MARK'S POV
Naghahanda na ang grupo para sa darating na laban namin sa ibang school kaya nagpapractice na kami dahil nakasalalay samin ang pangalan ng school at bukas nadin pala yon, Habang nag-aayos ako ng gamit ay lumapit sakin si Tyrone.
"Tol pwede kabang makausap?" -Tyrone
"Oo naman, Tungkol ba saan?"
"Tungkol kay Dex" -Tyrone
Kay Dex? ano naman kayang sasabihin nya tungkol sa bestfriend ko? haha mukhang natarayan na naman to ni Dex kaya magsusumbong sakin.
"Anong tungkol sa kanya?"
"Pwede bang kausapin mo naman yung Bestfriend mo na kung pwede ba kaming mag-usap?" -Tyrone
Hala bakit kaya nya gustong kausapin si Dex? Wag nyang sabihin sakin na popormahan nya ang Bestfriend ko? nako nako dadaan muna sya sakin bago Nya mapa OO si Dex.
"Bakit may gusto kaba sa Bestfriend ko?"
dirediretso kong tanong sa kanya at mukhang nagulat sya.
"Ha? ano wala, may gusto lang ako sabihin sa kanya" -Tyrone
"Buti naman wala, Kasi si Dex hindi mahilig sa gwapo yon at mababa ang taste nya pagdating sa lalaki at kung magkakagusto ka sa kanya wag na sa iba nalang dahil masyado kang gwapo para sa kanya"
Sinabi kolang yon para layuan na nya si Dex baka kasi pinagtitripan lang sya nitong si Tyrone at ayokong mapunta lang si Dex sa mga loko lokong lalaki dahil ayaw ko syang masaktan Gusto kolang ang the Best para sa Bestfriend ko .
"Wag kang mag-alala wala naman akong gusto sa Bestfriend mo, Gusto kolang talaga sya makausap. Ano matutulungan mo ba ako?" -Tyrone
"Good, Sige sige tutulungan kita ichachat ko muna si Dex Pag pumayag sya ichachat nalang din kita"
"Sige sige, Salamat ulit" -Tyrone
Mukha namang wala talaga syang gusto kay Dex, Ayos kong ganon mukhang hindi kasi si Bagay haha. Bilang Bestfriend nya dapat kilatisin kodin ng maigi kung sino ang mga lalaking aaligid kay Dex.
DEX'S POV
Magkasama kami ngayon ni Miles dahil pupuntahan namin ang bahay nila Ryan dahil nag-aalala lang kasi kami sa kanya kahit paano naman ay naging kaibigan din namin sya. Ilang araw nadin kasi syang hindi pumapasok at walang paramdam samin, Hindi rin sya naka open sa f*******: kaya hindi namin talaga alam kung ano ang balita sa kanya hanggaang sa nagdesisyon na kamkng dalawa ni Miles na hanapin sya.
"Be sigurado kaba na dito sya nakatira?"
"Oo ito yung nakalagay sa f*******: nya at parehas lang sa address na nakalagay sa form nya na hiningi ko sa Adviser natin" -miles
Grabe kasi yung daan papunta kala Ryan ang putek at maraming tao nakakatakot tinginan palang makapanayo balahibo na.
Naglakad lakad pa kami ng konti at nagtanong tanong sa mga ilang taong nadadaanan namin hanggang sa makarating nga kami sa tapat ng bahay ni Ryan Nagkahiyaan pa kaming dalawa kung sino ang kakatok pero bandang huli ako nalang at sya nadaw ang magtatanong.
Pagkatok ko sa pintuan ay agad naman itong bumukas at bumungad samin ang isang babae na mas matanda samin.
"Sino po sila?" tanong ng babae
"Ah magandang umaga po, Nandyan po ba si Ryan? mga classmates nya po kasi kami" -miles
"Ganon ba? Sige pasok kayo tatawagin kolang ang kapatid ko"
Ah! ate nya pala haha akala ko nanay haha, Pero ang bait ng ate nya ha? Mayamaya ay lumabas si Ryan at nagulat pa ng makita kami.
"Ah anong ginagawa nyo dito?" -Ryan
"Nag-aalala kasi kami sayo kaya kami nandito, Ilang araw kana din kasing hindi pumapasok. Ano bang dahilan?" -Miles
"Ah eh ano,.Hindi na ako mag-aaral" -Ryan
Parehas kami ni Miles na nagulat sa sinabi ni Ryan, Kakapasok nya lang tapos hihinto na agad sya? Sayang naman kung ganon.
"Ha? bakit naman? sayang naman. Bakit ka naman Titigil?" Tanong ko sa kanya
"May sakit kasi ang mama namin, Dahil lahat kami may mga trabaho kaya si Ryan ang magbabantay sa mama namin" Singit ng ati nya sa usapan namin, At naglagay ng maiinom sa harap namin.
Nalungkot ako para kay Ryan dahil alam ko na gusto pa nyang mag-aral kaya lang naiipit sya sa sitwasyon nila ngayon.
"Pakisabi nalang sa mga prof natin, mag dadrop out na ako wala kasing mag-aalaga sa mama ko" -Ryan
"Sige sasabihin namin" -Miles
"Salamat pala sa pagpunta nyo dito ha? naappreciate ko yung effort nyo" -Ryan
"Syempre kaibigan kana din namin at nag aalala kami sayo"
After naming nag-usap ay nagpaalam nadin kami kay Ryan at sa ate nya na aalis na dahil papasok pa kami, Sinilip din namin ang mama nya at nakahiga lang sa higaan naawa tuloy ako sa kalagayan nila.
"Oh be bakit nakasimangot ka dyan?" -miles
Pagbukas ko kasi ng f*******: ng message sakin si Mark akala ko naman importante kaya nag madali akong buksan pero pagbasa ko sa chat nya.
Lumapit daw sa kanya si Tyrone at gusto akong makausap.
"Nag chat kasi sakiN si Mark, Kinausap daw sya ni Tyrone at gusto ako makausap"
"Nako be lumapit din sakin yan si Tyrone humihingi ng tulong kung pwede ka daw makausap" -miles
Ano bang gusto ng Tyrone nayon? at ginamit nya pa talaga ang mga kaibigan ko para lang makausap ako.
"Bahala sya dyan"
"Kausapin mona kaya para matapos na, Hindi din naman yan titigil hanggat hindi mo sya kinakausap" -Miles
Kahit labag sa puso ko ay nagreply ako kay Mark na pumapayag ako namikapag usap kay Tyrone, Ang sabi ko papunta na kaming school antayin nalang nya kami sa labas ng court.
Para matapos nato ay nakipag usap ako kay Tyrone pagdating ko sa labas ng court ay nandon sya naghihintay. Si Miles naman nagpaalam na sakin na mauuna na syang pumasok para makapagusap kami ni Tyrone.
"Salamat pumayag ka" -Tyrone
"Pakibilis nalang, May klase pa ako. Ano bang sasabihin mo?"
"Ang taray mo naman, Gusto ko nga lang magsorry sayo sa nagawa ko" -Tyrone
"Ano! Yun lang?"
"Nagsosorry ako sayo dahil ayaw kong isipin mo na bastos ako, At ayaw kong isipin ng ibang tao na wala akong modo" -Tyrone
Mukhang taos puso naman sya sa paghingi ng sorry.
"Okay apology accepted"
"Talaga? pano friends na tayo?" inabot nya yung kamay nya, Pero tiningnan kolang muna.
"Friend agad?"
"Haha ayaw mo ba? Andami kayang gustong maging kaibigan ako" -Tyrone
"Hindi naman, Alam mo gwapong gwapo ka sarili mo noh?"
"Haha totoo nga yung sabi ni Mark, ayaw mo sa mga gwapo" -Tyrone
Kita nyo? ang yabang noh? gwapong gwapo talaga sa sarili nya! OO gwapo sya pero kailangan talaga paulit ulit? narinig kuna eh.
"Sinabi nya yon?"
"Oo at ang sabi pa nya mababa daw ang taste mo sa mga lalaki at masyado daw akong gwapo para sayo" -Tyrone
Hala! Totoo kaya tong pinagsasabi ng lalaking to, Mamaya sinisiraan nya lang si Mark. Pero ang sakit non ha? haha
"Sinabi nya yon?"
"Oo sinabi nya talaga sakin yon" -Tyrone
Grabe naman si Mark sakin! anong gusto nyang sabihin? na walang magkakagusto sakin na lalaki? aba! porket may lovelife na sya gaganituhin nya ako!? how dare him!
"Anong pinaguusapan nyo?"
Nagulat ako ng biglang dumating si Mark, Wag na kayo magtaka kung bakit ako magugulatin kasi magugulatin talaga ako.
"Ah eh ito kasing si Tyrone niyaya akong kumain sa labas"
Lumapit ako Tyrone at hinawakan sya sa braso, Lord sana makisakay si Tyrone.
"Talaga?" -Mark
"Oo Tol niyaya ko yung Bestfriend mo" -Tyrone
Hayysss nakahinga ako ng malalim ng nakisakay si Tyrone akala ko hindi sya makikisama eh.
"Ganon ba? Sige ingat kayo, Basta ingatan mo yung Bestfriend ko" -Mark
"Oo naman Tol" -Tyrone
Pagkatapos non ay tumalikod na si Mark, Kah sya? hindi man lang ako binati! aalis agad? nagka lovelife lang isnabero na!
"Mark san ka pupunta?" sigaw ko sa kanya.
"May practice pa kasi kami kaya una ako" -mark
Nagbabye lang sakin si Mark at bumalik na sa Court.
"Wala na sya pwede muna akong bitawan"
Napabitaw ako bigla sa hawak sa braso nya huhu nakakahiya napatagal ata yung kapit ko, Baka isipin ng lalaking to na gustong gusto ko ang kumapit sa kanya.
"Ah eh sorry"
"Bakit mo nga pala sinabi sa Bestfriend mo na niyaya kita kumain sa labas?" -Tyrone
"Basta, Pero please wag mong sabihin sa kanya na niloloko lang natin sya"
"Sige pero Basta Friends nadin tayong dalawa" -Tyrone
Inabot nya muli sakin yung kamay nya at this time nakipag kamay na ako sa kanya mukha naman gusto nya talaga na maging magkaibigan kami eh, Wala naman sigurong masama kung papayag ako don.
MARK'S POV
Sabi ko na nga ba pinopormahan ng Tyrone nayon ang Bestfriend ko, Nagsinungaling pa talaga sya sakin kanina na wala daw syang gusto kay Dex, Eh ano palang ibig sabihin na kakain sila sa labas?
Napahawak nalang ako dahil sa tumama na bola sa ulo ko ang sakit.
"Mark! ano ba? Final Practice na natin to! Focus please! Focus!"
Nasigawan tuloy ako ng coach namin ng wala sa oras lutang kasi ako habang nagpapractice kami, Pinag break muna kami ni Couch ng ilang minuto para daw makapag refresh kami.
"Mark mukhang malalim ang iniisip mo ah? may problema ba? Babae yan noh?"
tanong sakin ng ka team ko. Ngiti nalang ang sinagot ko sa kanya.
"Nako Mark yang mga babae nayan wag mong dibdibin yan, Sabi nga sa kanta ng EX B ,HAYAAN MO SILA NA MAGHABOL SAYO" sabat ng isa pa.
Natawa ako sa mga pinagsasabi nila haha, Wala naman akong problema sa babae at wala akong problema kahit kanino. Iniisip kolang ang BestFriend ko.
After ng Practice ay nagbihis muna ako at sinundo si Sheena sa classroom nila, Recess na kasinat medyo nagugutom na ako.
"Sheena sunduin muna natin si Dex, pwede?"
"Sure, Kamusta pala practice nyo?" -sheena
"Ayon p*****n, laban na kasi namin bukas"
"Galingan mo ha? manunuod ako bukas" -sheena
Kinilig naman ako sa sinabi ni Sheena, Lalo akong gaganahan nitong maglaro kung papanoorin nya ako.
Pagdating namin sa room ay wala na si Dex nasa Canteen nadaw, kaya Dumiretso na kaming dalawa don pagdating namin don ay nakita ko si Dex na kasama si Tyrone at Miles at mukhang masaya silang kumakain.
Humanap nalang kami ng ibang pwesto ni Sheena at umorder nalang ako ng makakain namin.
"Mark ayos kalang ba?" -Sheena
"Oo, Bakit mo naman natanong?"
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh, Magpahinga kana muna kaya baka pagod lang yan" -Sheena
"Oo nga eh"
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko naiinis lang kasi ako na may ibang kasamang lalaki si Dex maliban sakin at sa papa nya at mukhang ang saya saya pa nya, Siguro nasanay lang ako na ako ang lagi nyang kasama dahil ako ang besffriend nya at wala talaga akong tiwala kay Tyrone.