Paalam na nga ba?

2140 Words
Excited ang lahat sa paglabas ni Alex sa hospital, maliban kay Janina na hindi nila alam kung nasaan! " Kung kelan lalabas na ko sa'ka wala si Nina, pinsan bakit ba sobrang busy nyang kaibigan mo?" Tanong ni Alex habang naghihintay ng release papers nya sa bahay na lang sya magtutuloy ng gamot. Nagkatinginan si Crissa at ang mama ni Alex, kasi sa totoo lang ni wala sila balita ni hindi makontak ni Crissa ang kaibigan...kelangan nila magsinungaling kay Alex simula ngayon... " Busy daw sa opisina, sabi naman nya dadalawin ka nalang daw nya sa house nyo kapag my time na sya." Pagsisinungaling ni Crissa. Lumabas nalang si Crissa ng di na humaba pa ang tanong nito. Naisip nyang magtanong kay Tanie baka sakali alam nito. Tinawagan nya ito sa cellphone. " Hello, sis may alam ka ba nasan si Nina?" bungad nya dito. " Wala, ilang days na di nagpaparamdam yan. Nasan kaya sya, maski message wala." Takang sagot ni Tanie. " My god, abala tayo kay Alex but we forget Nina. Alam ko mahirap at masakit nararamdaman nya, nasan na kaya sya?" Balik na tanong ni Crissa kay Tanie. " Hindi ko rin alam pag-uwe ni Alex hanapin nyo, pasensya kana muna alam mo naman sitwasyon ko." Sabay himas sa medyo halata ng tyan. " Sa palagay mo, sinadya na nyang wag mgpakita pa, kinakabahan ako kilala ko si Janina, kapag my panalangin sya at natutupad ano man inisip nya na kapalit nun gingawa nya." Pag alala nya sa kaibigan. " My god nasan na kaya sya? Naaawa ako sa kanya, isa pa sa pinagbubuntis nya!" Naiyak silang magkaibigan. " Hahanapin ko sya, hindi para kay Alex para sa bata? Wala tayo magagawa ngayon kung di maghintay kelan matauhan si Alex. Si Nina ang kawawa sa nangyayari! Kelangan natin sila tulungan!" Pakiusap ni Crissa kay Tanie.. At pinutol na nila ang kanilang usapan.. Si Janina naman habang lulan ng eroplano gumawa ng mensahe sa kapatid na si Kath. Alam nyang nagtatampo ito dahil ni hindi sya nagpakita s debut nito, kahit tawag o mensahe man lang ay wala sya napahatid sa kapatid. Hingi sya ng sorry at sinabi din nyang isa sa mga araw na iyon uuwe sya, ngunit di muna sa ngayon, gusto muna nyang ayusin ang buhay nya...ang buhay nila ng kanyang magiging anak...! Pagbaba nya ng eroplano saka nya isesend yon at isasara lahat ng pwede maging koneksyon sa kanya, unang una na ang puso nya para kay Alex. Pagbaba nya ng airport, nagulat pa sya sinundo sya ng secretary ni Mr. Orlando Litangco ang bago nyang boss at buong akala nya sa isang apartment sya ihahatid nagulat sya na sa mismong bahay nito sya dinala ng secretary at driver nito, pagbaba ng sasakyan. " Bakit dito ako tutuloy?" Tanong nya dito. " Mas mabuti si boss nalang tanungin mo mamaya, mabuti pa magpahinga ka na muna mamaya pa konti uwe nya, may meeting sya with the investor!" Paliwanag ni Lyka. " Ah, ganun ba? Sige saan ba ako magkwakwarto?" tanong nya. Tinawag nito ang isa sa mga katulong si Mara, siguro mga kaedad nya ito. At isinama sya sa magiging kwarto nya. Pagpasok nya sa kwarto iginala nya mata, maganda malaki di nakakapagtaka dahil mansyon ang bahay nito at may malawak na hardin. " Salamat ako nga pala si Janina!" Pakilala nya dito. " Mara!" sabay nakipag kamay ito sa kanya at nagpaalam na. Nag-iisa na sya, para syang dayuhan sa isang lugar na kung saan bago lahat. " Kaya ko 'to, kakayanin natin anak!" Himas sa kanyang tiyan. Makalipas ang ilang oras ng pagpapahinga, ginising sya ng mga katok sa pinto. Si Lyka. " Janina, tawag ka ni Sir!" Maikling biigkas nito. " Ok, susunod na." Tugon nalang nya. Nag-ayos sya ng buhok at bumababa na itinuro ni Lyka ang opisina ni Mr.Litangco sa kanya. " Good evening sir!" bungad nya. " Have a sit, Miss Artiende." Formalidad nito sa kanya. " Sir, first of all gusto ko lang malaman bakit dito mo ako pinatuloy?" Umpisa ni Nina. " Okey, sa totoo Miss Artiende nabigla ako sa paglipat mo dito, aaminin ko pina imbestigahan kita as of your good role sa company ni Mr. Sanchez wala na ako nakita iba, maliban sa love background mo. And your condition!" Paliwanag nito sa kanya. " Sir, I think di naman makaka hadlang yon sa trabaho ko?" Puno ng halos pagmamaka awa ang tono nya. " Yes I know, your a smart girl! Isa lang masasabi ko Janina, di kita ituturing na iba dahil firstime we meet, magaan loob ko sayo. And sana tanggapin mo proposal ko?" sabi nito. " A-ano naman po yon sir?" taka nya. " Your stay here at my house, you work for me as my consultant habang ganyan kondisyon mo at alam ko dahilan bakit nandito ka sa Davao. Para umiwas or should I say para magtago." Direkta nito sa kanya. " I think wala na ko maitatago sa inyo mukhang magaling imbestigador nyo eh. So do I have any reason to refuse? Sana sir, di kayo nagkamali sa pagtanggap sakin!" Saad ng dalaga. " Alam kong hindi, tao lang din ako pero sa nakikita ko sayo wala naman iba rason para lumayo ka ng ganun lang sa family mo. At sana kung ano man yon nakikita ko sayo eh, wag magbago may tiwala ako sayo. Wag mo ko ituring na iba at sana din wala ng sir or boss I want you to call me Drew, nasanay nako sa ganyan na name!" ngiti nito sa kanya. " Si-sigurado ka ba?" Muli nagtataka sya sa gusto nito. " Kasasabi mo lang wala na rason para humindi ka!" Balik ng binata. " Okey sabi mo eh!" Pagtatapos nya sa usapan nila. " Now, can we have a dinner mag 10 oclock na." yaya nito sa kanya. At sabay nga sila lumabas ng opisina nito at sabay kumain. Habang nasa hapag sila sinabi nito na doon sya mag oopisina sa kwartong pinanggalingan nila. " Nina, kung ano kelangan mo wag ka mahihiya sa mga kasambahay pinagbilinan ko na sila. And remember your condition." Paalala pa nito. " Ah, ok salamat sa lahat." hiya nyang sagot. " Ayan ka nanaman! Pagkatapos mo kumain you can rest, I know pagod ka sa byahe mo. Gusto mo ba alamin kung ano nangyayari sa Manila?" Pormal na tanong nito sa kanya. " No, ano man mangyari sa kanila ayoko ng malaman pa. Gusto ko hanapin sarili ko yon bang ako lang at magiging anak ko.!" Lungkot na sabi nya. " Tama ka, mas mabuting iwan mo sa nakaraan lahat. Isipin mo panibagong buhay mo ito nandito ako willing ako tulungan ka sa kahit anong paraan na makakaya ko." Ramdam ng dalaga ang sinseridad sa bawat kataga nito. " Oo, di para sakin para sa anak ko. Dumating man araw na maalala kami ng ama nya papasalamat ako sa panginoon sa ngayon, wala ako iba isipin kung di makakabuti sakin at sa anak ko." Buong tapang nyang sagot kay Drew. " Tama na yan, and willing ako to help you oo di pa tayo lubos na magkakilala para pagtiwalaan mo ako pero sa ilang buwan na..... di na natuloy nito ang sasabihin.!" pahinga ka na saka na tayo ulit mag kwentuhan. Kapag may time tayo." Umakyat na sya kwarto nya at naligo, mayari sya habang hinihintay nyang matuyo ang buhok nya sinindihan nya ang t.v at nanood. Una nyang inisip bakit ganyan nalang ang trato sa kanya ni Orlando Litangco samantala una sila magkita nito napaka pormal. Ngunit winaglit nya sa isip yon siguro dahil lang sa trabaho sabi nalang nya. Parang nanadya talaga ang pagkakataon isang commercial ang nagpagising ng gunita nya. Anak ng isang business tycoon na si Pitch Monteverde ikakasal na sa isang Artist at anak ng isang sikat na Handicraft company owner. " Si Alex at si Pitch!" Sabi nya bukas ang nakatakdang araw ng pag proposed ni Alex pero ngayon palang naka publish na. Iyak lang ang naisagot nya sa lahat ng nakita at narinig nya sa t.v. ito na nga siguro ang huling araw na makikita nyang single si Alex at sa t.v pa. " Goodbye Alex, ito na huling iiyak ako sayo. Tatayo ako hindi ko ilulugmok sarili ko sa pag-iisip sayo, maraming salamat sa lahat." At ipinangako nya sa sarili nya, na si Alex isang parte nalang ng nakalipas. Magkita man sila yoon ay dahil bilang mga tao, kakalimutan nya lahat dahil yon ang pinangako nya sa panginoon mbigyan lang ng pangalawang buhay ang taong minahal nya. Nakatulog sya na yun ang laman ng isip. Sa manila. " Pare, wala ba balita kay Nina?" Tanong ni Alex kay Lyndon. " Wala pare, maski si Tanie wala alam. Nagbaka sakali na nga si Crissa sa opisina nya, pero wala makapagsabi kung nasan sya. Na try na din nilang tumawag sa Tarlac pero wala talaga!" Paliwanag nito kay Alex. " Ano na nangyari sa kanya gusto ko sana sa kasal ko nandun sya. Bukas ang huling araw ng pagiging binata ko, sinabi ko pa naman sa kanya na magpo-proposed na ako kay Pitch kasabay ng thanks giving party ko, sa totoo lang sya una naka alam nun!" Sabi ni Alex. " Sa palagay ko, gusto lang umiwas ng bestfriend mo." bigla sabi ni Lyndon maski sya mismo nagulat at sinabi nya yon. " Iwas saan, meron ba ako di alam pare?" Sabihin mo nga sakin! ".Ha..ah eh, ibig ko sabihin gusto lang siguro umiwas sa....!di na nya alam idudugtong nya bigla sumagot ang mama ni Alex. " Kasi anak, huli naming balita dyan sa bestfriend mo nagbakasyon sa Japan kasama yon boyfriend sino na uli yon Lydon?" pag-iiba nito ng usapan. Ngunit sa pakiramdam ng binata parang may kirot sa puso nyang di nya maintindihan. Para saan yon sakit na naramdaman nya sa kanyang narinig di na lamang nya ito pinansin dahil baka dala lang sakunang nangyari sa kanya. " Aba, di man lang nagsasabi yon, huli naming usap bago pa ako lumabas ng hospital. Sabi nga nya babalik sya ng araw na yon pero yon na huling pag-uusap namin at pagkikita namin!" Taka ng binata. " Naku, anak mabuti pa magpahinga kana anong oras na oh? O sya Lyndon di sa tinataboy kita anak, alam mo naman sitwasyon ng kaibigan mo." Taboy nito kay Lyndon. " Ay opo, tita hinihintay na rin ako ni Tanie nyan. Pano pre, uuwe na ko basta pagaling ka wag ka muna mag-isip aba, bukas palang pasalamat mo baka di pa matuloy!" Biro ni Lyndon dito. " Pre, wala ng atrasan to!" sabi naman ng binata. " O sya...sya..lumalim na gabi!uwi na!" Awat ng mama ni Alex sa kanila. At umalis na nga si Lyndon. Pumasok naman na si Alex sa kanyang kwarto ng makahiga sya, pilit nyang inaalala si Nina parang may nakaraan na gustong pumasok sa isip nya pero di nya matagpuan. Naalala nya lang, nong mga high school pa sila. Yong mga away nila, tawanan, iyakan naalala pa nya nong may nanliligaw kay Nina na galit sya dahil di boto dito. " Bestie, wala na ba iba sya nalang ba lalaki sa paligid mo.?biro nya dito. "Yabang mo ha, nagsalita ang guwapo.! " Naman kaya nga di mo ko maipag palit di ba? " Sus, Alex Trinidad...di ako papatol sayo uy, para mo ring sinabi kagatin ko sarili ko." Pagbibiro nya sa kaibigan. " Yun oh, di mo pa kasi aminin na love mo ko!" " My god Alex, inlove na inlove ako sayo." Sabay yakap sa bestfriend nya. " Bestie naman eh, yaan ang ayaw ko sayo pano nalang magka boyfriend ka di hindi mo na ako ma embrace ng ganyan!" Tampo nito. " Aba, ang lagay ba ikaw lang may karapatan mag girlfriend?" Galit na sagot sa binata. " Di naman sa ganun, kaya lang eh!" Sabay iwas ng tingin. " Kaya lang ano?" Habol ng dalaga sa sinabi ng kaibigan. " Baka kasi ma inlove ka ng tuluyan dun pano na ko." Di malaman ng dalaga kung tatawa o kikiligin sa sinasani nito. " Sus, lika ka nga best!" Sabay kurot sa magkabilang pisngi nito. " Aray!" Sigaw ni Alex na syang nagpalingon sa mga studyanteng nasa malapit sa kanila. Napangiti nalang si Alex ng maalala si Nina. Laking manila si Janina, nauwi lang sila ng Tarlac ng mapangasawa ng kanyang mama ang stepdad nya ngayon. Kaya halos magkakasama na silang magkakaibigan sa lahat ng bagay. Hanggang sa nakatulog si Alex, si Janina laman ng isip nya. Bakit? Sino si Janina sa puso nya bakit may sakit syang naramdaman ng marinig nya tungkol sa pagsama ng dalaga sa sinasabing boyfriend nito sa ibang bansa...nasaan ka Janina? May dapat ba sya malaman o sadyang iyon lang ang nararamdaman bilang bestfriend nito? Bakit may alinlangan sa kanya hindi nya maintindihan.? ____MHARJHIN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD