Nakontento si Nina sa pakikinig sa tatlo, naririnig nyang pinagtatawanan ng dalawa si Alex.
" Ang tyaga mo pare." Narinig nya biro ni Lyndon kay Alex.
" Ano ba baka magising si Nina ingay nyo!" Inis na bawal ni Alex sa dalawa.
" Walang mangyayare sayo pre, kapag ganyan ka." Susog pa ng isa na sinabayan pa nang tawa.
Di nakatiis si Nina at lumabas ng kwarto kunwari ay pupunta sya ng banyo.
" O nandyan pala kayong dalawa?" Pagkukunwari nya.
" Oo mars, susunduin sana namin kaso di makaalis may bisita pala. Kaya pala pati mga tawag namin di nya pansin." Sabay naman siko ni Alex kay Lyndon.
" Mukhang importante lakad nyo, ok lang uuwi rin naman ako ngayon wala naman na siguro traffic." Wika nya sa tatlo at diretso na syang pumasok sa banyo.
" Mga Pre naman, wrong timing naman kasi kayo." Inis na sabi ni Alex sa dalawa.
" Wrong timing, eh magdamag na kayo magkasama wala ka pa moves na nagagawa?" Pambubuska pa ni Lyndon sa kaibigan.
" Alam nyo naman di ganun kadali sa parte ko yon, isa pa parang ganun pa din sya sa dati." Himutok ni Alex sa mga kaibigan.
" Pano mo malalaman kung di mo kakausapin." Sagot sa kanya ni Bryan.
" Pre, alam nyong bestfriend turing nya sakin at sa tingin ko hangang dun nalang yun." Matamlay dagdag pa nya.
" So ano ganyan ka nalang pre, ano gusto mo pili ka masaktan dahil di mo masabi sa kanya o masaktan ka sa maging cosiquense ng pagtatapat mo." Diretso sabi ni Bryan.
" Naiintindihan ka namin pare, takot ka na baka kapag nagtapat ka eh, magagalit sya syo pano mo nga malalaman ang maging reaksyon nya kung di ka magsasalita?" Tanong pa sa kanya ng dalawa.
At doon nabuo ang isang plano sa tulong ng dalawa.
Paglabas ni Nina nang banyo nagtatawanan na tatlo at iba na pinag uusapan.
" Uuwe kana mars, sabay ka na samin idadaan na namin may lakad daw si pare Alex eh." Sabay tingin kay Alex ni Lyndon na parang naintindihan naman nito.
" Pasensya kana tol, nagtxt si Pitch may pupuntahan daw kami." Pitch girlfriend nya ito.
Parang nainis naman si Nina sa sinabi nito.
" Ah, sige. Sasabay na ko bibihis lang ako saglit." At pumasok na sya kwarto.
Natawa naman si Lyndon at si Bryan.
" Kaya mo yan pre." Sabay tapik sa balikat ng binata.
Maya-maya pa lumabas na si Nina nakabihis na.
" O tara na baka, mahuli pa sa date itong tol ko mabukulan pa ng sweety bird nya." Sabay kindat kay Alex.
Napakamot nalang ng ulo si Alex sabay sabay ng nagsilabas ang apat at sumakay sa sasakyan ni Lyndon.
Kumaway pa si Nina kay Alex bago umandar sasakyan.
" Sige pre!" Paalam ng dalawa kay Alex.
Naiwang nanghihinayang si Alex. Ni hindi man lang nya natanong kung ok na si Nina dahil sa lagnat nito sa nagdaang gabi.
Mag-isa na apartment si Alex di nya alam ano gagawin nya. Maghapon sya ngayong mag nganga imbis na makasama sana nya ngayon ni Nina napurnada pa. Pumasok nalang sa kwarto ang binata, bitbit ang unan at kumot na ginamit nya sa pagtulog.
Napalingon sya sa kamang hinigaan ni Nina, natagpuan nya ang sariling nakahiga sa kama at hinihimas ang bawat parte ng kamang iyon.
Pano nga ba nya malalaman kung bibigyan sya ng pagkakataon ni Nina na mahalin ito hindi bilang isang bestfriend nya kung hindi mas higit pa don? Naalala nya pa noon ang lagi nitong sinasabi.
" Grabe kayo ha, iba isip nyo sa'min, bestfriend ko si Alex at hanggang dun nalang yon." Diin na sabi ni Nina habang nasa damuhan sila magkakaibigan at naka upo si Alex sa harapan nya habang nakapatong ang dalawang kamay nya sa balikat nito.
Paminsan minsan ay niyayakap pa ito. Wala na ito sa kanila dalawa maski man kasi si Alex ay ganun na rin sa kanya. Yon lang mga nakakakita sa kanila ang iba ang iniisip maski man mga nagiging kapwa karelasyon nila yon ang nagiging dahilan kung bakit nakikipag hiwalay agad ang mga ito, kapag nakikita silang daig pa mag boyfriend kung mag lambingan. Mga kaibigan nga nila di pa din gano maka paniwala sa asta nilang dalawa.
Minsan nga montik ng maki pag away si Nina sa Girlfriend ni Alex dahil minsan nakita nitong nakayakap sa leeg ni Alex si Nina at simula din noon nag laylo si Nina sa pagiging sweet nya kay Alex na syang na miss naman ni Alex hanggang ngayon.
" Siguro nga best, sobra na yun pagiging sweet na'tin tingnan mo wala na tuloy tumatagal na gf mo. Kung ako lang, alam mo naman di pa yata napapanganak yon lalaki na magiging boyfriend ko." Sabay tawa.
" Mabuti pa siguro ihanap, kita ng maging bf mo." Biro nito.
" Naku, meron ba nun? Yaan mo darating din yon." Sabi naman ng dalaga.
At ilang linggo nga na halos di sila naging close ay may nanligaw kay Nina.
Si Tyron.
Kaibigan ni Alex, na sya ring nagpakilala dito..Isang buwan din ng panliligaw nito ay nakuha nya ang oo ni Nina. Mayaman si Tyron may itsura din naman nasa collage na sila nun.
Minsan ay naabutan ni Alex na nag uusap si Nina at Tyron. At di nya sadyang narinig ang usapan ng mga ito.
" Best friend ko sya, hanggang duon lang yon." Narinig nyang sabi ni Nina, at lumayo na sya di na nya pinag aksayahan pa ng oras na marinig ang iba pang pag uusap ng dalawa. Dahil parang bombang sumabog sa utak nya ang kanyang mga narinig. At duon na rin nagsimulang umiwas sya kay Nina at madalas na rin nilang di pagkaka intindihan.
Madalas na silang magtalo nito lalo na kapag magkakasama silang magkakaibigan. Kahit maliit na bagay ay nagiging big deal, na sya lagi nakaka pagpaiyak sa dalaga.
Minsan nagtalo sila ng dahil lang sa pag alis ni Alex ng di pag papaalam.
Nasa bahay kasi sila nila Tanie nuon naki fiesta sila ng gabi.
" Grabe, para kang walang kasama dito hintay kami ng hintay sayo ni hay ni ho wala kang sinabi na pupunta ka sa kung saan.?" Galit na bungad ni Nina kay Alex.
" O bakit sinabi ko ba maghintay kayo, di naman ako bata may isip naman ako!" Sagot ni Alex sa kanya.
" Yan ang hirap sa iyo, ni hindi mo iniintindi yon mga taong nag alala syo. Kung nagpaalam ka ba di sana walang mga tangang naghintay syo dito." Mangiyak ngiyak na sabi ng dalaga.
Sukat sa sinabi nya tumawa ng nakaka insulto si Alex at sabi...
" Bakit sino kaba para mag-alala magkaibigan lang naman tayo. Kung sila at tinuro iba kaibigan nila
di naman sila nag alala sakin ng ganyan." Pang-iinsulto ng binata.
" Oo nga naman sino ba ko." Sabay talikod nalang nya.
Maski si Alex ay nagulat sa mismong sinabi nya.
Alam nyang nasaktan nya bestfriend nya pero wala na sya magagawa nasabi na nya.
Ng gabing yon ay halos wala ng kibuan ang dalawa hinayaan nalang sila ng mga kaibigan. Kausapin man sila yun ay lalaki sa lalaki at babae sa babae.
Nagkainuman ang mga lalaki di naman sila lasing konti lang iniinom nila. Kinausap ni Lyndon si Alex tinanong nya bakit bigla nagbago trato nya kay Nina, kahit pilit nyang itago nahuli nito ang dahilan nya.
" Mahirap yan pre, isa lang masasabi ko ituon mo muna puso mo sa iba manligaw ka makipag relasyon. Pero bago mo gawin yon ayusin mo muna relasyon mo sa bestfriend mo kung sa darating na panahon di magbabago yan nararamdaman mo atlis di sya nalayo sayo. Sa ngayon wala ka magagawa kasi yon ang panuntunan nya kapag kaibigan hanggang dun lang." Mahabang pangaral ni Lyndon sa kanya.
" Susubukan ko." Yun lang ang nasabi nya.
Nahirapan nakipag ayos si Alex kay Nina dahil naging mailap ito sa kanya.
Tinulungan lang sya ng mga kaibigan kaya nagkaayos sila.
" Girl tulungan mo nga ako." Pumasok sila sa kwarto ni Lyndon sabi nito isosorpresa nito si Lyndon may aayusin sila sa kwarto di naman nya nahalata ang balak ng mga ito.
Alika pumasok sila sa kwarto ni Lyndon nakapatay ang ilaw kaya di nya pansin na may tao sa loob.
" Saglit may kukunin lang ako sa labas." Sabi ni Tanie sa kanya.
Paglabas ni Tanie, ay isinara ang pinto at ini lock sa labas. At narinig na lang nyang nagsalita si Tanie sa labas ng kwarto.
" Girl pasensya ka na ha, kung gusto mo makalabas dyan mag ayos muna kyo. Di kami sanay ng ganyan kayo e.
Kapag ok na kayo tawagan nyo lang kami nasa baba lang kami." Yun lang at narinig nyang umalis na si Tanie.
" Sabi ko na nga ba." At hinanap nya switch ng ilaw.
Nakita nya si Alex nakatayo sa tapat ng bintana. Walang tao sa bahay nila Lyndon noon kaya sila magkakaibigan ang nag taong bahay gabi na nga sya dumating dahil may tinapos na project.
" Ano bang pakulo ito?" Maanghang sabi nya dito.
" Pasensya kana, wag ka magalit sa kanila ako naki usap na iset up tayo para maka pag-usap. Magkaayos!" Sagot ni Alex.
" Ano bang dapat pa nating ayusin, wala naman di ba. Were still friends!" Inis ni Nina kay Alex.
" Gusto ko lang ibalik yon dati." Mahinang sagot ng binata.
" Look Alex, wag mo ng hangarin pa yon, lets be content kung ano man tayo ngayon. Time nalang makaka pag sabi kung magbalik tayo sa dati sa ngayon tapos na yon." Pero masakit mismo kay Nina mga salitang binitawan nya.
" Sorry." Yon lang nasabi ni Alex at ito na mismo ang tumawag kay Tanie at sinabing ayos na sila.
Agad namang binuksan ang pinto at sabay sabay na sila bumaba at nagkatuwaan na sila.
Naging matigas si Nina, parang di na sya yon dating sweet sa kaibigan pero kahit pano nag uusap na sila di tulad nun na iwasan pa sila pero hanggang duon na lang.
Hanggang sa nag graduate na sila ng collage at yon na nga nag kanya kanya ng buhay open naman sila ni Nina sya lang pero si Nina halos ang dalang ng mag open ng sikreto nito sa kanya. Kontento na rin sila sa dalang ng pagkikita.
ALEX POV:
your killing me softly NINA..