CHAPTER 9

1763 Words
DEX'S POV Nakakatamad ngayong araw wala naman kaming pasok ngayon pero kailangan namin pumunta sa ibang school para lang manuod ng laban ng School namin sa basketball, Wala naman kasi akong hilig sa larong basketball ang hilig ko ay mga player, Char! haha kung hindi lang talaga dahil kay Mark hindi ako pupunta don nangako kasi ako sa kanya na manunuod ako ng laro nya. Ang problema kulang ngayon ay wala akong kasama papunta don, Dahil hindi makakasama si Miles may lakad daw silang pamilya At ang mama ko baka bungangaan na naman ako dahil manghihingi ako ng pera sa kanya kahit wala namang pasok haha. Pag bukas ko ng f*******: ay may message nadon si Mark. "Pumunta ka ha? Pagdika pumunta Lagot ka sakin" Diba tinakot pa nya ako? para naman may choice ako, Tumayo na ako para makapag asikaso nadin. Kainis wala kasi si Miles dipa naman ako sanay sa mga byahe haha. After kong maligo ay kumain ako para hindi na ako bibili sa labas para tipid haha, Nanghina na ako kay mama ng pamasahe at nagpaalam na ako sa kanya. Habang nasa Jeep ako ay may umakyat na  badjao ata yon? at may kasamang baby basta kung ano mang tawag sa kanila. Lumapit siya isa-isa sa mga pasahero at nagbigay ng sobre samin, Binasa ko yung nakasulat sa likod ng sobre. "Ako po ay humihingi ng konting tulong, Pangkain lang po" Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanila o hindi dahil kung talagang wala silang makain. Pano nila na afford ang madaming sobre? at take note ang ganda pa ng hand written mas maganda pa sa sulat ko ano kayang brand ng ballpen ang gamit nya? Pero sa huli ay nagbigay ako ng konting barya, Konti lang kasi wala din naman akong pera mahirap lang kami haha. Kahit sa ganong paraan man lang ay makatulong ako. Gamitin man nila sa tama o hindi bahala na ang Diyos sa kanila.. Dapat pala inagahan ko ang alis dahil Pashnea! Traffic! Malelate ako nito baka pagdating ko don tapos na sila. "Nag message ako kay Mark at sinabi kong nasa byahe na ako kaya lang traffic" Nagreply naman sya agad. "Sige ingat, Kita nalang tayo dito" -Mark Napangiti naman ako sa nabasa ko, Hehe enebe! Ang sweet kasi ni Mark pero bigla kodin na naisip na hindi lang pala sya sakin ganon pati den sa iba. Hagardouz na ako mga besh papunta palang ako pero mukha na akong uwian, Grabe na talaga ang init dito sa Pilipinas minsa naiisip ko pwede na akong mag ihaw sa bubong namin haha. Pag dating ko sa School kung saan maglalaro sila Mark ay tumakbo agad ako papasok dahil sigurado ako kanina pa nagsstart ang laro nila. Pero san ba ang court nila dito? kainis naman nagmamadali na nga ako eh, Nagtanong ako sa mga estudyante na nakasalubong ko at sinabi naman nila sakin kung saan. Pagdating ko sa Court ay ang ingay ng mga estudyante na nandon, Pagkita ko sa score ay lamang yung kalaban ng 8 na puntos. Hala! bakit tambak ng 8! anong ba ang ginagawa nila?! Tumawag ng Time out yung Team namin, Nakita ako ni Mark na nakatayo sa gilid kaya kumaway sya sakin at pinalapit ako nandon din si Sheena sa pwesto ng mga player. "Dex bakit ngayon kalang?" -Mark "Traffic nga diba? dika pa nasanay sa Pinas" "Nako Dex kanina kapa hinihintay nyang si Mark" -Sheena "Talaga?" "Oo kanina pa kita hinihintay, Kasi nga nangako ka sakin na manunuod ka diba? syempre inexpect ko na dadating ka" -mark Aww yun lang pala yon, Akala kopa naman kaya nya ako inaantay dahil sakin sya kukuha ng lakas para gumaling sa paglalaro. Bumalik na ulit sila sa gitna at nagsimula na ang laro, Nasa Team namin ang bola kaya todo hiyaw ang mga estudyante mula sa school namin, Pati si Sheena todo hiyaw din nagFlying kiss pa sa kanya si Mark. Aray ha? harap harap nila akong sinasaksak! huhu Pero hindi ako papatalo ako ang Bestfriend kaya dapat mataas din ang energy ko. "Hoooo!!!!!!!! Go Mark!!!!!!! kaya moyan!!! galingan mo!!!!" Napansin kong napatingin sakin yung ibang estudyante pati si Sheena at Mark para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga tingin nila. "Go Blue dragons! (name ng team namin) Kaya nyo yan!" Dinamay kona yung buong team para hindi halata haha. Nasa Team paden namin yung bola at sa kabutihang palad na shoot yon kaya nagsigawang kaming lahat, Grabe ang saya palang manuod ng basketball nakaka excite pala at first time in my life naging wild ako. Hawak ng kalaban ang bola at kasabay ng pagtalbog ng bola ay ang pagtibok ng puso ko. Nakakakaba din pala sya huhu. Habang nagdidrible yung kalaban ng bola ay naagaw yon ng isa sa Team namin at ipinasa kay Terrence kaya lang nang ishoshoot na ni Terrence ay kitang kita ng dalawang mata ko na sinadyang sikuhin si Mark ng kalaban, Naginit bigla ang dugo ko dahil sa ginawa nya! Sino sya para saktan ang Mahal ko! Este Bestfriend pala! "Hoy lalaking mukhang Tuko! dapat ang sinalihan mo ay wrestling hindi basketball! Dahil mapanakit ka!" Sigaw ko don sa lalaking nananiko, Tumingin tuloy sya sakin ng masama napaatras ako ng konti dahil nakakatakot sya tumingin parang sinasabi ng mata nya, AABANGAN KITA SA LABAS. Nagpatuloy paden ang karo at dalawang puntos nalang ang lamang ng kalaban at isang minuto nalang ang natitira. Yung Energy ko kanina ay biglang nawala dahil naka focus ako sa panonood grabe yung kaba ko kaya nagdasal ako na sana manalo kami. Si Mark halatang pagod na gusto ko muna sanang patigilin yung laro kahit saglit para makapag hinga sya. Nakay Mark yung bola kaya napatayo ako sa kinauupuan ko, Sa kanya naka salalay ang pagkapanalo ng Team namin kaya nagdasal talaga ako ng sobra. Tumira si Mark ng Tres kaya napapikit nalang ako natatakot kasi ako na baka hindi pumasok. Nagsigawahan lahat ng mga tao sa pagdilat ko nakita ko yung score lamang kami, Ibig sabihin Nashoot yung tira ni Mark. Lalapitan kona sana sya pero naunang tumakbo si Sheena at binigyan ng tubig si Mark at pinunasan yung Pawis nya, Wala akong nagawa kundi ang tingnan sila. Dapat masaya ako dahil panalo kami, Pero bakit ganon? bakit ang lungkot ko? Nagseselos na naman ba ako?, Siguro nga nagseselos ako dahil sanay ako na ako ang tumutulong kay Mark. Dahil sa mukha namang wala na akong papel dito ay nagdesisyon na akong umalis, Habang naglalakad ako may humarang sakin na lalaki at ang sama ng tingin. Sya yung lalaking naniko kay Mark. "Sinong mukhang tuko satin?! Ang tapang mo kanina ah! ano papalag kaba?" Grabe nakakatakot sya yung luha sa mga mata ko parang papatak na, Wala pa naman akong kakilala dito baka bigla akong bubugin nito. "Ah eh kuya Sorry po, Hindi kopo sinasadya ang mga nasabi ko kanina" "Hindi pala ah!" Nakita kong naka pwesto na yung kamay nya para suntukin ako kaya napapikit nalang ako at nagantay na masuntok, Pero wala akong naramdaman kaya napadilat ako Pagtingin ko nakita ko si Tyrone sinalag yung suntok na dapat tatama sakin. "Ito lang ba yung kaya mo? ang manakit ng taong walang laban sayo?" -Tyrone "Sino kabang pakialamero ka?" Susuntok pa sana yung lalaki pero naunahan sya ni Tyrone kaya napatumba sya sabay karipas ng takbo haha. Duwag pala sya eh! kanina ang tapang tapang nya tapos isang suntok lang ni Tyrone takbo na sya! "Bakit kaba kasi mag-isa? asan yung kaibigan mo?" -Tyrone "Hindi kasi pwede si Miles ngayon, Si Mark naman nasa Court pa kaya ako lang ang mag-isa" "Sa susunod kasi magiingat ka sa mga binibitawan mong salita, Dahil hindi lahat kayang sumakay sa mga sinasabi mo" -Tyrone Alam ko naman na mali yon, Pero nadala lang talaga ako sa emosyon ko kaya ko nasabi yon. "Oo nga eh, Pero salamat talaga" "Wala yon" -Tyrone Lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko, Kainis naman sya oh! Buhok talaga? ang hirap kaya mag-ayos ng buhok tapos guguluhin nyalang. "Hoy ano ba yung buhok ko!" "Haha nakakatawa ka talaga noh?" -Tyrone "Alam mo tuwang tuwa ka talaga kapag nabubwiset mo ako noh?" "Hindi naman, Natutuwa lang ako kasi masaya pala magkaroon ng kaibigan na tulad mo" -Tyrone Bakit ano ba ako? sabagay minsan lang siguro sya magkaroon ng kaibigan na kasing ganda ko, Yung gandang di mo inakala. Dahil sa hindi na ako nakabalik kala Mark ay nag iwan nalang ako sa kanya ng message baka kasi isipin nya na basta nalang ako umalis. Gusto ko sana syang batiin ngayon sa personal kaya lang naisip ko baka masaya pa sya kasama si Sheena kaya bukas nalang, Alam ko naman na kay Sheena sya kumukha ng lakas para magpatuloy sa laro. MARK'S POV Sobrang saya ko dahil nanalo kami akala ko talaga hindi papasok yung huling tira ko. Pagkapanalo namin ay lumapit agad sakin si Sheena at binigyan ako ng maiinom at pinunasan nya yung pawis ko, Inantay kong lumapit sakin si Dex pero wala. "Sheena asan si Dex?" "Si Dex? kasama kolang sya kanina eh pero bakit kaya biglang nawala yon?" -sheena Saan kaya pumunta yon? hindi pa naman nya kabisado yung lugar dito baka mapagdiskitahan yon ng ibang team. "Sheena sandali lang ha? hahanapin kolang sya, Dito ka muna pwede?" "Sure, Sige na hanapin mo na sya" -Sheena Tumakbo agad ako para hanapin si Dex nagaalala kasi ako baka kung mapano yon, Pero nang makita ko sya mukhang ayos lang naman sya kasama nya si Tyrone at mukhang masaya sila. Kaya naman nagdesisyon ako na balikan nalang si sheena dahil mukhang ayos lang si Dex. "Oh asan si Dex?" -Sheena "Ah eh nakauwe nadaw sya, Nagmamadali daw sya kaya hindi na nakapag paalam" "Ganon ba? sayang naman hindi sya makakasama sa celebration, Siya kaya yung pinakamalakas na sigaw kanina" -Sheena Napangiti nalang ako sa sinabi ni Sheena, Naalala ko tuloy yung reaksyon ni Dex ng masiko ako ng kalaban haha LT sya halatang gusto nyang sugurin yung nakasiko sakin, At dagdag pa yung pagchicheer nya sakin kaya lalo akong ginanahan sa paglalaro. After namin nanalo ay nang libre si Coach sa isang kainan at isinama ko si Sheena. "Mark napapansin ko kanina kapa tulala, May problema kaba?" Napansin siguro ni Sheena yung pagkatulala ko iniisip kolang kasi si Dex dati dati kasakasama ko sya sa mga ganitong selebrasyon sa buhay tapos ngayong nakilala nya lang si Tyrone hindi na sya sasama sakin. "Ah eh napagod lang siguro ako sa laro" "Nako mabuti pa umuwe kana para makapagpahinga kana din" -sheena "Pero pano ka? Ihahatid pa kita" "Wag na kaya kona ang sarili ko ang importante ngayon makapag pahinga ka" -Sheena Ang bait at maalalahanin talaga ni Sheena kaya lalo akong nahuhulog sa kanya. Pinauna ko munang makasakay si sheena bago ako sumakay pag bukas ko ng sss ay may message si Dex. "Congrats Mark!" Ayan yung message nya, Kahit maikli lang ramdam ko yung saya sa kanya at yung proud dahil na nalo ang Bestfriend nya. Nag reply lang ako sa kanya ng Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD