Parang sasabog na si Nina nanginginig sya sa galit dali dali syang pumunta sa kusina. Napansin sya ni Crissa kaya, hinintay syang lumabas sa kusina. Uminom sya ng tubig at sobrang gigil nya hinagis nya ang baso nabasag ito at sumambulat sa sahig. Sya namang nagpagising sa galit nya, pupulutin nya sana ang bubog ng biglang tumimo sa kamay nya at nagdugo ito.
Sabay pasok ni Crissa.
" Ano ba Nina?" Hinawakan nito ang kamay nya na punong puno ng dugo para syang wala sa sarili na sunod lang sa kaibigan habang pinupunasan ang kamay nyang may dugo.
Narinig din pala ng mga kaibigan at nagsitakbuhan ang mga ito papunta sa kinaroroonan nila ni Crissa. Bago pa makalapit ang mga ito, ay bumulong sya sa kaibigan.
" Please take me to the room." At parang nanghina sya bigla.
" Anong nangyari?" Halos sabay sabay na sabi ng mga ito.
" Na-nalaglag nya un baso nasugat sya!" Pagsisinungaling ni Crissa.
Ngunit hindi yon tumalab kay Tanie ngunit di na muna ito kumibo.
" Gagamutin ko lang muna sugat nya, girl may medicine kit kaba?" Baling nito kay Tanie at dinala na nya sa kwarto si Nina at naiwan ang lahat na nagtataka kabilang si Alex.
Pagpasok sa kwarto nila ay nilock ni Crissa ang pinto sabay naman hagulgol ni Nina at sabay dapa sa kama. Awang-awa sa kanya ang kaibigan hinimas ang likod nya.
" Sige lang iyak mo ng mabawasan." Kasabay ng hagod sa likod ng dalaga.
" Kahit pinsan ko sya di ko sya kakampihan, pero pasensya kana yan lang maitutulong ko sayo. Ikaw lang din makakatulong sa sarili mo." Himas pa nya sa likod ng kaibigan.
" Bakit ganito girl, ang sakit sobra." Hikbi pa nya.
" Diko alam kung sadya ba nyang gawin 'to at kalimutan yon nangyari nang gabing yon. Para ano? Bakit?" Gigil pa nya sa unan.
" Di natin alam, sa ngayon kalmahin mo sarili mo. Walang madudulot na maganda yan lalo kang di makakapag isip ng maayos." Paliwanag nito sa kanya.
" Buti pa itulog mo muna yan, baka pagod ka din sa byahe." Sabi pa nito sa kanya.
Hikbi lang ang isinagot nya sa kaibigan.
Hinayaan naman sya nito hanggang sya'y makatulog.
Maya-maya narinig ni Crissa si Tanie na kumakatok tumayo sya at binuksan ito.
" How is she?" bungad nito.
Sinenyasan nalang nya itong sa labas na sila mag usap. At yon kinuwento ni Crissa ang lahat kay Tanie.
" My god ano ba naman yan?" Kawawa naman si Janina.
" Di naman natin sya matulungan, sya lang makaka sagot lahat ng yan. Lalo na, ayan si Alex may ibang kasama, sya lang masagot nyan." Awang-awa ang dalawa sa kanilang kaibigan, ngunit ano magagawa nila?
Di nga nila inistorbo ang dalaga sa pagtulog, maski sa pagkain ay di na nila ito ginising pa. Si Crissa naman nakitulog muna sa kwarto ng ibang kaibigan.
Nagising si Nina alas tres ng madaling araw, nakikiramdam sya sa paligid.
Ilang oras pa, ay bumangon sya at nagpasyang maglakad lakad sa tabing dagat. Katabi lang nito ang dalampasigan.
Lumabas sya ng bahay ng walang nakaka alam, tulog pa ang mga ito. Nakarating sya sa tabing dagat at nag palakad lakad, pabalik balik.
At nang mapagod ay naupo sa buhanginan at nag isip. Ano na ba susunod nyang gagawin ngayong, may
iba na si Alex.
Naluha nanaman sya ng maalala ang mga nangyare sa kanila ng gabing yon. Bakit parang wala na lang kay Alex yon samantalang nakuha nito ang virginity nya. Ang sakit, sabi na nga ba nya masasaktan lang sya.
Pero bakit si Alex, masaya pa. Oo si Alex na syang nagdulot sa kanya ngayon ng sakit, masaya ito at samantalang sya eto, di alam kung saan magsimula ulit.
Di sya papayag kelangan iparamdam din nya at ipakita nyang di pa sya talo, ano man ang dahilan nito kung bakit balewala lahat ang nangyari ay wala na syang pakialam. Kelangan nyang bumangon, di pa sya talo ipapakita nya dito kahit nakuha nito sa kanya ang lahat kaya pa din nyang mawala ito sa kanya tulad ng ipinakikita nito ngayon sa kanya. Sa piling ng iba.
Kaya nga ba nya, napatingin sya sa araw na nagsisimulang sumikat.
Tulad ng araw, ngayon magsisimula sya ulit ng wala si Alex..
Napamangha sya sa sikat ng araw napakaganda. Napapangiti sya habang pinag mamasdan ito.
" Kaya mo yan Janina, matapang ka, di sya kawalan sa buhay mo." Bulong nya sa sarili.
At naalala nyang picturan ang sun set ng paulit ulit hanggang tuluyan na itong lumabas. Di nya pansin ang mga tawag at message sa kanya nagpalakad lakad sya ulit at ng maramdaman nya ang init ay nagpasya syang umuwe pinulot pa nya ang mga sea shell na nadaanan nya. At ng makarami sya hinubad nya ang blazer nya at inilagay duon ang mga napulot.
Malapit na sya bahay tanaw na nya ang kaibigan natanaw pa nyang pasakay ng sasakyan si Alex, at bigla nyang narinig si Pam.
" Ayan na sya parating." Tingin lahat sa direksyon nya. Pati si Alex ay napahinto sa pagsakay at napatingin sa kanya.
Bigla nanamang kumabog ang dibdib ni Alex habang naka tingin sa paparating na si Nina. Para itong dyosa na slow motion pa sa bawat galaw nito, napansin nyang naka short lang ito at spaghetti litaw -litaw ang kasexyhan. Iba talaga dating nito sa kanya.
Nawala ang imahinasyon ni Alex ng marinig si Crissa na sumigaw.
" San ka ba galing, " Sigaw nito.
Saka palang nagising sa pangangarap si Alex.
Nilampasan lang sya nito at parang di nakita.
" Saan ka nang galing." Habol nyang tanong dito.
" Dyan lang sa tabi-tabi." Paingos na sagot nito at diretso sa paglakad.
" Grabe ka pinag alala mo kaming lahat, pati mga calls namin di mo sinasagot." Salubong ni Tanie sa kanya.
" Oa nyo ha, wala man lang ba nakaisip sa inyo na nandito tayo sa tabing dagat at baka nandon ako naglibot. Tingnan nyo ang dami ko napulot." Binuhos sa sahig ang mga shells.
Lapit si Crissa sa kanya at bumulong.
" Ok ka na ba?" tanong nito.
" Oo naman, ako pa ba." Sabay tingin kay Pitch nandito pa pala ito ibig ba sabihin mag stay din ito dito. So kung ganun sabi nya sa loob nya start the game Janina.
" Hoy, Alex." Sigaw nya na syang dahilan kaya napatingin ito sa direksyon nya.
" Mukha yatang sakin mo nalang di napapakilala, yun pinag...." Naputol sasabihin nya" Iniba nya salita nya.
" Yong Love of your life ah?" Tuloy nya sa kanyang sasabihin.
Napalunok ito bago sumagot sa kanya.
" Hi-hindi naman nalate ka lang kaya di ko pa napa kilala sayo." Utal na sagot ng binata.
Sya na mismo lumapit dito at naglahad ng kamay.
" I'm Janina, Alex friend." Ngiti pa nya dito.
" Pitch. " maikling tugon nito.
Nagtaka si Alex di sinabi ni Nina na mag bestfriend sila.
" Nagkape ka naba?" tanong nya dito.
" Ah, oo ihahatid lang ako ni Alex sa terminal balik nako ng manila. May trabaho kasi, kapag may free time babalik nalang ako." Ngiti pang sabi nito.
" Ah ganun ba, sayang naman di walang kaharutan si Alex." Saad pa nya.
" Wala magagawa may work eh." sabi pa nito.
" O pano tutuloy na ko, nice to meet you nalang." Tuluyan na itong nagpaalam at lumabas ng terrace.
At umalis na nga ang dalawa sya naman ay nagpunta ng kusina, gutom na gutom na sya.
Lahat ng makita nyang pagkain ay tinikman nya ngunit isa lang nagustuhan ng panlasa nya. Yon saging na saba na ilalagay sa nilagang baka para sa ulam nila. Pinag taka nya isinawsaw nya ito sa condense milk.
Nakita pala sya ni Crissa at nilapitan sya.
" Girl, ano yan kinakAin mo?" Takang tanong nito sa kanya.
Saka lang para syang natauhan sa kinakain nya. Sabay tingin sa kaibigan na nahulaan yata kung ano nasa isip nya. Ganun na ba talaga sya ka busy nitong mga huling buwan at maski period nya ay di nya namalayang delay na sya.
Napanganga si Crissa sa kanya.
" My god!" bulalas nito sa kanya.
Yun lang at una unahan ng tumulo ang luha nya.
" Teka sigurado ka na ba at drama ka agad dyan? Buti pa tumigil ka na dyan magbihis ka at magpa check up tayo lika na sasamahan kita." alo nito sa kanya.
Sa mga oras na yon, parang nawala ang utak nya sa ulo nya.
Lumilipad...
Di na sya makapag-isip...
Ni halos ayaw sumunod ng katawan nya sa gusto ng utak nya.
Inakay na lang sya ng kaibigan papunta sa kwartong tinutuluyan nya.
Sadya ba talaga ito ng pagkakataon, paano nga kaya kung nagbunga ang gabing pinagsaluhan nila ng binata.
Ang gabing binuhos nya ang pagmamahal sa isang lalaking ngayo'y may ibang mahal. Ang gabing ibigay nya ang lahat sa lalaking nagpatibok ng puso nya.
Ang lalaking nag iisa para sa kanya.
Ang lalaking pakiramdam nya una't huli na sa buhay nya.
Papano na ko Alex?
Nag-iisang tanong sa isip nya.
Hala ka ALEX,pano na si Janina
magkaka baby na ba kayo?
____MHARJHIN