Kejin pov:
Gumising ako ng maaga dahil magiging busy na Naman ang aming araw ngayong lunes. "Ms. DeVille pinapabigày ito sa inyo ni Mr. Travis. Dagdag niya pa na sumunod ka nadaw sa Company paggising." bungad agad sa akin ng isa sa tauhan ni travis. Tiningnan ko ang oras at 8 palang ng umaga, anong oras kaya Siya pumunta sa opisina? Bakit parang ang aga Naman. Umiling nalang ako at pumunta sa kusina. "Good morning Inang Kejin." bati sa akin ni Andy. Lumingon ako sa kaniya at tinitigan lang Siya ng Masama. "Anong Inang Kejin? Tsk. By the way anong oras umalis si Kuya?" inis kong tanong sa kaniya. Si Andy lang Naman ang pinaka mapangasar sa grupo kasamà ni Rafael, hindi Siya nauubusan ng pangaasar at laging nagtatagumpay lalo na sa akin. "Hmmm mga siguro 5 ng umaga. Nagising ako ng mga 6:20 at bumaba na Dito pero hindi ko Siya napansin." sagot Niya sa akin. Grabe Naman ang alasingko ng umaga, ano kaya ang ginawa Nila kahapon at parang excited silang may matanggap? "Ano iyang niluluto mo?" silip ko sa kaniya. "Inutusan ako ni Maria na magluto ng agahan dahil daw papasok sa skwelahan si Saphira ngayon, hindi ba lunes na?" paliwanag nito at tinakpan ang sinisilip kong kawali. Tinarayan ko lang Siya at umupo sa lamesa.
Maya-maya lang dumating na si Maria sa kusina at tinanong kung anong oras na. "What time is it Kej?" Tanong nito sa akin. "It's 8:27 am. Why?" Tanong ko pabalik sa kaniya. "8 what!? s**t!! I need to wake Saphira. Her class starts at 9:20 sira Kasi ang orasan ko sa kwarto." sabi Niya sabay takbo ng mabilis pabalik sa kwarto Niya. Hindi ba katabi Niya si Saphira? Kung ngayon ang simula ng klase ni Saphira sa new school Niya, siguradong ipinasok Siya ni Maria sa skwelahan kung Saan nagaaral si Leo. "Yes tama! May magbabantay kay Saphira sa school!" taas noo kong sigaw. "Hshshs baliw." rinig kong bulong ni Andy habang naghahalo. "Sinong baliw!?" sigaw kong Tanong na ikinalaglag ng hawak niyang spatula. "Ito Naman nanggugulat. Syempre ikaw! Sino ba namang hindi magiisip na baliw ang kasamà Niya kapag tumawa iyon ng malakas noh." nguso Niya sabay tutok sa akin ng spatula. Winahig ko ang braso Niya ng malakas at bumalik nalang sa kwarto para maligo at pumunta na sa Kompanya.
Saphira pov:
"Saphira! Saphira! Saphira!" sigaw sa tenga ko na ikinaiinis ko. "What!??" sigaw ko pabalik. "Wake up! You're late!" you're what? Late? Late Saan? Ano ba Mayroon? Bigla akong bumangon at luminga sa paligid. "Maria?" pagtataka kong Tanong nang makita ko si Maria na hingal na hingal habang nakahawak sa binti ko. "You're late, I told you earlier diba? Magaaral ka sa bago mong school Dito sa Japan." paliwanag Niya sa akin. "Ahh ayon. Late na ako? Anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya ulit. "8:32 a.m kanina pa kita ginigising pero mahimbing lang ang pagkakatulog mo. Now you have to move bago ka malate!” sigaw Niya sa akin. Ito Naman parang si Daddy lang, kung hindi ako sisigawan sa umaga, kakalabugin ako hanggang sa maalimpungatan. Tumayo ako agad at pumasok sa banyo na nasa loob lang din ng kwarto ni Maria. Naligo agad ako at pagkalabas ko hinanap ko kay Maria ang uniform na isusuot ko. "Maria Anong uniform isusuot ko?" Tanong ko sa kaniya habang nakabalot sa malaking tuwalya. "Hahaha you're like a snowman. Ito oh madali lang suotin iyan at Alam kong bagay sa iyo." sabi Niya sabay bato ng plastik sa harap ng pinto ng banyo. "Nyenye!" dila ko sa kaniya sabay Sara sa pinto. "Ok let's see kung maganda ba talaga ito." agad kong pinunit ang plastik at inilabàs ang dalawang piraso ng damit at dalawang piraso din ng palda. "Wow it's so red!" sambit ko nang itinaas ko mula sa pagkakatupi ang Isa sa damit na nasa plastik. Agad ko itong sinuot at ganon din sa maikling palda. Nang matapos ko na itong isuot, humarap ako sa salamin na kaharap ng lababo at tiningnan kung bagay ba ito sa akin. "Hahaha it's so cute, it really fit on me. It's red, I am red." sabi ko habang ngumingisi sa harap. Ang uniform ay may kulay Puti na damit with collar, red and black striped necktie na kakulay din ng maikli nitong paldà. Àng isang damit naman na sinasabi ko ay kulay itim na may Puti sa bawat dulo nito. Bagay nga talaga sa akin ang uniform dahil medyo slim lang ako at mahaba ang mga paa.
Lumabas na ako sa banyo at pinakita ang suot ko kay Maria na nagsusuklay. "Look!" sigaw ko para matawag ang atensyon Niya. "Hmm? Wow! You look good! Really Good!" sigaw Niya sa akin at nilapitan ako. "Here, binili ko ang medyas na iyan kahapon sabay ng pagkuha ko sa uniform mo." paliwanag Niya sa akin sabay abot ng medyas na Puti. Sinuot ko na ito agad at sinuot din ang dala kong m*******e shoes na gamit ko pa simula dati. "By the way Maria, Saan ang school ko?" Tanong ko Dito na nagsusuklay pa din ng kaniyang buhok. "Àh. Sa Kishia University, hindi mo na kailangan kabisaduhin ang daan papunta doon. May maghahatid at magsusundo sa iyo so no need na." paliwanag Niya sa akin. Bigla nadismaya ang mukha ko nang sinabi Niya iyon, gusto ko maglakad, gusto ko maramdaman ang kagandahan ng lugar na ito. Gusto ko makisalamuha sa mga tao. "But I want to walk." sagot ko kay Maria. "Walk?" Lingon Niya sa akin mula sa salamin. "You can do that but not now. Male-late ka sa school mo so next time nalang." ngiti Niya sa akin sabay Tayo mula sa salamin. "Now go downstairs, you're going late." palo Niyang mahina sa Ulo ko. Dinala ko na ang bag na inihanda Niya kagabi at bumaba na papunta sa sasakyan na siyang maghahatid sa akin sa University. Sumakay na ako sa mahabang sasakyan na ang pagkakaalam ko ay tinatawag na Limousine. "Good morning Young Miss." ngiti sa akin ng driver mula sa harap. Ngumiti ako sa kaniya at bumati din sa kaniya. "Good morning." mahinahon kong sabi. Pinaandar na Niya ang sasakyan at dumiretsyo na sa University. Mula sa bintana habang umaandar ang sasakyan, nadadaanan namin ang mga studyanteng naglalakad at nalagpasan ang isang maliit na paaralan. Dito siguro nagaaral ang iba sa mga studyanteng nakikita ko, bukod sa mga studyante nakikita ko din ang mga nagtitindang tao sa gilid-gilid at ang maliliit na kabahayan. "I wish I could walk." bulong ko sa sarili. "You can Young Miss pero baka malate ka hehe." ngiti sa akin ni kuyà. "Oo ngà eh... Pero puwede hindi mo ako sunduin mamaya? I mean ako uuwi magisa?" excited kong Tanong Dito. Ngumiti lang Siya sa akin at sinara ang maliit na pinto para hindi ko Siya makita. "Wahhhhh!!!" inis kong sigaw sa loob ng sasakyan. Wala akong nagawa at natulog nalang dahil malayo pa ang University.
"Ms. Ms. Young Miss." gising ko nang maramdaman na may tumutusok tusok sa noo ko. "Hmmmmm." gising ko, agad kong nakita Ang driver kanina na nakangiti sa akin at sa likod Niya ang malaki at malapad na building. "Eh?" bangon ko sàbay Labas sa sasakyan. "Is this the University?" mangha kong Tanong sa driver. "Yes Young Miss." sagot Niya sa akin. Mula sa malaking gate sa likuran namin, nakikita ko ang madaming studyante na nagsisipasukan at nilibot ang tingin ko sa malawak na espasyo at nakikita ang madami pang mga sasakyan na mamahalin ang nandoon. "Wow! I shod get going na, bye!!" paalam ko sa driver sabay ngiti. Dumiretsyo ako sa malaking pinto at sa bawat sulok ay nakakakita ako ng iba't ibang uri ng studyante. Ang iba Dito at nerd, stress, may boyfriend, kasamà ang mga kaibigan, at ang iba Naman ay magisa lang. Kinuha ko mula sa bulsa ang papel na binigay sa akin ni Maria at doon nakalagay ang classroom ko at ang floor nito. "Ok ok ok my anxiety is..." hinga ko ng malalim sabay akyat sa kanang bahagi ng hagdan. "Yuck!" sigaw ko nang may nakita akong naghahalikan sa gilid ng hagdan. Tumakbo nalang ako at hinanap ang classroom class A 4th floor. Nang makita ko sa gilid ang saktong number na nasa papel agad ko tinulak ang pinto at pagpasok ko nakatingin agad sa akin ang mga studyante at isang guro na nasa likod. "May I?" ngiti kong Tanong sa kanila. Ang iba ay tumawa at ang iba Naman ay nagtataray na nakatingin sa akin. Wow? Am I not welcome here? I mean I don't care but their gaze is pissing me. I rolled my eyes at padabog na pumasok sa room. Kung hindi niyo ako sasagutin, papasok nalang ako magisa pwe! Taray kong tingin sa kanila pabalik.
"Introduce yourself Ms." ngiti ng guro sa akin. "I am Maria Saphira Sabiana DeVille." pakilala ko sa kanila. Nagulat ako ng bigla silang nagngangahan at nagtinginan sa isa't Isa. "De-DeVille? Your Sister is Kejin Deville?" gulat na Tanong sa akin ng teacher. "What do you think?" Tanong ko pabalik sa kaniya. "O-okay Rina! Rina get out of that chair. Ms. DeVille sit here." alalay sa akin ng guro at tinataboy ang studyante na nakaupo sa unahan. "Tsk!" malakas kong reklamo sa teacher at iwinahig ang kamay Niya. "I can sit wherever I want. You that Rina. Go back here." inis kong utos sa kaniya. Àno bang kinakatakot nitong teacher nato? I mean hindi Niya Naman kailangan itaboy ang studyante para lang paupuin ako sa pinaka harap, and I don't want to sit in front of the board. Sanay akong laging nasa likuran dahil sa penalty ko noon. Dumiretsyo ako sa likuran at umupo sa tabi ng bintana. Nagsigawan silang lahat bigla nang umupo ako doon. "What?" Tanong ko sa kanilang lahat. "Th-thats his chair." sagot sa akin ng kaninang Rina. "Walang bag, walang nakalagay, it means walang nakaupo. First come first serve." kindat ko sa kanila. Nagsibulungan lang sila at agad na lumingon palayo. "That's my chair Ms." gulat kong lingon sa likod nang may biglang nagsalita sa likuran ko. "Chair?" Tanong ko. Tumayo ako mulà sa pagkakàupo at umupo sa lamesa. "Iyan na ang chair mo. Jan ka sa chair mo ako Dito sa lamesa. Deal?" pangaasar ko sa lalaki. Nang tuluyan kong nakita ang tindig Niya nagulat ako dahil ito ay matangkad, payat, may hikaw sa isang tenga, at nakaporma na sobrang ayos. Parang mafia. "Ok." rinig kong bulong Niya at umupo sa upuan. Hinawakan Niya ang binti ko at pinaharap ako sa kaniya. "Th-the f**k?" inis kong Tanong sa kaniya. Inilapag Niya ang bag Niya at inayos ang palda ko. Inihiga Niya sa palda ko ang Ulo Niya habang hawak-hawak ang likuran ng bewang ko. Motherfucker. Agad kong sinipa ang upuan Niya at sinipa agad ang tiyan Niya noong napatayo Siya para ayusin ang upuan. "Hehe what the hell bro? Sabi ko shared hindi gawin akong kama." sabi ko sabay taas ng middle finger ko. "Stop that." galit na sigaw ng teacher ko. s**t nakalimutan ko may teacher nga pala Dito.
Kejin pov:
Nakarating na ako sa Kompanya at agad akong kumaway sa mga nagtatrabaho Dito na parang Miss Universe. "Good morning Ma'am Kejin." bati nila isa isa sa akin. "Good morning workers keep up the good work." kindat ko sa kanila. Dumiretsyo na ako sa office ni Kuya Travis at nadaanan ko si Rafael. "Hey Rafael!" sigaw ko sa kaniya na nagtitimpla ng kape. "Hey Kejin!" kaway Niya sa akin. "Is kuya inside?" Tanong ko sa kaniya. "Hmm yes pero may kausap pa Siya at pinalabas pa ako, silang dalawa lang ni Vince ang nasa loob." paliwanag nito sa akin. Pinalabas? Ano kayang importanteng business ang pinaguusapan Nila? Hindi ko pinansin ang sinabi ni Rafael at pumasok na sa office Niya. "Kuya!!" sigaw ko at binuksan ang pinto. "Shhhh! Quiet!" sigaw sa akin ni Travis. "Opps sorry hahahaha." tawa ko sabay upo sa sofa. "Sige na Secretary Oung keep it up huwag mong hayaang matuklasan ka." huli nitong paalam sa kausap Niya sa telepono. "Now what Kejin?" seryoso nitong Tanong sa akin. "Hahaha nakakatakot Naman ang aura mo kuya. I'm here Kasi sabi ng guard mo pumunta ako agad Dito." paliwanag ko Naman sa kaniya. "Yes I told him to say that pero late ka ng 1 hour." seryoso niyang titig sa akin. "Ito Naman oh syempre babae ako normal lang na matagal akong maghanda saka beauty is treasure sa amin noh." biro ko sa kaniya. "Whatever. So how's Saphira?" Tanong Niya sa akin. "She's ok pumasok na Siya sa University and I heard na magkaklase sila ni Leo." sagot ko Naman sa kaniya. "That's good pero huwag lang ma-misunderstand ni Leo si Saphira. She's strange lalo na pag unang kita mo pa lang sa kaniya." paliwanag Niya sa akin. "Hmm ikaw vince? Kailan ka magkakaroon ng isang Saphira?" biro kong tanong kay Vince habang umiinom ng Strawberry juice. Favorite Niya ang strawberry juice at kahit soft drinks pa ang nasa harap Niya strawberry padin ang pipiliin Niya. What a strange Guy. "Kapag ready kana mànganak." sagot Naman ni Travis na ikinabuga ni Vince sa iniinom niyang juice. "HAHAHAHAHAHAHA!" malakas kong tawa. Sa totoo lang hindi ko gets. Bakit ako kailangan mànganak para magkaroon ng Saphira si Vince? Pero whatever basta ang tingin Nila ay joke iyon. "Ta-travis!" sigaw ni Vince habang ngumingiti ngiti sa akin. "Hahaha you are both funny, pero ano iyong pinaguusapan niyo. Bakit kailangan palabasin si Rafael?" taka kong Tanong sa kanilang dalawa. "Palabasin sino?" tanong ni Vince sa akin pabalik. "Hahahahaha! It's a prank Kejin!" sigaw ng lalaki sa Labas ng pinto at pagkapasok nakita ko agad ang mabalbon na si Rafael. "nyenye so funny." pagtataray ko sa kaniya.
"Ito Naman hindi maloko. Syempre kapag sinabi kong lumabas ako para sa mga girls aasarin mo ako hahahaha." muli nitong tawa. "Tsk! Stupid!" inis kong sigaw Dito. Curious padin ako sa pinaguusapan Nila at bakit hindi nalang Nila sabihin sa akin. May koneksyon ba ito tungkol sa nanay ni Travis or ang lahat ng ito ay tungkol lamang sa paghihiganti kay Rinko at Santi. Hindi maalis sa isipan ko ang unang araw na makita kong sobrang gàlit si Travis at iyon ay ang aksidente na muntik na ikamatay ni Saphira, iyon din ang dahilan ng pagtakas Nila sa Japan. What exactly happened 8 years ago?