TOA - 2

1714 Words
Rare Four Seren's POV Tinitigan ko ang chimera na katitigil pa lamang sa pag-iyak. Hindi fierce ang aura nito kundi masayahin. May pares ito ng violet na mga mata at makakapal na balahibo. "Hey baby chimera, I'll keep you na lang hah?" bulong ko sa kanya at inihele pa. "Cayrie Seren Fierylus!" muli kong narinig saking isipan. "Ba...bakit kila...la mo ako?" tanong ko pa ulit at tinitigan ng mabuti ang chimera sa kandungan ko. "Uwaaaaa kupkupin mo ako" dinig kong iyak nito muli. Iiwan ko na lang sana yung baby chimera kasi nga ang creepy masyado kaya lang nakarinig ako ng boses ng mga Elementus na umaaligid sa buong La Telmene. Kinarga kong muli ang baby chimera at sumakay sa meteor disc ko saka lumipad pabalik ng kwarto. Agad kong sinara ang bintana at hinarang ang kurtina ko. Inilagay ko sa isang kahon na nilagyan ko ng kumot yung baby chimera at humiga na ako para matulog. *tok* *tok* *tok* "Ay istorbo!" nasabi ko sa sarili ko. "Si Frost!" narinig kong pagsasalita ulit nung baby chimera. "Teka? Nakakausap mo talaga ako?" baling na tanong ko dito at nag growl siya bilang sagot. "Ate, Ate Seren! You have to see this! Come on open up!" dinig kong boses ni Frost galing sa labas. Paano nahulan nung baby chimera na si Frost ang nasa labas? Binuksan ko yung pinto at tumambad sakin si Frost na pawisan pero mas nagulat ako doon sa creature na nasa likod niya. "Te...ka alam mong extinct na ang lahi ng mga Icenix, pero bakit nanghuli ka pa ng isa?" agad kong tanong sa kakambal ko. *(Icenix - parang Phoenix pero hindi ito nag aapoy kundi nagyeyelo.)* "Shhhhh dyan tayo sa loob." sabi niya at pumasok sila nung Colnix sa kwarto ko. "Nakakausap ako nitong Icenix na ito. I just saw him sa isang bush kanina habang nagpapahangin ako." agad na kwento niya sakin. "Eh ako din eh! May baby chimera na kumakausap sakin." sabi ko at ipinakita ang chimerang may maamong mukha. Nagkatitigan yung Chimera at Icenix na parehas may violet eyes saka biglang nag growl yung Chimera habang yung Icenix ay lumipad pataas. Biglang bumuga ng apoy yung Chimera at nagpaulan ng ice yung Icenix. "Waaaaaa baka masira nila itong kwarto ko! OMP WHAT TO DO FROST? WHAT TO DO?!" hysterical kong tanong. "Cold, behave!" sita ni Frost at nakita kong pumunta sa balikat niya yung Icenix pero matalim pa rin ang tingin nito doon sa Chimera. "Cold? You named that Icenix Cold?" I asked at tumango siya. "Oh mukhang wala ka namang problema eh bakit ka pa pumunta dito?" nagtanong pa ulit ako. "Nothing. Iinggitin lang sana kita!" he answered and stucked his tongue out saka lumabas ng kwarto ko. Nakita ko yung Chimera na pumunta ulit sa may box at nahiga. Napaisip ako kung bibigyan ko rin ng pangalan itong Chimera. Dahil sa pagod, nahiga na rin ako at ipinikit ang mga mata ko. -- "CAYRIE SEREN FIERYLUS! WAKE UP NA!" naalimpungatan ako sa sigaw mula sa tabi ko. Napamulat ako ng mata at agad kong nakita si Garnet. "Garns! Ano ba yan paano ka nakapasok eh nakalock yung door ko?" tanong ko habang nag-iinat pa. "Duh? Connecting rooms tayo Renren." sagot nito sabay irap at hila sakin patayo. "Ouch ano ba yan Garns!" maktol ko sa kanya. "Loka! Bilisan mo na sleepyhead! Orientation ngayon duh? Nakaligo na kami ikaw nalang ang hindi." sabi nito sakin na ikinalaki ng mga mata ko. Nagmadali ako sa paliligo at pagbibihis. Lumabas ako ng kwarto at nakitang naghihintay sakin ang 7 kong mga bestfriends. "Ayan na si sleepyhead. Tara na girls." sabi ni Llorelie at naglakad na kami papuntang dining hall para kumain. "Daphs ang ganda ng buho......." pagsasalita ni Tanya na naputol dahil biglang may humigit kay Daphne. "Te...rran?" gulat na tanong namin. Sinuri suri ni Terran ang pananamit ni Daphne na isang bestida na hanggang tuhod ngunit may see through parts sa may hita at tummy. "Change your clothes Daphne." utos ni Terran. "Teka? Bakit bagay naman sa kanya ah!" singit ni Perisse pero agad siyang sinamaan ng tingin ni Terran. "O...okay." tanging nasagot ni Daphne at mag-isang bumalik sa kwarto niya. "May something ba yung dalawa?" tanong ko kay Kazerine na katabi ko sa paglalakad. "Mutual Understanding na ata sila Renren." sabat ni Garnet na nakangiti ngunit agad iyong nawala. "GARNEEEEET MY LOVES! BUTI NAHANAP NA KITA PARA MASILAYAN MO NA ANG GWAPO KONG MUKHA!" sigaw ng tumatakbong si Flamey. "Argh shut up Flamey! Ang aga aga ang hangin hangin mo di ka naman Sylph!" pambabara ni Garnet sabay irap. "Pakipot pa si Garns! Naku kung si Luken ang gumaganyan sakin hindi na ako magpapahabol pa." kinikilig na pahayag ni Perisse kaya nabatukan ko siya. "Ang harot harot mo Pers!" untag ko sa kanya saka kami tumawang lahat. Nakita ko ang kambal ko kasama ang kanyang Icenix na si Cold at ang iba nilang kagrupo maliban kay Haelles. -- "Ang cute naman ng Icenix mo Frost!" papuri ni Heavenne sa alaga ni Frost. "I named him Cold." pacool na sambit ni Frost na ikinamangha naman ng iba naming kasama. Habang sila ay abala sa pagkain at pagkukwentuhan, eto ako naiisip si Haelles na hanggang ngayon ay wala pa. "Thinking of Haelles huh?" narinig kong bulong ni Garnet. "Hindi ah." pasimpleng sagot ko. "Sus deny pa. Ayun siya oh kasama si Rairi." sabi ni Garnet sabay turo sa may pinto ng dining hall at nakita kong sabay na pumasok si Haelles at ang isang babaeng Undine na Rairi ang pangalan. Napairap ako ng di oras at mas binilisan ko pa ang pagkain ko. "Ganyan ba ang hindi siya hinahanap o ang hindi man lang affected sa kanya?" pabulong na pang-aasar ni Garnet sakin kaya naman tinapakan ko ng malakas ang paa niya. "Aaw!" sigaw niya at bigla siyang napatayo kaya naman umuga yung lamesa at natapunan ng hot soup si Llorelie. "GARNET WHAT THE HELL!" galit na sigaw ni Llorelie at tinitigan ng masama si Garns. Sa takot ni Garnet ay tinuro niya ako tapos umiling iling lang ako. "Are you alright Llorelie?" alalang tanong ni Rainn saka nito pinunansan ang parteng nabasa kay Llorelie. *(Bakit di gaanong nasaktan si Llorelie ng dahil sa hot soup? Una, cold skins rin ang tawag sa mga Undines kaya yung mainit satin, warm lang sa kanila. Pangalawa, napapaso lang sila ng sobrang kapag ginamitan sila ng mga Salamanders ng kapangyarihan.)* "I'm fine Rainn. Ako na ang magpupunas kaya don't worry about me." sagot ni Llorelie at agad na pinatuyo ang damit niya. "Sorry Lors. Si Renren talaga may gawa niyan eh." sabi pa ni Garnet at pinangliitan ko siya ng mata. "Sorry Lors, si Garns kasi kanina eh. Hindi naman sadya." sabi ko pa kay Llorelie. Ngumiti samin si Llorelie tapos ay biglang nagsmirk at naramdaman ko nalang na basa na rin ang damit ko. "Ganti ganti lang Garns at Renren hahaha." sabi niya at napatingin ako kay Garnet na basa rin ang damit. Tumawa kaming lahat ng nasa table at ipinagpatuloy ang pagkain. -- "Welcome students! Simula ngayon ay haharap na kayo sa mga iba't-ibang pagsubok upang mahasa ang inyong kakayahan bilang isang Elemental." bungad samin ni Tita Jewel. Lahat kami ay nasa Main Hall na at nakaupo randomly. Meaning magkakasama pa rin kami ng mga bestfriends ko. "We will focus on enhancing your abilities and power not on academics." dagdag pa ni Tita Jewel. "I am Headmistress Jewel Fierylus, ang siyang magtuturo sa mga Salamanders." pagpapakilala ni Tita Jewel. "Headmistress Jasmin Ocenian the Undine." tumayo ang isang babaeng petite na may maamong mukha at mahabang buhok na kulay black sa taas tapos ay blue sa ibaba. "Headmistress Vera Aethami the Sylph." nagbow ang isang babaeng may suot na headband na may palamuting wings sa magkabilang gilid. Medyo maliit yung babae pero fierce ang features ng mukha niya. "Headmistress Anmae Clifftia the Gnome." kumaway samin ang babaeng may blonde hair, katamtaman ang height at may maamong mukha. "Headmaster Algondy Phosvoc the Wisp." nagsmile at nag flying kiss pa ang isang lalaking may well formed body, kakaibang hairstyle at gwapo kaya lang medyo mahangin. Siya rin ang nakatatandang kapatid ni Luken, yung crush ni Perisse. "Headmaster Flitz Ravenco the Shade." nagthumbs up naman samin ang isang lalaking medyo singkit, gwapo, matangkad pero mas payat kay Headmaster Algondy. Kapatid ni Headmaster Flitz si Perisse. "Headmistress Patrice Dustpin the Pixie." biglang may maliit na nilalang ang lumipad habang umiilaw ang buong katawan niya. Nagpunta siya sa may stage, katabi ni Tita Jewel at bumalik sa normal size niya saka ngumiti samin at nagsayaw sayaw pa. "Alam naming kilala niyo na kami, pero gusto lang naming magpakilala ulit for the formality." sabing muli ni Tita Jewel. "Because not all of us happened to be in a battle before, we invited four great Elementals na makakatulong dito sa La Telemene Academy ng malaki." dagdag ni Tita Jewel na nakakuha ng buong attention namin. "Sana may lalaking gwapo hihi." dinig kong sabi ni Perisse. "Akala ko ba Luken ka?" pambabara ni Heavenne. "Naku taksil ka Pers!" sabi ni Tanya at tumawa kami. "Hi...hindi ah! Loyal ako kay Luken!" bawi ni Perisse saka umirap samin. "Let us welcome, the Rare Four." pag aannounce ni Tita Jewel saka lumabas ang apat na babaeng pamilyar sakin. "The Astral Projector, Dream Traveler and Interpreter, Lady Lachise Fately." nag bow ang babaeng silver haired na maganda kasama ang isang Crystal Fox na may yellow crystal sa noon nito at may puting balahibo. *(Crystal Fox - a creature na may iba't-ibang kulay ng crystal sa noo na nagdidistinguish kung anong element ang power nito.)* "Lady Cleatha Fately, an Undine and known as the Peculiar Girl." kumaway samin ang blue haired, petite girl na may katamtamang height kasama ang isang lumilipad na Griffin. *(Griffin - a creature with the body of lion, head and wings of an eagle.)* "A Salamander with the power of precognition, Lady Astrean Fately." ngumiti samin ang red haired na babae, maganda, singkit at may matapang ngunit masayahing aura. Sa gilid niya ay mayroong lumilipad na isang maticore. *(Manticore - a creature with head of a beast, body of a lion and a tail that can shoot spikes.)* "And lastly, Lady Larrah Aletheia Whirly, the Mind Reader and Truth Holder." saka tumayo ang babaeng may straight brown hair, maputi at medyo matangkad habang sa may paanan niya ay mayroon isang puting baby Alicorn an may white na balahibo, pink na balahibo sa gitna hanggang sa buntot at pinkish violet na horn sa may noo nito. *(Alicorn - a rare creature. It is a winged unicorn.)* "Good morning Elementals" masiglang bati nilang apat samin. Kaya pala Rare Four, rare na abilities with rare pets. Ang Fately Triplets o mas kilala sa pagiging 3 Kismets, at si Ate Aletheia, ang babaeng puro katotohanan lamang ang sinasabi. "AY ANAK NG CHIMERA!" napasigaw ako dahil bigla kong nakita yung Baby Chimera sa may paanan ko. Pero sa pagkakatanda ko iniwan ko yun sa box sa ilalim ng kama. "What's your problem Miss Fierylus?" tanong ni Ate Lachise sakin habang gamit gamit ang famous death glare niya. Ituturo ko sana yung Baby Chimera sa may paanan ko pero paglingon ko ay unti-unting naglaho ito sa paningin ko. OH MY PANDARENS. KILL ME NOW GREAT PANDARENS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD