BETTY
"I can't go."
Malamig at malalim ang naging tinig ni Sir Zach matapos niyang marinig mula kay Jarred na kailangan niyang pumunta sa kanilang paaralan dahil magkakaroon ng meeting.
"I have business to deal with."
Ni hindi man lang niya tiningnan ang kaniyang anak dahil nakatuon lang ang kaniyang buong atensyon sa iPad na hawak niya — na para bang mas mahalaga ang kung ano mang tinitingnan niya kesa bigyan ng kahit na maliit na atensyon ang kaniyang mga anak.
Kakauwi lang ni Sir galing sa kaniyang business trip, at ilang araw din siyang wala. Tapos ngayong nandito siya ngayon sa bahay — trabaho pa rin ang inaasikaso niya. Hindi talaga uso sa kaniya ang salitang 'family time'.
"Nevermind then," ani Jarred na para bang suko na sa kaniyang ama.
Hindi kumibo si Sir pero kita ko ang bahagyang pag-angat ng kaniyang kilay. Natahimik ang buong sala, nakakabingi. Gusto ko man sanang magsalita kaya lang naisip ko wala pa akong ipon at medyo mahal ko naman ang trabaho ko.
"Daddy, can I go to the park this coming weekend?" tanong naman ni Milley, medyo alanganin pa.
Ilang segundo pa ang nakalipas bago niya nilingon ang kaniyang anak saka ito bumaling ng tingin sa akin. Bakit parang kasalanan ko na naman? Na para bang ako ang nakaisip ng sinabi ni Milley.
"Betty will come with me, Daddy that's for sure," muling saad ni Milley. "Right, Betty?"
Malamang sasama talaga ako, yaya mo ako eh.
"Oo naman syempre," nakangiting saad ko kahit na alam ko na paniguradong awkward na ang ngiti ko.
Mas lalong dumoble ang t***k ng aking dibdib dahil sa tingin ni Sir sa akin. Bakit ba kasi ganiyan siya kung makatingin? Parang crush ata ako ni Sir... char!
"Sir, may dumi po ba ako sa mukha?" tanong ko dahil nahihiya na talaga ako dahil sa titig niya.
"Tsked. Make sure that if you come with her, all your attentions are in her. If something bad will happen, I will surely won't make it slide."
At nagbanta na nga po siya. Minsan na nga lang akong kausapin ni Sir, may pagbabanta pa.
"So you're letting me go, Daddy?" Mababakas sa tinig ni Milley ang kasiyahan. Wala siyang nakuhang matinong sagot sa ama, ngunit sapat na ang kaniyang narinig upang matuwa siya.
Ibang klaseng ama talaga ang isang ito, buti na lang hind ganito si Tatay.
"Unfair."
Napatingin ako kay Jarred, mahina lang ito ngunit alam kong narinig din ni Sir ang sinabi niya.
"If you think it's unfair, think again, Red." Ngayon, nakatingin na siya sa kaniyang anak. Mapanganib ang tingin niya. Ibinaba niya ang hawak niyang iPad. "Now think."
Pareho silang nakatingin sa isa't isa.
"Daddy, look. I finished it already," singit ni Milley, nagbabakasali na humupa kahit konti ang tensyon sa pagitan ng kaniyang ama at kapatid, pero hindi siya nakakuha ng atensyon.
Ibang klase talaga ang pamilyang ito, ang hirap huminga.
"Milley, patingin nga," singit ko na rin. Lumapit pa ako ng bahagya sa kaniya upang mas makita ang iginuhit nito. "Wow! Ang ganda. Panigurado akong matutuwa rito ang teacher mo," masiglang saad ko, walang halong kaplastikan dahil maganda naman talaga ang gawa niya.
"I told you, I'm an artist, Betty," taas noong saad niya. "Anyway, thanks for teaching me color mixing."
Marunong na talaga siyang magpasalamat ngayon, at kahit sinusungitan pa rin niya ako minsan, kahit papaano ay nakakahinga na ako ng maluwag sa kaniya.
"Sa kwarto lang ako," pagkakwa'y saad ni Jarred na mabilis tumayo.
Naiwan kami sa sala. Sinundan lang ng tingin ni Sir si Jarred saka ito marahas na napabuntong hininga.
"Sir Zach," tawag pansin ko. Ngumiti ako nang balingan niya ako ng tingin.
"What?"
Heto na naman ang puso ko na OA kung maka- react.
"Kung hindi po kayo makakapunta sa meeting, p'wede po bang ako ang umattend?" Oh my goodness! Betty, nasisiraan ka na ba ng bait?
Sino ba naman ako para gawin iyon di ba? Isa lang naman akong hamak na kasambahay. Ano ako, nanay? Ugh!
"Who gave you the right to do that?"
Malamig at malalim ang naging tinig ni Sir, para bang ang susunod na sasabihin niya ay 'you're fired'.
"You're just a maid, just act like one."
Grabe naman si Sir magsalita. Ako na nga lang itong nag sa-suggest para may umattend lang para kay Jarred eh.
"Alam ko naman po iyon, kaya lang — inaasahan po ni Jarred na may pupunta para sa kaniya."
At wala na akong pakealam kung mas magalit siya sa akin.
Mas lalong tumalim at lumamig ang tingin niya sa akin. Si Milley, nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin na para bang nasisiraan na ako ng ulo. Syempre, saan ka ba naman kasi nakakita ng kasambahay na nangengealam ng buhay ng boss mo, di ba?
"And do you really think I have time to waste for that mere meeting?"
Grabe talaga si Sir. Kung makapagsalita, akala mo hindi talaga mahalaga ang meeting para sa kaniyang anak.
"May oras nga po kayo para sa meeting niyo sa business, Sir, sa meeting ng anak niyo wala?"
Nakagat ko ang aking dila. Shootangina! Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong magsalita? Nakakainis ah!
Saglit na tumagal ang tingin sa akin ni Sir bago niya itinuon ang atensyon sa kaniyang iPad.
"Kaya niyo naman po sigurong maglaan ng kahit na konting oras di ba? Para naman po iyon kay Jarred, na anak niyo... hindi sa kung sino lang."
Betty, tama ka na! Masyado ka ng madaldal.
"Betty."
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko nang marinig ko ang tinig ni Auntie. Isang sulyap lang sa kaniya at alam ko na—sobra na. Tama na. Pero kahit gano’n, may kung anong kumakabog sa dibdib ko na ayaw tumahimik.
Huminga ako nang malalim at yumuko ng bahagya.
“Pasensya po, Sir,” mahina kong sabi. Wala na akong ibang narinig pa mula sa kaniya.
Tahimik ang sala. Si Milley, nakayakap na ngayon sa sketchpad niya. Si Jarred naman, naroon pa rin sa may hagdan, nakikinig, pero ilang saglit pa ay umakyat na siya ng tuluyan. Huminga ako ng malalim. Sinenyasan ako ni Auntie, kaya naman muli akong nagsalita.
"Milley, tara na sa study room," saad ko.
Kinuha ko ang iginuhit niya na nasa mesa. Tahimik naman siyang sumunod sa akin ngunit ramdam ko na may gusto siyang sabihin. Marahas akong napabuntong hininga. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi ko talaga magawang pigilan ang bibig ko. Nakakainis!
"Betty, do you really think Daddy loves his work more than us — his children?"
Bahagya akong natigilan dahil sa naging tanong ni Milley. Tumingin ako sa kaniya. Malinaw ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.
"Hindi, mahal kayo ng Daddy niyo, sadyang busy lang siya."
Hindi ko akalain na magtatanong sa akin ng ganito si Milley.
"Kuya needs him to attend the meeting, but for Dad it's only a waste of time."
Lumapit ako sa kaniya, bahagyang bumaba upang mapantayan siya. Tipid akong ngumiti. Siguro dahil sa narinig niya kanina kaya siya nagkakaganito.
"Marami lang siguro siyang ginagawa sa trabaho..."
"I hate Daddy." Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya. Magsasalita palang sana ako nang muli siyang magsalita. "We're not asking for more from him... we just want time, even just a little."
Minsan talaga kahit mayaman ka at nakukuha ang gusto mo — mas mahalaga pa rin ang oras na maibibigay mo sa pamilya mo. Oo, aaminin ko — na disappoint ako sa mga narinig ko mula kay Sir kanina kaya lang kasi, hindi ko rin siya masisisi lalo pa't hindi ko naman alam ang buong kuwento niya.
"Ugh, nevermind. You're just my nanny."
Muli akong napangiti, tipid lang — tipong. Muli siyang naglakad. Sinundan ko saglit siya ng tingin bago ako sumunod sa kaniya. Bata lang siya pero ramdam ko na sobrang daming mga salitang bumabalot sa kaniya.
"Milley, don't say you hate your daddy," saad ko nang masabayan na siya sa paglalakad. "Try to understand him for now, maybe soon — he will see you and Jarred the way you see him."
Saglit niya akong tiningnan. Bumusangot siya.
"I didn't know you speak english well."
Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niya. Nang marating namin ang study room, agad niyang nilapag ang gawa niya, hindi na rin kami nagtagal pa sa loob. Nagtungo siya sa kaniyang kwarto, at ako naman ay pinatawag ni Sir sa kaniyang opisina. Alam kong mapapagalitan lang ako.
"Sir, bakit po?" tanong ko nang makapasok ako sa kaniyang opisina.
Muli nang dumating siya, puro na lamang trabaho ang ginagawa niya.
"Next time, don't talk that way especially when my children are around," umpisa niya na para bang sobrang laki ng nagawa kong kasalanan mula sa kaniya. "Sa susunod na maulit ito, alam mo na ang mangyayari..."
"Pasensiya po talaga, Sir. Hindi ko lang po talaga mapigilan."
Mataman siyang nakatingin sa akin.
"Pero hindi naman po siguro ikababawas ng stocks ng business niyo kapag umattend kayo saglit ng meeting hindi po ba?"
Napalunok ako nang makita kong mag-igting ang kaniyang panga. Paninindigan ko na lang talaga ito.
"Sir..."
"You really do know how to cross the line," putol niya sa sasabihin ko.
Naglaro ang aking daliri at napakagat sa aking ibabang labi.
"Kung hind lang dahil kay Nay Eva, baka unang araw mo pa lamang dito ay pinaalis na kita."
Grabe naman si Sir. Halatang ayaw sa akin.
"Kaya kung gusto mong mas tumagal dito, ayusin mo ang trabaho mo. Focus on Milley not into my family."
"Sir, alam niyo po ang sayang lang."
Nag taas ang kaniyang kilay.
"Nakukuha man po kasi ng mga anak niyo ang mga bagay na gusto nila, pero yung oras niyo para sa kanila — sobrang hirap nilang makuha."
Muling nag-igting ang kaniyang panga.
"Sana po, Sir... maisip niyo rin po na maging ama sa kanila, hindi lang basta ama na umuuwi at nakikita nila — yung ama na mararamdaman nila na kakamapi at hindi kaaway."
Magkaiba ang pamilya namin, mayaman sila kami ay mahirap — pero yung pagmamahal namin sa bahay? Buong-buo. Hindi tulad ng sa kanila na para bang isang kasalanan na magpakita ng pagmamahal.
"May sasabihin pa po ba kayo, Sir? Kasi kung wala na po, pupuntahan ko na si Milley sa kwarto niya," magalang na saad ko kahit sobrang lakas na ng t***k ng puso ko dahil sa pagkairita ng nararamdaman ko.
Nang wala akong nakuhang sagot sa kaniya, lumabas na lang ako sa kaniyang opisina. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim.
"Ay kabayo!" bulalas ko nang biglang bumukas ang pintuan. "S-Sir, may kailangan pa po kayo?"
Mataman siyang nakatingin sa akin ba para bang sinisentensyahan na niya ako.
"The next time you speak that way to me... you're fired," malamig na saad niya bago niya muling isinara ang pintuan.
Napailing na lamang ako. Hindi niya tanggap kasi totoo naman ang sinabi ko.
---