Nagising si Nina na nasa hospital.
Nandun si Tanie at Pam.
" Are you feeling well?" tanong ni Pam.
" Yes, but I need to see Alex please." Paki usap nya.
" Okey, ilalabas ka namin pero promise mo magpapakatatag ka. Para sa anak mo, luluwas na tayo ng manila." at kina usap na nga nila ang doctor.
Okey naman daw sya dala lang ng emosyon kaya sya nahimatay. Nauna na si Crissa at Bryan na lumuwas naiwan sa kanya si Pam at si Tanie.
Si Lyndon naman ay naiwan sa rest house dahil may taong nag-aasikaso ng mga iiwan nila. Di na nila dinala ang gamit kaunti lang bitbit nila dahil sa kakaapura. Pagtawag ni Tanie kay Lyndon para sunduin sila ay diertso na sila nagbyahe. Habang nasa byahe ay di mapigilan ni Nina ang umiyak.
" Girl, ano ka ba sasabay ka pa ba naman kay Alex." Puna ni Tanie sa kanya.
" Calm down." Sabi ni Pam.
" You need to be strong, Janina.
Pagsubok lang yan." Sabi naman ni Lyndon.
" Buti pa matulog ka, for sure di ka makakatulog sa hospital." Dagdag pa ni Tanie.
" Thanks sa inyo guys." Sabi nalang nya.
"Sige na." Sabi ni Tanie.
Pinilit nyang matulog, tama ang mga kaibigan nya baka pati sya ay kung mapano madamay pa ang anak nya.
Ginising sya ng mga kaibigan nasa hospital na sila. Di nya alam mararamdaman nya, sinalubong sila ni Crissa.
" He's in comma pagpasok nya dito patay na sya, salamat sa dyos na revive sya." Paliwanag ni Crissa habang papunta sila sa ICU.
Inabutan nila sa labas ng ICU ang parents ni Alex, naikwento na lahat ni Crissa sa mga ito kung sino sya at kung ano kondisyon nya. Kaya ng makita sya ng ina ni Alex ay hagulgol syang niyakap.
" Be strong anak!" Sabi nito sa kanya tango lang sinukli nya dahil halos walang salitang ang lumabas sa kanyang bibig.
Nagpaalam syang pumasok sa loob. Pinagsuot sya ng mga nurse ng gown, mask at hair net bago tuluyang pumasok. Di maipaliwanag ni Nina ang nararamdaman awang awa sya kay Alex ang daming makina nakakabit dito. Lakas loob lumapit sya dito, hinawakan nya ang kamay at kinausap nya.
" Alex, nangako ka sa kin. Bakit ganito, ang daya mo." Iyak na sya ng iyak.
" Di ba nangako ka sakin, you stay beside me nasan ka ngayon. Ilan araw mo palang kami naalagaan, wag mo sabihing susuko kana. Alex, dont leave us kelangan ka namin ng anak mo tuparin mo naman yon pangako mo samin." Di na ulit sya nakapag salita iyak at hikbi nalang ang lumabas sa bibig nya.
Inilabas na sya ng mga nurse dahil may gagawin daw test kay Alex.
Nabalitaan naman ni Pitch ang nangyari kaya kinabukasan ay dumalaw ito. Wala noon si Nina, pina uwi sya ng mga kaibigan upang makapag pahinga.
Nagtaka ang mga magulang ni Alex kung sino si Pitch, ikiwento nalang ni Crissa kaya hinayaan nalang nila. Mabuti na nga lang at wala si Nina. Ilang araw ng nasa ICU si Alex, di naman pinoproblema ng mga magulang nito ang gastusin dahil sinagot lahat ng naka aksidente dito.
Masipag naman dumalaw si Pitch mabuti nalang at di sila nagtatagpo ni Nina. Sa huli sinabi na rin ni Crissa.
" Okey lang ba sayo." Tanong pa ni Crissa sa kanya.
" Wala akong karapatan pagbawalan kung sino man ang gustong dumalaw kay Alex masaya pa ako kasi marami nanalangin na sana magising na sya." Parang wala sa sariling sagot ng dalaga.
Lumipas ang mga araw, linggo at umabot pa ng tatlong buwan bago nagising si Alex.
Si Crissa, Nina at ang kapatid nya ang nagbabantay kay Alex ng araw na yon ng biglang nangisay si Alex, nagsisigaw si Nina sa takot.
Dumating ang mga doctor at pinalabas sila. Hindi malaman ni Nina ang gagawin, natagpuan nya ang sariling nasa maliit na chapel ng hospital at nanalangin.
Iyak sya ng iyak.
" Panginoon, nakiki usap ako wag mo syang kukunin napakarami pa nyang dapat tapusin. Hindi ko po ito hinihiling para sa'min ng anak ko, kung di para sa mga taong umaasa na babalik sya. Nakikiusap po ako, kung hindi nyo po inadyang kami magkasama panghabang buhay ipauubaya ko po sya iba, nagmamaka awa ako sa inyo panginoon buhayin mo lang sya hahayaan ko sya sa iba."
hikbi nya habang nagdarasal.
" Isasakripisyo ko po ang lahat, lalayo ako kung yan ang nais nyo, ibigay nyo lang sa kanya ang pangalawang pagkakataon upang mabuhay." Iyak na sya ng iyak di na nya alam ano pa sasabihin.
Nandon na pala si Crissa sa likuran nya at tinapik sya sa balikat.
" He's back sis, ilalabas na sya sa ICU inaayos na yon kwarto nya." Sa sobrang tuwa ni Nina niyakap nya ang kaibigan. Pero bago sya tumalikod humarap muna sa altar at umusal.
" Salamat po tutuparin ko ang sinabi ko." At yon ang salitang nagpataka kay Crissa.
Lahat ay naghihintay sa paggising ni Alex, buong pamilya, mga kaibigan si Pitch at syempre sya. Lahat sila ay naghihintay ng pagmulat ng mata nito, ano mang oras sa araw na iyon ay magigising na sya kaya lahat sila ay nagbabantay. Maya-maya pa ay gumalaw na sya nasa tabi nya ang kanyang ina at si Nina. Dahan-dahan nagmulat ito ng mata lahat ay tahimik naghihintay ng susunod na mangyayari.
At sa wakas ay nagmulat ito ng mata, una nitong kinilala ang kanyang ina.
" Ma, buhay pa ba ko?" Mahinang usal nya ng binata.
Luha at tango lang naisagot nito sa kanya. Iginala nya mga mata inisa isa mga tao sa paligid nya lahat kilala nya, dumako ang tingin nito sa kanya.
" Tol, akala mo di ko na matutupad yon paglibre ko sayo ha?" Magpapagaling lang ako ililibre kita.
Sa sinabi ni Alex na yon lahat ay nagtataka ngunit walang nagsasalita.
Kapag dakay si Pitch naman nakita nito.
" Babe I miss you!" Sabi nito na sinenyasan pang lumapit at halikan sya. Sa nakita at narinig ni Nina ay parang sumabog ang mundo nya. Ano bang nangyari bakit ganito sabi nya, di nya napigil ang sarili nya nagtatakbo sya habang umuiiyak.
Nakarating sya sa chapel na kanina ay pinakikiusapan nya.
" Ito po ba ang sagot nyo sa panalangin ko, ang makalimutan nya ko." Hikbi nya.
" Sige po, tatanggapin ko kayo na pong bahala sakin at sa aking anak." Iyak nalang sya ng iyak hanggang magpasya syang umuwi at magpahinga.
Pagdating sa bahay nya ay naupo sya sa sofa nakita nyang ang daming tawag at message sa cellphone nya.
Di nagtagal tumunog ulit ito, si Crissa.
" Girl, nasan ka na ba?" alalang tanong nito.
" Nandito na sa bahay." Parang wala sa sariling sagot nya.
" Girl, nakalimot ng 5months si Alex. Lahat ng nangyari sa kanya sa loob ng limang buwan ay nabura. Ang sabi ng doctor magrerecover din sya pero hindi alam kung kelan, bastat wag lang daw ipilit sa kanya lahat ng bagay na dapat nya maalala dahil baka lumala sya." Paliwanag nito sa kanya.
" Yes, at isa ako sa nakalimutan nya di ba?" Iyak sya uli.
" Girl ngayon ka pa ba susuko?Tanong nito sa kanya.
" Mas maganda yon." Hikbi nya.
noong panahon na nasa bingit sya ng kamatayan nakiusap ako sa panginoon buhayin lang sya lalayo ako, isasakripisyo ko lahat pati pagmamahal ko sa kanya." Iyak pa sya pati si Crissa ay umiiyak na din.
" Yan na yon sagot ng panginoon Crissa, atleast di sya pahihirapan ng panginoon lumayo man kaming mag ina balewala nalang sa kanya. Titiisin ko lahat Crissa kapalit ng pangalawang buhay na binigay ng dyos sa kanya. Masakit sobrang sakit pero titiisin ko alang- alang sa anak ko, kaya ko tong mag isa." Hagulgol na sya.
" Wag ka naman ganyan Janina." Iyak na din si Crissa.
" Kung darating ang araw na maalala nya ko, magpapasalamat ako sa dyos. Pero sa ngayon tutupad lang ako sa pangako ko sa panginoon." Yoon lang at ibinaba na nya ang cellphone.
Magdamag nag-isip si Nina, buo na ang pasya nya. Lilipat sya ng Davao, makiki-usap sya sa boss nya na sa kumpanya ni Mr. Litangco magpatuloy magtrabaho. Doon malayo sya di na nya makikita si Alex. At maaari din na di sya hanapin nito dahil di sya nito naaalala oo kilala sya pero bilang isang kaibigan.
Kinabukasan nagreport sya sa opisina, kinausap nyang mabuti ang boss nya. Noong una ay tutol ito ngunit sa huli pumayag na rin para rin daw may mata sya sa kompanya ni Mr.Litangco. Inayos lahat ng papel nya tatawagan nalang daw sya kinabukasan kung ok na.
Naglakas loob si Nina na magpunta sa hospital tyempo naman na ang kapatid nito ang bantay.
May dala syang mga paboritong pagkain ni Alex. Gising ito ng pumasok sya.
" Musta kana?" Halos garalgal na boses nya.
" Eto tol, ok na nagpapalakas nalang baka sa isang araw lumabas na ko. O ikaw kamusta ka na. Bigla ka nalang nawala kahapon." Sabi nito.
" Ah, bumalik ako sa opisina may tinapos na trabaho." At talagang wala ito naaalala tungkol sa kanila kahit katiting.
" O bat umiiyak ka sabi nito, okey na ko. Ano ka ba." Pansin nito na umiiyak sya.
" Ah, wala tears of joy lang tol, akala kasi namin iiwan mo na kami," Pagsisinungaling nya.
" Masamang damo mahirap mamatay." Sabi pa nito na nakatawa.
Pilit naman nyang sinakyan ang biro nito.
" Tol, wag ka mawawala sa thanks giving party ko ha, sayo ko lang sasabihin to, mag popropose na ko kay Pitch." Sa narinig nyang yon ay parang dinurog ang puso nya.
Wala sya naisagot kung di tango. Di na nya kaya pang tumagal sa loob ng kwarto ni Alex kaya nagpaalam na sya. Sinabi nalang nya babalik nalang sya kinabukasan.
Sa paglalakad nya nasalubong nya si Pitch, iiwas sana sya pero sinalubong sya nito.
" Uuwe kana ngayon palang ako darating, di ka man lang sasali sa lambingan namin ni Alex." Sarkatiskong bungad ni Pitch.
" Di na kelangan Pitch, dont worry this would be the last time you'ld see my face." At tinalikuran na nya ito.
Kinabukasan pagkatawag na pagkatawag ng boss nya ay iginayak nya lahat ng gamit nya, bago sya umalis nagpunta sya land lady ng apartment nya nag paalam na sya dito at iniwan muna ang iba nyang gamit. Ngunit wala syang sinabi kung saan pupunta basta ang sinabi nya madidistino sya sa ibang lugar.
Alam kasi nyang hahanapin sya ng mga kaibigan at isa ito sa maaari nilang pagtanungan.
Wala kahit sino man ang nakaka alam kung saan sya pupunta maski sa opisina nakiusap sya sa mga katrabaho na walang makakaalam kung nasan sya tinakot pa nya ang boss nya na kapag may nagsabi kung sino man sa tauhan nito magreresign sya, sa takot nito mawala sya sa kompanya kinausap lahat ng empleyado at gumawa ng patakaran kung sino man magsasabi sisante na.
Nakalipad sya ng Davao ng araw na iyon, lahat ng pwedeng maging connection sa kanya ay pinalitan nya.
Maski sa pamilya nya ay hindi na nya pina alam kung saan sya pupunta.
" Bahala na sabi nya. Bahala na panginoon sa kin at sa aking anak. Goodbye Alex." Bulong nya bago pa lumipad ang eroplanong sinasakyan nya.
" DI TALAGA SAPAT NA MAHAL NYO LANG ANG ISA'T ISA...ano pa ba kulang..kung kelan maayos n kmi saka nangyari 'to. Kakayanin ko, para sa anak ko, para sa anak natin...ALEX, paalam! Salamat sa isang alaala n kahit kelan di ko makakalimutan." Bulong ni Janina sa sarili at pinahid ang luhang lumandas sa kanyang pisngi.
Yun ang huling salita iniwan ni Janina, magkita man sila ni Alex sa mga darating na panahon alam nyang hindi na hihigit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya...
Oh, it really break my heart!!?
----mharjhin