Ilan araw ang nakalipas maski si Nina ay di nya namalayan na isang linggo na pala ang matuling dumaan, ni Hi ni Ho ni Alex ay wala. Natuon ang pansin nya sa trabaho maski outing nilang magkakaibigan ay di natuloy may tao daw sa rest house nila Lyndon. Mga two weeks pa daw ang pag stay ng mga tao dun.
Nagbanat ng buto si Nina sa pag tatrabaho, at di naman sya nabigo nasungkit nya ang dalawang business deal at isa pa nagpasikat sya ng husto sa boss nya dahil binigyan sya ng promotion. Nasa head na sya ngayon kung dati Cuvicle lang ang office nya ngayon may sarili na syang office.
Masayang-masaya sya sa takbo ng carrer nya, ni halos wala na syang time sa hang out kasama mga kaibigan, maski ang boss nya ay napansin yon.
Kaya nang nagpaalam syang magleave ng isang buwan ay di naman sya binigo basta bilin lang ng boss nya taposin nya lahat ng business trasaction nya at ayusin nya bago sya umalis.
Nagulatang sya sa tunog ng cellphone nya si Tanie ang nasa linya.
" Girl, ano tuloy na tayo this week end?" bungad na excited nito sa kanya.
" Wow, sakto nakaleave ako for one month regalo ni boss." Sabi nya sa kaibigan.
Uuwe sana talaga sya ng Tarlac dahil mag bibirthday ang kapatid nya this month.
" Pano yun, sasabay nalang ako kay Crissa tatawagan ko sya kung ano araw ang punta nya don. Kayo ba?" Tanong nya.
" Teka muna, iniba mo usapan eh. Di ka man nag celebrate ng promotion mo." Bisto nya sa kanya ni Tanie.
" Ok ok...basta dun nalang natin ganapin. Okey na ba yon?" Suko nya sa kaibigan.
" Yan buti naman, mauuna na kami bukas dun sasabay na rin si Pam samin. Exciting! Mukha yata mapapahaba bakasyon natin lahat kayo saktong free ha." Si Tanie kasi naka stay nalang sa bahay nila ni Lyndon dahil may business naman ito.
Sakto nga naman pala nagkataon na freetime nya ewan lang sa iba lalo na kay Alex isang buwan na nga pala wala sya balita maliban kasi trabaho wala naman nakukwento si Crissa na madalas nyang kasama. Sadya na siguro yon para di na sya mag isip nagyon lang.
" Nandyan ka pa ba?" Tanong ni Tanie sa kabilang linya.
" Ah oo, ianaayos ko kasi mga iiwan kong gamit sa office. Next month na kasi balik ko ibibilin ko nalang yon iba dun sa secretary ko. Kung may kelangan itatawag nalang sakin." Pagkukunwari nya.
" Wow, talaga naman big time ka na ha. May secretary kana." Sabi ni Tanie sa kanya.
" Bunga ng paghihirap..haha!" Tawa pa nya sa kaibigan.
" So pano, basta mauna kami dun bahala na kayo ni Crissa mag usap kelan kayo susunod." Paalam ng kaibigan.
" Ah ok sige." Paalam nya sa kaibigan.
Isang oras lang ay natapos nyang ayusin lahat ng gamit nya ibinilin nalang nya sacretary ang iba.
Nagpasya syang tawagan si Crissa.
" Girl, ano kelan tyo susunod dun?" bungad nya dito.
" Free time na din ako, aalis na yata yun iba mamayang madaling araw. So tayo shopping muna bat ready your things na, pagkatapos natin mag-shopping diretso na tayo dun, okey ba?"
Mahabang paliwanag nito.
" Ah, ok ano oras tayo magkikita eleven or ten okey na." Suhestyon naman nya.
" Ok deal, o sige na tatapusin ko to pagbibilin sa iiwan ko para makauwe na din maka gayak ng mga gamit." Paalam nito.
" Ok sige bye, see you." Paalam nya.
Diretso na syang umuwe, pagdating hinagilap nya iba nya dadalhin at isinilid sa bag. Pagkatapos nya naligo saka nahiga, ilan araw na nyang napapansin kasi ang takaw tulog nya kahit di na sya kumain okey na sya.
Hanggang sa agawin na nga sya ng antok ang pagmumulay nya.
Nagising sya sa tunog ng kanyang cellphone si Crissa.
" Hoy nasan kana." Sigaw ng nasa kabilang linya.
Nagulat sya ng makitang mag aalas dose na pala ng tanghali.
" Hay, pasensya na girl napasarap ako ng tulog." Paliwanag nya.
" Wait mo nalang ako kumain kana take out mo nalang ako basta text nalang kita san tayo magkikita maliligo nako." Magbubunganga pa sana ito pinatayan na nya ng cellphone at dali-daling naligo.
Mainit naman sa byahe kaya nagpasya syang mag walk in short spaghetti at pinatungan nalang nya ng blazer na hanggang siko ragid ang suot nya. Saka sya nag sketcher di na nya pinagka abalahan pang tingnan ang sarili ni hindi man lang sya tumingin sa salamin sa kakaapura.
Nang masigurong wala na sya nakalimutan, bitbit ang gamit at lumabas ng bahay, naigayak naman na nya lahat ng gabing yon ang mga dadalin nya. Pumara sya ng taxi at sinabing sa Bicutan mall sila magkikitang magkaibigan.
Nag text si Crissa na sa isang fastfood sya nito hihintayin para daw mga gamit nya ay mailagay na sa sasakyan. Di naman sya nahirapan hanapin 'to ng makita papalapit ito tumayo ito at lumabas at sinenyas kung nasan sasakyan nya.
Lumapit ito sa kanya.
" Wow, ikaw ba yan. What ah sexy look." Pagbibiro nito sa kanya.
Saka lang sya napatingin sa sariling repleksyon nya sa salamin ng bintanang tinapatan nila..
" Ikaw kasi apurado ka." Pagsisi pa nya sa kaibigan.
" Aba ako pa to may kasalanan, eh sino ba may sabi na ten or eleven tayo magkikita di ba ikaw." Inis na sabi nito.
" Pasensya na, pagod lang kaya napasarap ng tulog. Saka alam siguro nang katawan kong walang trabho kaya, ayun nanamantala." Hinging pasensya nya sa kaibigan.
" Hhhmmm, o eto pinag take out na kita maya mo nalang kainin sa byahe." Irap pa nito sa kanya.
" Opo, sya tara na nang makarami ka." Biro nya ng di na lalong mainis ito.
Pumasok sila sa mall at diresto sa department store. Bumili sila ng mga pang swimming, tulad ng parating nangyayare ito ang nasunod sa mga dapat nya bilhin na bagay daw sa kanya. Wala naman sila gano binili dahil malapit lang daw ito sa pamilihan at may mga sasakyan naman sila.
" O ano may, bibilin ka pa ba?" Tanong nya?
" Wala na!" Sabi nito at nagpunta na sila sa sasakyan.
Alas tres na ng hapon kaya nagbyahe na silang magkaibigan.
Habang nasa byahe sila ay tumawag sila kay Tanie.
" On the way na kami, sino na ba nandyan?" Sabi nila na nakaloud speaker pa ang cellphone.
" Kayo nalang wala," Sagot naman nito.
" Aba excited ang lahat, o sige wait nyo nalang kami dyan damay nyo na kami sa hapunan ha!" sabi pa nyang pahabol dito.
Nakaramdam sya ng gutom. Hinanap nya ang take out ni Crissa ngunit nakaka ilang subo palang sya ay ayaw nang tumanggap ng sikmura nya.
" Pansin ko girl ha, medyo yata pumayat ka." Puna nito sa kanya.
" Oo nga girl, subsob sa work. Pero tingnan mo naman resulta, I'm a manager now!" Pagmamalaki nya dito.
" Wow double celebration yan." Sabi ng kaibigan sa kanya.
" Oo naman!" Sagot nya.
" O sagot mo yan ha!" Dagdag nito.
"Oo." At umayos sya ng upo upang matulog tatlong oras din ang byahe nila kaya iidlip muna sya.
" Daya mo ha!" Inis na sabi ni Crissa sa kanya.
" Pagbigyan mo na ko antok talaga ko, babawi ako kapag nandun na tayo." Pakiusap nya sa kaibigan.
" Hmmm sige na, sanay nako dyan. " Sabi pa nito.
At nakatulog na nga sya. At sa tatlong oras na byahe nila ay patag ang tulog nya ginising nalang sya ni Crissa ng malapit na sila. Papasok sila ng mala haciendang rest house nila Lyndon ng magtanong si Crissa sa kanya.
" Girl, musta na kyo ng pinsan ko." Tanong nito.
" Ewan, wala." Direkta nyang sagot.
" Anong ewan, anong wala?" Saad pa nito.
Kibit balikat ang sagot nya.
" Wala ako balita sa kanya eh, maski ikaw wala naman kwento sakin di ba. Sa totoo talaga girl, nakalimutan ko yon maski sya dahil sa trabaho." Sagot nya dito.
Di na natuloy usapan nila dahil huminto na sasakyan sa harap ng malaking bahay nandun na sila.
Hanga silang dalawa sa ganda ng paligid relaxing talaga. Habang nililibot nya ang kanya paningin nahagip nya ang taong kanina lang ay pinag uusapan nila. At may kasama ito at sobrang sweet nila malamang ito si Pitch. Nag-init bigla pakiramdam nya na para bang gusto nyang balibagin ang dalawa, kaya pala wala sila balita eto pala pinagkaka abalahan nito malamang. Kung nakakagawa lang ng apoy paningin nya baka nasunog na ang dalawa sa sobrang titig nya.
" Ahemmm." Gulat nyang sabi ni Crissa sa tabi nya.
" Selos ba, tama lang pala na diko pina alam sa iyo na kasama yan babae na yan, kung hindi baka di ka sumama." Biro nito sa kanya.
" Bat di mo sinabi agad ng naka pag prepair naman ako!" Irap nya dito.
" Prepair saan, tag of war? Sus, girl brace your self, alam ko may galit ka nararamdaman isigaw mo lang yan maya sasamahan kita." Biro pa nito na sya lalong nagpaliyab sa galit nya.
" O dahan dahan, baka naman mga wasak yang bitbit mo." Nahalatang kulang nalang ipag hahagis nya dahil sa inis.
" Mamaya na lang yan okey, promise sasamahan kita." Dagdag pang biro nito sa kanya at nagsilapit na mga kaibigan nila upang makipag beso-beso at tulungan sila sa gamit.
Masama man loob nya ay pilit syang nagpakita ng saya. Kahit ang sakit na ng loob nya. Bakit...?
Bakit nga ba nagkaka ganito sya? At umakyat sila naiwan ang iba sa labas dahil nag iihaw nang ulam para sa hapunan nila.
Akala ko ba naman, okey na?
Sige Nina, go!! ?
----Mharjhin