkabasag at pagguho ng treehouse na kung nasaan ang batang si Seren. "FROOOOOOOST!" sigaw ng nakapikit at natatarantang si Seren. Napapikit nalang din si Frost ng dahil sa mga nangyayari at napadasal ng di oras. "WHOOOOOOOOO!" narinig niyang sigaw muli ni Seren kaya napamulat si Frost at nakita si Seren na lumilipad sakay ng isang bilog na parang disk na rock na nag aapoy. Ni hindi na nito napansin ang bumagsak na treehouse ng dahil sa pagkagulat sa nakita. Nang makalapit sa lupa ay tumalon si Seren at napunta ang disc na sinasakyan nito kanina doon sa pasirang treehouse at bigla itong lumiyab. "What's happening babies?" tanong ni King Rage sa dalawa at nakita nila ni Naia ang kinahinatnan ng treehouse na kakapagawa pa lamang nila. "CAYRIE SEREN AT CAYDEN FROST! PASOK SA KWARTO!" bulyaw sa kanila ni Naia habang si Rage ay umiiling iling pa."** *End of flashback* Naalala ni Seren yung mga panahong maganda pa ang buhay nila at maayos pa ang lahat. Napakaganda ng Arkaios noon at talagang nakakamangha. Sila ay nakatira sa Pyrheus Region kung saan sila Rage at Naia ang tumatayong Hari at Reyna. Ang Pyrheus Region ay ang bahagi ng Arkaios kung saan nakatira ang mga Salamanders. Puro mga bahay na gawa sa mga batong hinubog sa apoy ang makikita doon. Mga palamuting naglalaro sa kulay ng pula, dilaw at kahel. Ngunit sa loob ng palasyo, kulay lilang mga torch ang naroroon dahil lila ang kulay ng apoy na nailalabas ni King Rage. Patunay lamang na isa siyang napakalakas na Salamander. Pinunasan ni Seren ang mga luhang nagbabadyang pabagsak na dahil namimiss na talaga niya ang magulang nila ni Frost. "Sana magbalik ang lahat sa dati. Yung makakakita ka ng rainbow na higit pa sa isa kada araw. Yung mga ulap na may iba't ibang hugis, mga huning masisigla ng iba't ibang nilalang, mga Elementals na namumuhay sa ilalim ng isang malaking kulay dilaw na araw kapag umaga at dalawang kulay lilang buwan sa gabi." sabi muli ni Seren sa sarili niya. Mula sa di kalayuan ay natanaw niya ang isang matandang Chimera na halos naghihingalo na habang nasa likod nito ang bagong panganak na chimera. (Chimera - a creature with lion's head, goat's body, lion's paws and serpent's tail.) Agad tumalon pababa si Seren at sumakay sa isang meteor disc upang mas madaling mapuntahan ang mga Chimera kahit na alam niyang torches off na at baka mahuli pa siya. Nilapitan niya ang bumagsak na Chimera at nakitang niya malapit na itong mawala. Kinuha niya ang baby Chimera at kinarga habang umiiyak pa. "Mama!" dinig na iyak ni Seren sa utak niya. "WTF. Nagsasalitang Chimera?" naibulong niya sa sarili at nakitang unti untiing nagiging abo ang mantanda Chimera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD