Meet up with friends
"To see and talk to someone after making an arrangement to do so: I'm meet up with some friends after work."
Nagulat siya paglabas nila sa restaurant nasa labas si Stephen nakahalukipkip ito sa isang tabi. Umayos lang ito sa pagkakatayo ng makita na niya kaming palabas ng restaurant. Balak pa sana nilang mamasyal na tatlo pero parang mapopornada pa ito dahil binata. Alam niyang hindi niya ako papayagan.
"Steph! Akala ko nakaalis kana?"gulat niyang tanong. Agad siyang lumapit dito at humalik sa pisngi nito.
"Hinihintay kita!"simangot nitong sabi. "Let's go. Ako na maghahatid sa'yo."
"Eh!"Napakamot siya sa kilay niya. Lumingon siya sa mga kaibigan niya. Nakita niyang napanganga ang kaibigan niyang bakla. Gusto kong matawa sa itsura niya.
"Ahmm..mauna na kami. Next time na lang tayo mamasyal. Salamat sa foods Leo."nahihiya niyang sabi.
"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila?
"Hindi mo ba kami ipakilala sa kaniya?"sabay pa silang tatlo na nagsalita. Nawindang siya bigla. Paano mukhang galit naman kasi ang lalaking nasa tabi niya. Nawala din sa isip niya na ipakilala niya ang mga ito sa isa't isa. Bumuga siya ng hangin.
"Sila ang mga kaibigan ko since high school. Siya si Liela, siya din ang nagpasok sa akin sa pinagtatrabahuan niya. At ito si Leo, nagtatrabaho din dito as a manager ng isang banko."pakilala niya sa mga ito. "Siya si Stephen boyfriend ko."sabi naman niya sa mga kaibigan ko. Nakipag kamayan naman si Steph sa mga ito.
Natawa sila ni Leila ng biglang yakapin ng bakla ang boyfriend ko. Nagulat din si Stephen sa ginawa ng bakla sa pagyakap saknya. Inamoy-amoy pa niya ang binata.
"Ang bango-bango naman ang fafalicious na ito. Pakiss pa nga."sabay nguso ng labi niya paharap kay Steph.
"Damn it! Let go off me!"inis namang sabi ni Steph. Kaya inawat ko na itong bakla baka mas lalong magalit ang binata.
Kinurot niya ito sa tagiliran. "Kahit kailan ka talaga. Malandi ka!"sita niya sa bakla. "H'wag mong tsansingan ang boyfriend ko!"
"Ang damot mo naman."simangot nito. "Pero in fairness ha, ang tigas ng katawan ramdam ko ang abs. Ang bango na nga mukhang masarap papakin. Roar grrrr."sabay aksiyon sa mga kamay niyang lalapain ang binata.
Nabatukan tuloy siya ni Leila. "Hindi kana nahiya sa pinaggagawa mo! Umayos ka nga. Kung ayaw mo makatikim diyan ng suntok! Hinaharass mo na ang boyfriend ni Elle."simangot niyang sabi sa bakla.
"Ouch! Ano ba! Nakadalawa kana ng batok sa akin ah. Masakit kaya."maarte nitong sabi sabay haplos sa ulo niya.
Natawa nalang kaming dalawa ni Leila. Habang si Stephen nakasimangot parin. Mukhang wala ito sa mood.
"Ahmm..sige na mauuna na kami. Chat nalang tayo ha!"humalik muna ako sa kanila pero pinigilan ako ni Steph ng si Leo na ang ikiss ko sa pisngi.
"Tama na yan. Kanina pa kayo magkadikit na dalawa!"inis nitong sabi at hinila na siya nito papalapit sa kaniya.
"Grabe ka sa'kin ha! Halika, Ikaw nalang hahalik sa'kin fafalicious."kinikilig pa nitong sabi sabay nguso ng labi niya palapit kay Steph. Pinitik lang ni Stephen ang noo ng bakla. Napahagikhik nalang kami ni Leila sa ginawa ng binata.
"Ang sweet mo talaga fafalicious."sabay hampas na may kasama pang himas sa braso ni Stephen. Hindi talaga papaawat. Sinamaan naman ni Steph ng tingin ang bakla.
Tinignan niya si Steph, masama ang tingin sa bakla at nakasimangot parin ito. Pero ang gwapo parin niya tignan. Hinarap niya ito at marahan na minasahe ang nakakunot nitong noo.
Hinila naman ni Leila ang bakla palayo kay Stephen. Kahit kailan talaga itong bakla eh. Ang hilig magtsansing ng mga lalaki. Mabuti at wala pang nakakasapak sa baklang ito.
"Sige na mauna na kami Elle and Stephen."nahihiyang paalam ni Liela. Pero bago pa sila makaalis nagsalita ulit ang bakla na ikinatigil ko.
"Bruha! Wala ka bang balak sabihin diyan sa jowa mo ang ginawa ng maldita niyang kapatid sayo?"diretsang sabi ng bakla. Hinampas naman siya ni Leila at nagpeace sign sa kaniya.
Napapikit siya. Nalingat lang ako para mag tungo sa toilet kanina, nakwento na agad ni Leila kay bakla ang nangyari kanina. She deeply sighed.
"Don't mind him, Love!"tumalikod na siya at hinila na niya ito paalis. Dahil kanina pa nila sinasabi na mauna na sila pero wala namang umaalis.
"What was that mean?" tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya nitong nakakunot-noo.
Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng binata. Iniiwas niyang hindi nito mahahalata ang kaniyang mga mata. Pinakalma muna niya ang sarili bago siya nagsalita.
"Ayaw ko munang pag usapan yan!"Iwas niya sa kasintahan. "Pakihatid mo na lang ako."mahina niyang sabi.
Wala silang imik na naglalakad patungong parking lot. Bago pa man siya nito pagbuksan ng pintuan ng sasakyan nito ay niyakap siya muna ng mahigpit at hinalikan siya sa noo.
"Ayaw kong nakikita kang malungkot. Nag-aalala ako."sabay haplos sa mukha niya. "And sorry sa inasal ko kanina. Nagselos lang ako sa baklang iyon. Subrang nakadikit kasi siya sa'yo."nakanguso nitong sabi. Napangiti siya ang gwapo talaga nito. Ang cute niya tignan pag nakanguso siya. Tama ang bakla sarap niyang papakin.
"Baliw ka talaga. Nagmessage ako sa'yo na magdinner kami ng mga kaibigan ko. Nasabi ko din na bakla yung Isa kong kasama. Hindi mo pala nabasa!"simangot niya.
"I'm at the meeting that time. Sorry okay! But anyway, hindi na muna kita ihahatid sa apartment mo. You gonna stay with me tonight."ngiti niya sa dalaga.
"May trabaho ako bukas. Wala akong susuotin."maktol niya.
"So!"baliwalang sabi nito. At pinapasok na siya nito sa front seat. Kasunod na pumasok din ito. Hinalikan siya muna ito sa labi bago pinaandar ang sasakyan niya.
Wala na siyang nagawa pa ng sa condo niya sa Orchard kami umuwi. I'm sure kukulitin niya ako about sa sinabi ng bakla kanina. Napakadaldal talaga ng baklang yun. Sa isip niya kinukurot niya ito ng pinong-pino sa tagiliran nito.
Agad siyang naupo sa sofa pagkapasok nila sa condo ng binata. Napakarelaxing ng amoy ng condo ng binata. Ni-request niya kasing ibahin ang amoy ng air humidifier niya sa condo niya. Gusto niya yung lavender scent. So calming and relaxing pag nakakaamoy ako ng lavender scent. Glad nagustuhan din nito yung amoy.
Si Steph naman nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom nilang dalawa.
"Here, drink this."sabay abot ni Steph ang Isang basong may lamang chrysanthemum tea.
"Eww! What's this? Ang pangit ng lasa."lukot ang mukhang tanong niya kay Steph.
"It's chrysanthemum tea. It's good for your body it's give you cooling and calming effects. Come on, finish to drink it."masuyo niyang sabi sa dalaga. Inisang inom niya na rin yung sa kaniya.
"Actually it's not bitter at all. Ginawa yan ni nanay for me. First time mo bang uminom nito? tanong pa niya. Tumango lang siya at pilit inuubos ang isang basong chrysanthemum tea. Tinatawanan naman siya ni Steph habang pinapanood siya. Sinimangutan niya lang ang binata.
"H'wag mo ng ubusin kapag hindi muna kaya, baka mabigla yang tiyan mo at baka sumakit pa. Give me, I'll drink it."agad naman niyang ibinigay dito ang hawak na baso.
Pagkatapos nitong inumin agad niyang ipinatong sa center table ang baso at hinila siyang papalit sa kaniya. Yumakap naman siya agad dito. Bigla siyang napatili ng buhatin siya nito at ipinaupo sa kandungan niya. Nahampas niya tuloy ito sa balikat.
"I missed you so much, Love!"sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.
"Kakikita lang natin kahapon, ah! Akala mo naman parang isang buwan tayong hindi nagkita."sabay pisil sa ilong ng kasintahan. Ngumuso lang ito.
"Hindi mo ba ako namiss ha?"parang batang tanong niya kay Elle.
Natawa siya dito ang super cute niya ngumuso. Kaya pinatakan niya ng mabilis na halik sa labi nito. "Silly you! Siyempre namiss kita always. Kahit lagi naman tayo may communication at lagi nagkikita. At saka sinong hindi nakakamiss sayo your my boyfriend na Mahal na Mahal ko, plus ang gwapo mo pa!"matamis siyang ngumiti sa kasintahan.
"Kelan ka pa naging bolera?"natatawang sabi ni Steph. "Mahal na Mahal din kita, My Love. Always remember that, hmm!"dinampian niya ng halik sa noo. Nagyakapan ulit silang dalawa na parang wala ng bukas. Mga ilang minutong ganun ang posisyon nila ng magsalita ang binata.
"Love, you want to eat something? There's a lot of Filipino dessert inside the refrigerator. My nanay cook it. And she called me tinanong niya kung gusto ko. Kaya nagpahatid nalang ako dito sa condo ko. I really love her, she's my second nanay. Lage niya akong inaalala. Napaka caring niya kaya gustong gusto namin siya."kwento niya sa dalaga.
"Hanggang ngayon ba hindi ka parin umuuwi sa bahay ninyo?"nagdududang tanong niya sa binata.
"Umuuwi minsan pag pinapatawag ako ni Dad kung importante lang. I just want to stay away from that house. Naiinis parin ako kay Mommy."baliwalang sagot naman ni Steph.
"Love, Ina mo parin siya. Hindi mo dapat tinitikis ng dahil lang sa nangyari noon. Tapos na yun. Let's forget about it."
"You just don't know what I feel everytime she said something about you! Everytime we eat dinner in our house, she always make me irritating. Kaya better na umiwas nalang ako para hindi ako makapagsalita ng hindi maganda sa aking Ina!"malalim pa itong bumuntong hininga na parang may mabigat itong pinapasan na problema. At niyakap siya ulit nito Ng mahigpit. Hindi na lang nagsalita pa yumakap nalang din siya sa kasintahan.
Maya-maya'y ito na din ang kumalas sa kaniya. "Maligo kana muna. Mamaya na ako ihanda at painitin ko lang mga pagkain. Para kakain nalang tayo mamaya."pambabasag ni Steph sa katahimikan nilang dalawa. Hinaplos nito ang pisngi ko bago ako siilin ng halik sa labi. Agad naman siyang tumungon. Matagal na magkahinang ang kanilang labi kaya siya na ang kumalas at baka sa iba nanaman mapunta ang halikan na yun.
"Maliligo na ako."sabay alis sa kadungan ng binata. Ngumiti pa siya bago pumasok sa loob ng kwarto ng binata.
A few minutes natapos na siya. Naghalf bath lang siya. Nagtungo na siya sa kusina. Nagulat pa siya ng makitang nakabihis at nakaligo na din ito. Nauna pa ito sa akin. Dito sa toilet sa kusina siguro siya naligo. Lumapit siya dito at niyakap niya ito mula sa likuran nito. Bahagyan naman nagulat ang binata.
"Nauna ka pang natapos sakin."nakangiti niyang sabi sa kasintahan.
Mahal na Mahal ko talaga ang lalaking ito. Kahit dalawa lang kami dito sa condo niya hindi niya sinasamantala ang kahinaan ko. He always respect me. Kaya nitong magpigil. Kaya madalas na magkayakap lang kami hanggang sa pagtulog. Kung hindi lang nakakahiya baka ako na ang laging sumuyo at mang angkin sa binata. 'Yong pakiramdam ko kasi everytime na nadidikit ang katawan ko sa katawan ng kasintahan niya'y parang gusto kong magpa-angkin dito. That feeling like a fire inside and want to burst out. Nag-iinit na agad ang pakiramdam ko. Malandi talaga itong precious gem ko.
"Anong nasa isip mo, Love? Pinagpapantasiyahan mo na naman ba ako?"he teasing me.
"Hindi ah! Kapal mo!"natatawa niyang tanggi dito. Kahit ang totoo tama ito.
"Aysus! Ikaw pa ba mahilig ka sa ganyan eh!"tudyo naman ng binata sa kaniya. Kinurot nalang niya ito sa tagiliran. Dahil totoo naman talaga iyon. Humalaklak lang ang binata.
Nauna na siyang umupo sa harap ng lamesa. "Ang dami naman nito. Hindi mo na sana pinainit lahat. Pweding sa umaga na natin kainin yung iba. Pero gusto ko lahat tikman!"masaya niyang sabi na parang Bata. Mga peborit niya ang mga nasa lamesa. Actually lahat naman ng pagkain peborit niya. May maja blanca, Leche flan, Biko, may malagkit pa, tas cassava cake, my dalawa pang hindi ko alam ano tawag sa pagkain na yun. Pero wala yung isang pinaka gusto niyang pagkain iyong graham.
"Tama ang hinala ko gusto mo lahat kainin at tikman. Ako ayaw mo bang tikman?"pilyong tanong ng binata sa kaniya. Pinamulahan siya ng mukha. Kahit kailan talaga itong lalaking ito eh.
"Ikaw talaga! Nasa harapan tayo ng pagkain lumalandi ka!"irap niya dito kunwari. Humalaklak naman ito.
"Ito naman hindi na mabiro."sabay bulong sa tinga ng dalaga. Hinampas lang niya ang binata. "Oh, kumain kana. Hinay-hinay lang baka hindi ka matunawan niyan." natatawang sabi ni Steph sa kaniya.
"Gusto ko lang ito."sabay kuha sa leche flan. "Lahat sila matatamis baka magka-diabetes pa tayo kapag kinain natin lahat yan."
"Hindi. Tikman mo lahat gawa yan lahat ni nanay. Ganyan magrequest ng merienda sila Lola at Lolo. Madami. Minsan nagrereklamo na rin si nanay dahil nakakapagud daw lalo na sa paghahalo. She was like, sana hindi na lang ako nagtry-try na magluto ng mga Pinoy food para hindi kayo palagi nagrerequest diyan!"natatawang kwento ni Steph.
"Tsaka paanong hindi sila magrequest kay nanay masarap talaga siyang mag luto. Tikman mo mga ito katamtaman lang ang tamis hindi nakakaumay kainin. Baka hindi mo namamalayan naubos muna lahat."proud pa niyang sabi sa dalaga.
Wala din sa sarili na tinikman niya Isa-isa ang mga nasa lamesa and he was right. Ang sarap lahat hindi nakakasawa at higit sa lahat subrang sarap.
Habang kumakain sila tumunog bigla yung cellphone niya na nakalagay lang sa gilid ng lamesa sa tabi niya. Tinignan niya ito. Isa sa karoommate niya ang tumatawag. Hindi naman sila tatawag kung hindi importante. Kaya agad niya itong sinagot.
"Excuse me lang, Love ha! Sasagutin ko lang tawag ng kaibigan ko."tumango lang ito.
Hindi na niya kailangan pang lumayo sanay na siyang nakikitsismis ito kapag may tumatawag sa'kin. Specially sa mga pamilya ko ang tumatawag. Ito na rin mismo ang nagpakilala sa sarili niya sa mga magulang ko nung time na tumawag si Papa sakin. Kaya there is no reason to hide anything from him anymore. Tsismoso eh!
***on the phone**
"Hello ate. Napatawag ka po?"agad niyang tanong.
"Hello Elle. Asan ka ngayon?"tanong nitong mukhang nag aalala.
"Ahmm.. nasa condo ako ngayon ng boyfriend ko ate."kabadong sagot niya.
"Nako.. nakita muna yung video?"ngayon mukhang nag-aalala na nga ito.
Napatingin ako kay Steph na seryosong nakikinig pero hindi niya naririnig sa kabilang linya. Nagbawi siya agad ng tingin ng lumingon ito sa kaniya.
"Ano pong video iyon ate? Hindi ko pa po nakikita eh. Pasend po ako, salamat."may hinala na siya na baka yung nangyari kaninang hapon sa department store na pinagtatrabahuan niya.
"'Yong video about sa'yo kanina lang ba yun nangyari sa pinagtatrabahuan mo? 'Yang boyfriend mo ba ang tinutukoy ng babae na nasa video? Hindi mo man lang ba pinatulan! Hinayaan mong sigaw-sigawan ka at pagsabihan ng kung ano-ano! Kung nandiyan lang ako kanina ako na ang pumatol sa malditang kapatid ng boyfriend mo!"gigil nitong sabi. Alam niyang concern lang ito sa'kin kaya nasasabi niya ang mga ito.
"Sobrang matapobre na nga ang nanay nila pati ba naman anak niya ganun din. Siguro namana ng babaeng iyan ang ugali ng nanay nila. Sobrang bastos! Ikaw na nga ang nagsorry ikaw pa ang sinigaw sigawan nako masasabunatan ko ang babaeng iyan kapag nakita ko! Wala akong pakialam kung madeport ako. Nakaka gigil lang kasi silang tatlo. Masyado ka nilang kinawawa. Wala ka bang balak sabihin sa boyfriend mo sa ginawa nila saiyo ha?"ramdam niyang sobrang inis nito.
Hindi siya makapagsalita. Napakagat labi nalang siya. Nanunubig na rin ang mga mata niya.
"Maraming salamat ate sa lahat sa concern mo. Patingin nalang iyong video. Pasend nalang po ate. Salamat. Sige po bye na muna usap tayo diyan sa apartment pag uwi ko po. Bye!"agad niyang pinatay yung tawag. Napatulala siya saglit. Gusto nanaman niyang umiyak.
"Are you okay? Ano ang sabi ng kaibigan mo at nagkakaganyan ka? Please, tell me? Para hindi ako mag alala sa'yo."masuyo nitong sabi sa'kin.
Hindi ko siya pinansin bagkus ipinakita ko sa kaniya ang video na nakasend na sa'kin. Agad naman nitong kinuha at pinanood ito. Nakita kong biglang nag-iba ang expression ng kanyang mukha. Nag-iigtingan din ang kanyang mga panga at salubong ang kanyang mga kilay. Napapamura na rin ito. Tahimik lang ako sa tabi niya. Bumalik nanaman yung sakit na nararamdaman niya.
"Pwede mo bang gawan yan ng paraan para hindi na kumalat pa?"garalgal nitong pakiusap kay Steph.
"Kanina lang ba ito nangyari? I can't believe they did this to you!"galit nitong sabi. Marahas pa itong bumuntong hininga. Mayat maya kinuha nito ang kanyang cellphone. Nakita niyang may tinatawagan ito.
Hindi na niya pinansin ang usapan ng mga ito. Nawalan na din siyang ganang kumain. Kaya napatulala na lang siya sa kawalan. Nagulat pa siya ng bigla siyang yakapin ni Steph.
"I'm sorry, Love. Sh!t! You don't deserve this. Ang buti mong tao para maranasan ang mga ganito. Don't worry ako na ang bahala sa kanila. Pinakiusapan ko na din ang kaibigan kong agent na ihack at idelete ang video na yun. Madali lang mabura yun dahil wala pang bente kuwatro oras."napaluha siya dahil kahit pamilya niya kaya niyang suwayin dahil sa'kin. Pero hindi ko naman gusto na dahil sa akin magaaway away ang pamilya niya. Nahihirapan siya dahil ang lalaking ito matigas din ang ulo basta kapag sinabi niya gagawin niya at final na yun hindi na mababago pa ang isipan niya.
"Ayaw kong sabihin ito sa iyo dahil ayaw kong mag away din kayo ng kapatid mo. Siguro naman hindi na nila ito uulitin pa!"mahinahon niyang sabi sa kasintahan niya.
"You don't know them. Kung walang sisita sa kanila they think they are right at tama lang yung ginawa nila. Hinding-hindi ko mapapalampas ang kalokuhang ginawa nila. Kahit pigilan mo pa ako makakatikim parin sila sakin! They are too much!"inis nitong sabi.
"At saka hindi ka dapat nila inaapi dahil balang araw magiging parte kana ng pamilya namin. I will marry you kung kelan ka handang magpakasal sakin. Hihintayin kita kahit gaano pa yan katagal. Kaya wala silang karapatan na saktan ka nila."masuyo siya nitong niyakap at marahan na hinahaplos ang kanyang likod.
Nakayakap lang ako ng mahigpit at tahimik na tumutulo ang mga luha sa kaniyang pisngi. Masyado siyang na touch at nabigla sa sinabi nito. No doubt he really loves me so much. Actually hindi ko pa naiisip about sa kasal at bumuo ng Isang pamilya. Pero ito naiisip na niya na ako ang makakasama niya habang buhay. I'm so speechless. Nakakataba ng puso ang mga sinabi niya. Kaya kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.
Ginagawa niya lahat para sa kapakanan ko. He is really my life saver, my stress reliever, and my happiness.