Kabanata 5: Sisante Sana...

1724 Words
BETTY Masyado namang defensive si Sir, nagsasabi lang naman ako ng totoo tapos ang magiging sagot sa akin isang pagbabanta ng 'you're fired'. My goodness! Kung gawin niya kaya ng tama ang pagiging ama niya sa mga anak niya, edi sana hindi siya nagkakaroon ng problema. "Ikaw talagang bata ka," ani Auntie nang magsumbong ako sa kaniya. "Ikakapahamak mo ang bunganga mo eh. P'wede bang sa susunod kontrolin mo iyan?" Tumawa pa si Auntie na animo'y isang biro ang sumbong ko. "Auntie, hindi ako nag jo-joke. At saka, kawawa naman po kasi talaga ang mga bata. Kulang na lang mamalimos sila ng atensyon sa kaniya eh." Hindi ko kasi talaga tanggap na gano'n ang trato niya sa mga anak niya. Like, ama siya — responsibilidad niya iyon. Sila-sila na nga ang magkakasama pero mukhang hindi pa ramdam na isa silang pamilya. Mayaman nga sila, pero mahirap sa pagmamahal para sa isa't isa. "Mukhang wala lang pakealam si Zach, Betty, pero mahal niya ang mga anak niya." Sumimangot ako. Malamang kakampihan ni Auntie ang alaga niya. Tsked. "Makikita mo rin iyon, Betty." Huminga ako ng malalim. "Kailan po kaya?" Muli siyang tumawa. "Alam mo si Zach, hindi siya ang tipo ng tao na mahilig magpakita ng nararamdaman o emosyon niya. May malalim siyang dahilan." "Kung ano man po ang dahilan na iyon, hindi pa rin po tama na gano'n na lamang niya itrato ang mga anak niya, Auntie. Unfair iyon." Wala akong alam sa kuwento ng amo ko — sa pamilya nila, pero... hanggang kailan niya itatrato ang mga anak niya na para bang wala lang ito sa kaniya? Mataman akong tiningnan ni Auntie na para bang sobrang dami niyang gustong sabihin ngunit hindi niya magawang sabihin. Gaya nga ng sabi niya, wala siya sa posisyon para ikuwento ang buhay ng amo namin. Huminga muli ako ng malalim. "Auntie, isang tanong lang po, noong bata po ba siya ganito rin siya itrato ng magulang niya?" tanong ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Umiling si Auntie. "Hindi, pinalaki siya ng puno ng pagmamahal at aruga ng mga magulang niya." Kumunot ang aking noo. "Masayahin siyang bata, madaldal... dalawa lang silang magkapatid pero sobrang ingay ng buong bahay nila — ingay na hindi nakakairita." Oh, masaya naman pala ang buhay niya, pero bakit hindi niya magawang ibigay ang gano'ng kasiyahan sa mga anak niya? Ibang klase talaga. "Kung ano man ngayon si Zach, siguro dahil na rin ito sa mga pinagdaanan niya." Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Auntie na para bang nakita o nasaksihan talaga niya ang lahat. At ewan ko rin kung bakit bigla na lamang nag react ang sistema ko na para bang ramdam ko ang kung ano mang nararamdaman niya. "At sa totoo lang, hindi ko rin talaga siya masisisi." Nacu-curious na talaga ako. Gusto ko na lang pasukin ang utak ni Auntie para malaman ko na lang ang lahat. Ang dami ko ring tanong sa totoo lang kaya lang, alam kong wala rin naman akong makukuhang sagot lalo na kapag ang tanong ay tungkol sa ina ng mga bata. "O siya sige, itulog na lang natin ito at maaga na naman ang trabaho natin bukas," ani Auntie na tumayo na. "Dito na lang po muna siguro ako sa labas, Auntie. Mag me time na muna ako," biro ko na ikinatawa niya lang bago ito nagtungo sa loob ng aming quarter. Naiwan ako sa labas. Tumingala at pinagmasdan ang maliwanag na kalangitan dahil sa mga bituin. Huminga ako ng malalim. "Namimiss ko na talaga sila," sambit ko. Iba rin kasi talaga kapag kasama mo ang pamilya mo. Tipong kahit mahirap ang buhay, ang mahalaga lang sa akin ay magkakasama kami. Pero bilang isang anak, syempre gusto ko rin silang mabigyan ng magandang buhay. Hindi nagtagal ay tumayo ako para maglakad-lakad. Tahimik ang paligid ngunit maliwanag dahil sa mga ilaw. Sa sobrang laki ng bahay nila, mapapagod ka talaga kakahanap kay Milley once na naglaro kayo ng hide and seek. Naipikit ko ang aking mga mata nang umihip ang malamig na hangin. "What are you doing here?" "Ay gagi!" bulalas ko dahil sa gulat nang marinig ko ang malamig at malalim na tinig ni Sir Zach. Agad akong napatingin sa kaniya. "Sir, kayo po pala." Napatingin ako sa hawak niyang alak. "Umiinom kayo, Sir?" Obvious naman, Betty. As usual hindi niya ako sinagot, nilampasan niya lang ako. At ewan ko rin sa sarili ko kung bakit sinundan ko siya. "Sir, hindi rin ba kayo makatulog?" muling tanong ko. "Napag-isipan niyo na ho bang umattend sa meeting na sinasabi ni Jar...red..." Naitikom ko ang aking mga labi nang huminto siya sa paglalakad at binalingan ako ng tingin. Sabi ko nga, iritable na siya sa akin. Kasi naman, hindi ko mapigilan. "Why do you keep crossing the line?" Heto na naman ang tono niyang may halong pagbabanta. "Eh Sir, hindi naman po sa gano'n." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi ko na rin alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko para kausapin o tingnan man lang siya. Kasi sa totoo lang, halos karamihan sa mga kasama ko, takot sa kaniya. Si Auntie lang talaga ang madalas na kinakausap niya. Humigop siya ng alak, mariin. Kita ko ang pag-igting ng panga niya maging ang pagtulis ng tingin nito sa akin. “You don’t get to decide the words I will say," malamig niyang sabi. Gusto kong umirap ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Tumango na lamang ako na para bang iyon ang dapat kong gawin. “Opo. Alam ko po iyon. Pero nakikita ko po kasi ang mga bata." Napatawa siya — puno ng pang-uuyam. “You’re just a maid." Para iyon isang kutsilyong tumusok sa akin. Grabe nama si Sir. “Opo. Alam ko po iyon,” sagot ko agad, kalmado. “Kasambahay lang po ako. Pero araw-araw kong nakikita ang mga anak niyo, hindi ko man po alam kung pansin niyo, ngunit hind materyal na bagay ang gusto nila sa iyo — kung hindi ikaw mismo." Sandaling tumahimik ang paligid. Gusto ko na lang talagang i-tape ang bunganga ko para hindi na lang ako magsalita. Baka paggising ko bukas, mawalan na ako ng trabaho. “You really think you know my kids better than me, huh?” Sarkastiko ang tinig niya, delikado. Umiling ako. “Hindi po ako nandito para hamunin kayo, Sir," depensa ko sa aking sarili. “At saka hindi ko po sinasabi na mas kilala ko po ang mga anak niyo, base lang po sa obserbasyon ko." “You talk as if you know what it’s like.” Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Para bang may sinabi siya na sobrang bigat tanggapin sa sistema. Napalunok ako lalo na nang mas dumilim ang tingin niya sa akin. Baka mamaya, bumulagta na lang ako rito dahil sa tabas ng bibig ko. "Hindi po pareho ang pamilyang kinalakihan natin. Hindi ko rin naman po masasabi na mas maganda ang buhay ko, dahil kung oo, edi sana wala po ako ngayon dito sa harapan niyo. Pero Sir, mga bata pa po ang mga anak niyo. Kahit konting atensyon lang po sana maibigay niyo po iyon sa kanila." Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na para bang walang kuwenta ang aking sinabi. "Hindi sinabi ni Nay Eva na madaldal pala ang ipapasok niya sa bahay ko." "S-Sir, hindi ko po babawiin ang mga sinabi ko, dahil totoo naman po ang lahat ng iyon." Sige lang, Betty... daldal pa. Muli siyang uminom sa alak na hawak niya. Ngumisi ito “Most people here only say what I want to hear. Only do what I want them to do." Tumango-tango siya. "Tama si Nay Eva... you're really different, but carelessly stupid." Bahagya akong umatras nang maglakad siya palapit sa akin. Para bang kung hindi ko iyon gagawin, may magbabadyang isang panganib. "Bukas na bukas din, hindi ko na makikita pa ang pagmumukha mo sa pamamahay ko." Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita. "Hindi ko kailangan ng isang madaldal at pakelamera sa pamamahay ko." "Sir... sinisisante niyo po ba ako?" Obvious naman, Betty. Shootangina! Ito na nga ba ang sinasabi ko. "May limang buwan pa po ako para sa probation ah... grabe naman kayo, Sir. Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Sa halip na humingi ng tawad, iyan ang lumabas sa aking bibig. Hindi ko lang kasi tanggap. "You're fired." "Sir..." "Now, get the f**k out of sight." Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa aking mga mata. Gusto ko ring mag makaawa pero ayaw sumunod ng aking sistema. "What?" singhal niya sa akin. "Ang unfair niyo naman, Sir," pagmamaktol ko. "Dahil lang nagsabi ako ng totoo tatanggalin niyo ako sa trabaho? Napaka walang konsiderasyon naman po iyon." Kita ko agad ang pagsalubong ng kaniyang kilay dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh. Napailing siya bago niya ako tinalikuran. Gano'n na lang iyon? Tatanggalin niya ako sa trabaho dahil lang sa mga nasabi ko? Para lang din naman iyon sa ikakabuti niya ah. "Sir Zach." Hinabol ko siya. Nagbabakasali na bawiin niya ang sinabi niya. "Fired agad? Hindi ba p'wedeng warning muna?" Alanganin akong ngumiti. "Do you really think this all a joke to you?" Umiling ako. "Pero, Sir... isipin mo, kung tatanggalin mo ako sa trabaho, sinong mag-aalaga kay, Milley? Sinong sasama sa kaniya sa park? Napag-usapan pa naman po namin kung ano ang mga gagawin namin. Baka po mas malungkot siya." Nanatiling salubong ang kilay niya. Ni hindi ko alam kung effective ba ang sinabi ko. Jusmiyo! Kailangan ko ang trabahong ito. "Sir... uhm? Warning na lang muna. Sa susunod, kahit ako na po mismo ang kusang aalis. Uhm?" Napahawak na ako sa kamay niya, para lamang mapagbigyan niya ako pero mukhang mali iyon dahil mas lalo lang naging matalim ang tingin niya sa akin. "Hehe opps." Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Just go inside. Tsked. Annoying." Napangiti ako. "Sir, binabawi mo na?" tanong ko. "Goods na ulit tayo?" Muli akong nakarinig ng tsked sa kaniya bago niya ako tinalikuran. "Sir, thank you! Apakabuti mo talaga!" Nakahinga ako ng maluwag. Jusmiyo! Akala ko katapusan ko na. "Pero teka... marunong palang mag bigay ng second chance si Sir. Malambot din pala talaga ang puso niya." Napangiti ako. "Okay, tama si Auntie." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD