A night to remember.

1902 Words
Nang gabing yon lumabas si Alex dahil may usapan sila nila Lyndon at Bryan. Nagkita kita sila sa bar na madalas nilang puntahan. Ang alam nila pati mga babae ay pupunta din don. Dinaaanan nila Tanie, Pam at Crissa si Nina dahil wala itong sasakyan. " Nina." Sabay katok ni Pam sa bahay ni Nina. " Ayan na." Sabay takbo sa may pinto. Nagulat pa yung tatlo sa suot nya. " San ka pupunta girl, sa palengke?" Birong tanong ni Crissa kay Nina. Ang sexy kasi nilang tatlo, sexy din naman si Nina ngunit tinatago nya ito sa mga sinusuot nyang damit. " Wait." Sabi ni Crissa at bumalik sa nakaparadang kotse nya sa labas. Pagbalik nito may dala itong damit kulay black at iniladlad sa harapan nya. " This night, ito ang isusuot mo." Pilit nito sa kanya. Magsasalita pa sana sya pero tinulak na sya nito papasok sa kwarto upang pagpalitin nang damit. " My god Crissa, I cant wear this para nakalabas kaluluwa ko." Pigil nya dito. " Nina, bar pupuntahan natin hindi burol. Ok, if you can't, just by now, bigay mo nalang na gift sakin yan pagsusuot mo nyan now nalang natin ganapin bridal shower ko. Ngayon lang naman, di naman kasama mga boys its a girl night. So please just wear it ok." Pakiusap nalang ni Tanie upang isuot nya yon. Napatirik mata nya sa hangin at wala sya nagawa kung di pumayag. " Buti nalang lagi girlscout si Crissa." Sabi ni Pam. Si Crissa kasi ang fashionista sa kanila kaya botique ang business nito. Napanganga pa ang tatlo ng makita syang suot ang black dress na pinasuot ni Crissa. Bagay na bagay sa kanya humakab sa hubog ng katawan nya medyo labas pa cleavage nya. Pati make up nya ay pinakialaman ni Crissa. " Wow, you look gorgeous girl. Lagi ka kasi nakasaya tingnan mo natalbugan mo kaming tatlo." Biro ni Tanie sa kanya. " Naku parang nakikita ko, puputaktihin ka mamaya." Susog pa ni Pam. " Di ba seductive masyado?" Ilang na tanong nya. Tinampal ni Crissa ang braso nya dahil sa ginawa nito napaaray tuloy sya. " Isipin mo its your night, ang ganda mo kaya. Malay mo makita ka ni Dream boy mo maglaway." Sabay tawa ni Crissa. " Heeh, magtigil nga kayo. Ngayon lang 'to ha." Ilang na sabi nya sa tatlo. At umiral nanaman kapilyahan ni Crissa. " Before we go lets take a groupie shot for that." At nilabas ang ang cellphone nya. Nag picture silang tatlo sa kapilyahan ni Crissa sinend nya sa mga kaibigan nilang lalaki ang picture ng di alam ni Nina. Kinuhanan din sya ng picture ng solo, gamit ang sarili nyang cellphone remembrance daw nya baka di na maulit. At lumabas na sila. Nagdiretso silang apat sa bar na madalas na puntahan nilang magkakaibigan. Nagulat pa si Lyndon ng makita ang si nend na picture ni Crissa. Lahat sila ay nagtatanungan sino ang kasama nila sa picture maski si Alex ay namangha kung sino yon. At naramdaman nya tumibok ang puso nya. Di nakapagpigil si Bryan at minessage si Crissa at nagtanong. " Who's this gorgeous lady." Tanong ni Bryan sa message nya. Habang nagdridrive ay nereplayan naman ni Crissa. " Sayang di nyo sya mami meet." Yun lang at ibinalik sa kandungan ang cellphone. Nagtatakang pinabasa ni Bryan ang message ni Crissa sa dalawa. " Sino kaya to' taka nila." Nasa isang sulok sila ng bar noon at nag iinoman. Naka kubli sila kaya di nila nakitang dumating yon apat na babae. Di pa man nakaka hanap ng pwesto ang apat ay may naka capture na ng ganda ni Nina at nilapitan sya nito. " Girl see." Sabi pa ni Pam kay nina ng pabulong sabAy siko sa kanya. " Hi." Sagot nito sa kanila. Gwapo ito maganda ang pangangatawan. Almost perpect sa paningin. Naglahad ng kamay sa kanya. " Can I have dance with you?" Alok ng lalaki kay Nina. Napatingin naman sya sa tatlo at halatang nagpapasaklolo. Imbis na hadlangan sya kinindatan sya ni Crissa. " Go girl, enjoy the night. Ingatan mo friend namin dito lang kami." Sabi pa nito sa lalaki. At iginaya na sya nito papunta sa gitna upang sumayaw. Wala sya nagawa kung di makisama dito. Di pansin ni Nina na katabi pala nya sumasayaw si Bryan at napatingin ito sa kanya. Kinilala sya mabuti ni Bryan at ng makumpirmang sya ay bumalik ito sa pwesto ng mga lalaki at nagpaalam sa kasayaw nya. Paglapit nito sa dalawa na seryosong nag uusap. " Mga pare, nandito yon apat tara hanapin natin. Excited ako makilala yon kasama nila." Sabi pa nito at napatingin kay Alex dahil alam na nya kung sino yon. " O bat ganyan ka makatingin." Sabi ni Alex sa kanya. " Its your turn pare, iwasan mo lang maglaway ha." Biro nya kay Alex. " Oo nga Pre, baka pagkakataon mo na makalimot. Malay mo!" Sukat sa sinabi ni Lyndon ay siniko sya ni Bryan na parang may gustong sabihin pero di nya masabi. At nakipag gitgitan na sila para hanapin ang apat. Sa mga oras na yon ay nag kwekwentuhan na ang apat pinaguusapan nila yon nakasayaw ni Nina. " Pwede na." Sabi ni Pam kay Nina. " Infairness naka binwit ka ng yummy." Sabi ni Crissa kay Nina na tuwang tuwa sya naman ay alangan kung matutuwa o maiinis sa mga kaibigan. " Baka naman gusto nya kami pakilala sa sexy dalagang kasama nyo?" Nakatalikod kasi sya kaya di nya nakita kung sino mga parating. Nagulat pa silang apat ng makita nandito din pala ang mga ito. " Wow, sinundan nyo ba kami." Sabay lapit at halik kay Lyndon. Di pa rin humaharap si Nina dahil nahihiya sya. Pinairal ni Crissa ang kapilyahan nya. " Pinsan." At hinatak si Alex palapit sa kanya. " Pinsan, meet may friend Nina." Sobra namangha si Alex sa kaharap nya. Di nya alam kung matutuwa ba sya o naiinis sya dahil for the firstime nakita nya ang dalaga sa ganung ayos. Ngunit sa huli puso ang nangibabaw napakaganda ni Nina sa paningin nya ngayong gabi. " Matunaw." biro ni Lyndon kay Alex. " Tol, ikaw ba yan?" sabi ni Alex na halos mautal. Sa inis ay sumagot si Nina kay Alex. " Hindi siguro." sabay irap nya. Di pa man nagtatagal ang kwentuhan nila ay lumapit ulit ang lalaking nagsayaw kay ni Nina. Para namang umiral din kapilyahan ni Nina ay nagpa flirt sya ng konti sa lalaking yon. Hindi nya alam ang dahilan bakit di nya nahindian ang lalaking yon samantalang ngayon lang nya nakilala o baka dahil napansin nyang di maalis tingin ni Alex sa kanya. Lumapit na sya sa lalaki at nagpunta sa gitna, parang nanadya naman ang pagkakataon naging sweet ang music. Nagpakilala ang lalaki sa kanya ito daw si Art nagkakilala sila. Napaka sweet magsalita parang ang gaan ng loob nya dito sa sandaling oras ng magkausap sila ay parang ang tagal na nilang magkausap. Sa di kalayuan nagkakatuwaan ang mga kaibigan nila habang umiinom maliban kay Alex na di pa din naaalis ang tingin sa kanila. At sa wakas napagod yata si Art at nagyaya ito lumabas makapagkwentuhan daw sila ng medyo tahimik. Lumapit sya sa mga kaibigan upang magpaalam di nya pansin na masama ang tingin ni Alex sa kanila ni Art. " Guys, labas lang kami saglit." Putol nya sa kwentuhan ng mga kaibigan. " Ok lang, take your time, wag ka lalayo girl balik ka dito wait ka namin." sabi ni Crissa napapatingin sa pinsan. " Aheem!" Tikhim naman ni Lyndon. " Sa bestfriend mo di ka ba mag papa alam." Sabay tingin kay Alex na nakayuko na pala. Nilapitan ito ni Nina at itinaas ang ulo. " Tol, mukhang binagsakan ka ng langit at lupa ah." Biro nya dito. " You can go, ingat ka sa lalaking yan." Ismid na sabi sa kanya ni Alex. Pinisil nya ilong nito, sabay sabi. " Sus, ang tatay ko eto nanaman." Sabay yakap sa kaibigan. Di nya alam bakit nya nagawa yon, ganun pa man para nalang nyang naisip na nakalimutan na nya lahat nang napagdaanan nila mag bestfriend at its time to move on. " Eto nanaman po sila, mamaya nyan may iiyak nanaman." Sabi ni Crissa sa kanila. Di nalang pinansin ni Nina ang sinabi ni Crissa dahil sanay na sya sa tuwing maglalambingan sila mag bestfriend ay may nasasabi ang mga ito. " Kayo talaga ha!" Awat nya sa pambubuska ng mga ito sa kanila. " Sige na punta na ko. Saglit lang to babalik ako agad." Sabay talikod sa mga kaibigan. " O ano?" Sabi ni Pam kay Alex na tinapik pa sa balikat nito. At imbis na sumagot lumagok lang ng alak si Alex. " Make your move tol." Susog naman ni Lyndon. " Pinsan, ano ka ba wala mangyayari sayo kung lagi ka nganga dyan. Wala ka ba balak gawin o masasabi man lang. Naku taong 'to di lang kita pinsan." Di na nila alam pano tutulungan si Alex. At wala ng ginawa ito ngayon kung di uminom napadami na inom at nagiging makwento na. Ngunit sa huli naiyak na ito dahil di na daw nya alam pano nya masasabi kay Nina. Lumayo na ang tatlong babae para makapag usap ang lalaki at mapayuhan nila. Pagpasok ni Nina di pa man sya nakakalapit sa mga lalaki ay hinila sya ng tatlo. " We need to talk." At hinila sya ng mga ito palabas. Bago sumunod nakita pa nyang hinihimas ni Bryan ang likod ni Alex. Bakit kaya? sabi nalang nya sa isip nya. " Now, u need to know this. Kasi kailangan na naming gumawa ng paraan ayaw sana namin makialam sa inyo mas gusto namin sa inyong mga bibig mismo manggaling na mahal nyo isa't isa. Obvoius naman e, nagpapakiramdaman lang kayo nagpapataasan ng pride, sino una mag sasabi." Mahabang litantya sa kanya ni Crizza. " Teka teka nga, linawin nyo nga can you please direct to the point, Crissa!" Sabi nya na talagang nalilito. " Okey, mahal mo pa ba pinsan ko o hindi?" Direktang tanong nga nito sa kanya. " Ano bang tanong yan, alam nyo naman sagot dyan." Sabi naman nya. " Wow, anong alam na sagot. Na mahal mo nga sya hindi bilang bestfriend mo bilang isang babae nagmahal sa isang lalaki, pero di mo maamin sa sarili mo dahil takot ka mabali yon sinasabi mo lagi na kapag magkaibigan, kaibigan lang. Ganon ba? Yon ang alam namin at nakikita namin, tama ba ko?" Sa sinabi ni Crissa tuluyan na syang umiyak. " Oo, I love him." At humagulgol na ng iyak at dahil natumbok ni Crissa lahat. " My god" Nasabi nalang ni Tanie. " So ano pa balak mo girl, magtiis?" Dagdag naman ni Pam na naawa sa kanya. " Di ko alam, mas gusto ko yon masaktan na di ko masabi sa kanya kesa pagdating ng araw pati pagkakaibigan namin mawala. Isa pa how if he didn't feels the same." Iyak pa nyang sabi sa mga kaibigan. Kahit alam ng mga kaibigan nya ang sagot mas minabuti ng mga ito na tumahimik. Nasabi na nila ang parte nila ayaw na nilang manghimasok pa. " So ano, paparamdam mo ba kanya yan. O dyan nalang yan.?" Tanong ni Crissa. Iling-iling nalang sya.. " Hindi ko alam, ewan ko." Litong lito si Janina ng mga sandaling iyon. ___MHARJHIN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD