Nagpaalam sila kay Tanie na may bibilin lang sa bayan, nagbilin tuloy ito na bumuli ng ilang gamit nila sa bahay.
Di alam ni Nina kung ano ang mararamdaman ng sandaling yon, excited ba o takot. Excited dahil baka nga meron na at takot di dahil para sa sarili kung di para sa magiging sitwasyon nya kung sakali.
Habang nasa sasakyan sila, di nya maiwasang isipin ang mga maaring mangyari at napansin iyon ni Crissa.
Habang nag dadrive hinawakan ni Crissa ang kamay at sabi.!
" Wag ka muna mag isip ng di maganda pakasiguro muna tayo, dito ako friend tutulungan kita sa abot ng aking makakaya." At pinisil pa nito ang kamay nya.
" Salamat sa lahat, kung wala ka, walang magpapalakas ng loob ko." Sabay ngiti sa kaibigan.
Pagdating nila sa kabayanan wala sila natagpuan na Obygene sarado lahat.
" Pano yan sabi ni Nina." Dismayadong tanong nya sa kaibigan.
" Mabuti pa, bili nalang muna tayo ng pregnancy kit. Then tomorrow bumalik nalang tayo." Sabi ni Crissa.
" Sige napagod din ako eh, uwe na tayo. Bilin mo na yon pinabibili ni Tanie pupunta ako sa drugstore." Suhestyon nya dito.
" Oo sige, bilin mo na din mga gusto mo kainin at ng di ka maghanap kapag nandun na tayo." Dadag ng pa ng kaibigan.
" Okey, sabi mo eh. " Biro naman nya dito at naghiwalay na sila.
Ilang minuto lang nakabalik na si Nina sa sasakyan ngunit wala pa si Crissa.
" Nasan na kaya yon? Tagal naman nya." Bugnot nya sa sarili.
Di sya mapakali naalala nya may c.r nga pala sa drug store na pinuntahan nya at napatingin sya sa kit na binili nya. Parang may sariling buhay ang mga paa nya, lumakad sya pabalik sa drugstore na iyon. At ilang saglit nagawa nya patakan ng urine ang kit na hawak nya, napapikit si Nina habang hinihintay ang resulta. Nanalangin sya ngunit walang syang matiyak na hingin sa panginoon, paglipas ng ilang minuto ng matiyak nyang may resulta na ito nagmulat sya ng mata. At nakita nya ang dalawang pulang guhit sa bagay na yon kasabay nun ang panginginig ng buong katawan nya at pagpatak ng luha. Ilang minuto syang nasa ganung ayos ng bigla nya marinig si Crissa na tinatawag sya.
Dali dali na syang tumayo at nafpahid ng luha. Lumabas sya ng toilet.
" O bakit? " tanong nito sa kanya.
" Wala?"sabi nya nag c.r lang ako.
" Tara na baka hinihintay na nila tayo." Bawi nalang nya sa kaibigan.
Habang naglalakad sila papunta sa sasakyan ay wala na syang kibo hanggang umandar ang sasakyan na ito ay tahimik sya. Di nakapag pigil si Crissa.
" May sasabihin ka ba? " Huli nito sa kanya.
Inilabas nya ang kit na ginamit nya at pinakita dito..Positive ang resulta.
Di na nagulat si Crissa dahil huli na nito sa bawat kilos nya.
" O ano balak mo ngayon? " tanong nito sa kanya.
" Still the same, walang magbabago." Matatag nyang sabi.
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Crissa.
" Friend, walang nangyari yon lang. I want to act na parang wala lang, at yon din ang papakiusap ko sayo. Please don't tell anyone, about this lalo na kay Alex. Oo sa sitwasyon ko mahirap itago lalo na mga mood swings ko but please, promise me you wont!" Pakiusap nya.
Buntong hininga muna ito at sumagot.
" Girl, I can't promise anything. But I do everything to hide it. Nandito lang ako sasamahan kita yon lang mai papromise ko." Diretso nitong sagot sa kanya.
" Thanks, girl."at naiyak nanaman sya.
" O yan ba mag-aact ng wala lang, be strong di man para sa iyo para sa magiging inaanak ko." Biro na nito sa kanya ng tumigil sya sa pag iyak.
Natawa naman sya.
" Oo naman, walang nangyare ok." Ulit nya dito.
" Yes."maikling sagot nito.
At pumasok na ang sasakyan nila sa rest house. Bitbit ang mga pinamili pasok sila sa bahay, at sumigaw si Nina.
" Is there anybody home?" sigaw nya.
Naglabasan anga lahat.
" Aba ready na ba tanghalian natin. " dagdag pa nya.
" Hoy, kayo nalang di kumakain sabi naman ni Pam.
" Ah, ganun ba eh, kakain na kami ng maumpisahan na ito. At itinaas ang alak na binili nya.
" So ano masarap na partner nito?" Sabi pa nya.
" Wow, masarap nga yan dalian nyo abay tara na ng makarami." Tuwang sabi ni Bryan at akbay ang girlfriend na si Louise.
" Crissa lika na." Sigaw nya sa kaibigan at nag diretso sa kusina upang maghanda ng pagkain nila.
Ginayak naman ng iba ang pag-iinuman nila.
Matapos kumain ang dalawa ay nag ipon-ipon sila sa sala maliban kay Alex na di pa dumadating mula sa paghahatid kay Pitch.
" Nasan nga pala pinsan ko, di pa ba dumadating?" Tanong ni Crissa.
" Hay naku, baka naghoney moon na yon!" Biro ni Lyndon.
Parang kinurot ang puso ni Nina, ngunit di sya nagpahalata bagkus sinulsulan pa nya sinabi ni Lyndon.
" Aba, ayaw nyo yon baka double wedding na.
Nagtawanan sila. Di pa man nagtatagal ng kwentuhan nila ay dumating pinag uusapan nila.
At nagsalita si Nina!
" O speaking of the devil?" Biro nya.
At di naman naka ligtas sa pandinig ni Alex.
" Wow, devil na pala ko ha." Sabay upo sa tabi nya. Sabay kurot sa ilong nya.
Kinaladya sya nito. Tingin lang ang mga kaibigan dahil sanay naman sila sa ganun estado nilang dalawa.
Mayamaya napasinghap si Nina, ng maamoy ang pabango ni Alex, parang bumabaligtad sikmura nya. Dali-dali syang tumakbo sa banyo at nagduduwal.
" Nangyare, konti pa lang naman nainom non?" Tanong ni Bryan.
Tayo naman si Alex at pinuntahan si Nina. Kinatok nya ito sa banyo.
" Are you okey?." Sabay katok ulit.
" Oo, okey lang nanibago lang siguro ko." Sagot naman nya.
" Lumabas kana dyan, mainit sa loob baka mahilo kapa." Pag-alala ni Alex sa kanya.
Sa narinig ni Nina nagbago ang mood nya at pasigaw syang sumagot kay Alex.
" Can you please go and don't act like you care. Umalis kana!" Sigaw nya.
Lapit naman bigla si Crissa.
" Sige na pinsan ako ng bahala dito." Lulugo-lugong lumayo si Alex.
At nagbalik sa kina uupuan.
Kinatok sya ni Crissa.
" Janina, come on!" Utos nito.
Lumabas naman sya.
" Ano ba yan, akala ko ba walang nangyare. Bakit ganyan ka?" Kunwari galit nito sa kanya.
" Yun kasi pabango ni Alex, I hate it. "inis nya.
Natawa si Crissa sa kanya.
" Patay tayo dyan sa dami mo mapaglihan sya pa!" Tawa nito.
" Ssssshhhh,ano ba? Baka naman pwede paki gawan ng paraan na wag na nyang gamitin yon sakit sa sikmura eh." Pakiusap nya ulit sa kaibigan.
" Ay oo pala, sige na labas na dyan." Utos ulit nito.
Bigla tumunog cellphone nya hinugot nya ito mula sa bulsa si Art.
Reymart Revera, yun nakilala nya sa bar manliligaw na nya ngayon huling usap nila ay papunta ito ng Korea
para sa business tour.
" Sagutin ko lang 'to girl." Baling sa kaibigan.
" Go ahead. "sagot nito.
Lumabas na sya sa kusina sya nagdaan. Sundan nalang sya ng tingin ng mga kaibigan.
" Hello. " Bati nya kay art.
" How are you?" Bungad naman nito.
" Im fine, nasa bakasyon kami kasama mga kaibigan. Nandito kami sa Batangas." Paliwanag nya dito.
" Really! Im on my way from there may business deal ako dyan, pagtapos bukas flight ako ng Japan. Pwede ba kita puntahan dyan?" Tanong pa nito.
" Ah, ganun sige okey lang. Dito nalang tayo magkwentuhan. Nasan ka naba?" Sabi nya dito.
" Malapit na sa Batanggas mga half hour." Paliwanag nito.
" Ah, okey. I'll just wait you here!" At binigay nya ang address.
" Okey bye, see you I miss you." Sabi pa nito sa huli.
Napangiti naman sya.
" Same to you bye!" Paalam na nya.
At bigla narinig nya si Alex nagsalita.
" Nah." tawag nito sa kanya.
Gulat pa sya lumingon dito.
" Nandyan ka pala, bakit?" tanong nya dito.
" Kamusta ka na?" Malumanay na tanong nito sa kanya.
" Eto, Im really fine!" Diretso nyang sagot.
" Halata nga, dahil sa kanya!" At ang tinutukoy nito ay ang kausap nya na narinig pala pinag uusapan nila.
Lihim naman sya natuwa.
" We need to be happy, everybody deserve to be happy parang ikaw lang." Bawi nya dito.
" Yes!" maanghang na sagot pa ni Alex.
Tumabi ito sa kina uupuan nya.
" Para yatang galing sa ilong sagot mo, happy ka naman kay Pitch di ba?" Pilit nyang ilabas sa bibig nya ang tanung na yun.
" Yes, I am. Para kasing nag-iba pakikitungo mo sakin?" Tanong nito na may halong tampo.
Pilit nya sumagot ng maayos na walang mahahalata si Alex.
" We need Alex, gusto ko lang sanayin sarili ko. Besides ilang panahon na lang magkakaron na tayo ng kanya-kanya buhay. Although friendship is always there, iba pa din yon, mag move on tayo sa bagay na dati nating ginagawa, di ba?" Mahaba nyang sagot dito.
" Di ba pwede, ganun pa din. Siguro naman maiintindihan ng mga partner natin yon.
Ano ba Alex, kelan ka ba lalayo sakin? bulong nya sa sarili.
" I don't know. Iba na kasi ngayon Alex, we're old enough at boyfriend girlfriend lang ang meron tayo. We need to settled down." Lito nyang sagot.
Natahimik sila pareho. Sya lang ang bumasag ng katahimikan.
" Kelan babalik si Pitch?" tanong nalang nya.
" Weekend." Sabay hawak sa kamay nya na syang napagulat sa kanya.
" Tol, I miss you!" sabi nito at nagkatitigan sila. At mula sa titig na yon naramdaman nyang hinahalikan sya ni Alex, napapikit sya. Bigla naalala nya ang kanyang pangako sa sarili, sukat doon ay tinulak nya si Alex at sabay takbo. Naiwan tahimik si Alex.
Nagdiretso sa kwarto at doon iyak nanaman sya.
" Tanga mo Nina." Inis nya sa sarili.
Kinalma nya ang sarili naalala nya darating nga pala si Art, nagpasya syang maligo nalang at baka sakali maalis ang init na hatid ng halik ni Alex.
Hays,,it so hurt Alex!!
______mharjhin