CHAPTER 10

1714 Words
DEX'S POV Habang busy ang lahat sa pagsisimula ng mga patimpalak dahil sa buwan ng wika, ako naman ay kinakabahan bwiset kasi si Mark eh! sya ang may kasalanan nito kung hindi nya sinabi kay sir na marunong ako sa spoken words hindi na sana ako kasali ngayon. Mabuti nalang din pumayag yung isa naming prof na iextend yung pasahan ng video na ginagawa namin dahil sa event nato. "Be ang lamig mo" Hinawakan ni Miles yung kamay ko, Grabe kasi ang kaba ko at pakiramdam ko tatawagin ako nang kalikasan anumang oras. "Kasi be kinakabahan ako huhu" "Wag kanang kabahan, nandito lang ako support kita atsaka manunuod si Mark diba? it is your time to shine" -Miles Isa payan Kaya lalo akong kinakabahan dahil manunuod si Mark, Naiisip ko palang na nandon sya umuurong na ang dila ko. Itong araw nato ang babago sa buhay ko. Hayss bahala na nga ano man ang mangyari alam kong ito talaga ang gusto ng tadhana na mangyari sakin. Pumunta kami ni Miles sa organizer ng event para kumuha ng number, Para malaman ang pagkakasunod sunod ng mga kasali sa spoken words, Yung kaba ko grabe sumasakit nadin yung tyan ko. Kinuha nung organizer yung bowl kung saan nakalagay yung mga numbers at grabe din ang pagdadasal ko na sana wag ko mabunot ang number 1, Kahit anong number wag lang 1. Pero sadyang mahina ako ngayon kay Lord dahil love na love nya talaga ako, Number 1 lang naman ang nabunot ko. Gusto kopa sana ulitin kaso bawal nadaw. "Okay nayan, ayaw mo non ikaw unang matatapos?" -Miles "Pero kinakabahan talaga ako" "Wag kang mag-alala marami kaming sumusuporta sayo" -Miles "Anong marami don? Eh dalawa lang naman kayo ni Mark ang gustong sumuporya sakin" "Ano kaba! ang dami kaya, Ako si Mark, Yung mga classmates at syempre yung mama mo" -Miles "Ha? si Mama?" "Oo mama mo, ,inimbitahan ko kasi sya na pumunta dito" -Miles "Ano!!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko non, pano kasi seryoso talaga sya na inimbitahan nya ang mama ko, Huhu lalo akong kakabahan nito. "Oh ayan na pala si Tita" -Miles Pagkalingon ko nakita ko si mama at yung ngiti nya abot tenga. Wow mas masaya pa sya kesa sakin at sinuot din nya ang bagong bili nyang damit pati yung mga alahas (Hindi mamahalin) nya na tinago sinuot nadin nya. "Anak hindi paba nag sstart?" -mama "Hindi pa ma, Mayamaya pa po konti" "Ano bayan akala ko late nako" -mama "Ma hindi ka late excited kalang" Sinabihan ko si Miles na samahan si Mama para makaupo na sya, dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na. Pero hinahanap ko si Mark hindi ko sya makita, Nagiwan nadin ako sa kanya ng message kaya lang hindi din sya nagrereply huhuhu asan naba yung lalaking yon?! ang sabi nya manunuod daw sya ilang minuti nalang kaya. Lalo akong kinabahan dahil hanggang ngayon wala paden si Mark. "Be ano na magsisimula na yung  kompetisyon" -Miles "Saglit lang Miles, May hinihintay pa ako" "Sino si Mark? halika kana duon mo nalang sya hintayin" -Miles Hinila na ako ni Miles papunta sa stage, pero inaalala ko paden kung nasaan si Mark nag Promise sya sakin na manunuod sya. "Be mag focus ka muna sa kompetisyon, Darating din yun si Mark baka na traffic lang yon" -miles Huminga ako nang malalim at pilit na pinalakas ang loob ko, Inisip ko nalang na nanonood si mama kaya kailangan kong galingan. Nagumpisa na ang kompetisyon at tinawag na ako ng announcer para pumunta sa harap. Para akong high sa sobrang kaba, Tiningnan ko ang mga tao sa harap ko at para akong nanliit sa kanila huhu lord kayo napong bahala. Mark asan kana ba? Sabi mo papanoodin Mo ako? bakit wala kapa? Dati kapag may ganitong kaganapan sa buhay ko ikaw ang nangunguna para soportahan ako. "Unang kandito maari kanang magsalita" Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ng annoucer. Nakailang tawag na pala sya sakin, Tumingin muna ako kung saan naka pwesto si mama at miles yung mga ngiti nila parang nagsasabing GO DEX! KAYA MOYAN! NANDITO LANG KAMI PARA SAYO. Dahil sa mga ngiti nila kahit papaano ay lumakas ang loob ko. Tinapat ko ang Mike sa bunganga ko at handa nang magsimula. "Ang Tulang ginawa ko ay Pinamagatan kong, PARA SA KAIBIGAN" Sa Milyong Milyong tao sa mundo Mapipili moba kung sino ang magiging kaibigan mo? Mapipili moba kung sino ang mamahalin mo?" Itutuloy kona sana yung pagsasalita pero bigla kong nakita si Mark at kasama nya si Sheena na nakahawak pa sa braso nya, Hindi ko alam kung bakit pero Naramdaman ko nalang na tumulo na pala ang mga luha ko. Lumingon ako kung saan nakapawesto sila Miles at nagtaka sila kung bakit ako umiyak. Para akong mamatay sa mga oras nayon, Oo nagselos ako kasi pakiramdam ko unti unti ng nawawala ang kaibigin ko at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang masabi sa kanya na mahal ko sya. Nang mga oras nayon ay hindi kona inisip ang sasabihin nang ibang tao, Tumakbo ako pababa ng stage para makalayo sa kanila hindi ko na kasi kayang mag panggap na okay ako kahit ang totoo ang sakit sakit na. Tumakbo ako palayo sa kanila at tumigil din kalaunan para ibuhos yung kanina kopang pinipigil na luha. Ganito pala masaktan? Akala mo katapusan na ng mundo at wala ka man lang nagawa, Pakiramdam mo wala kang silbi. "Dex bakit ka tumigil?" Nang marinig ko ang boses ni Mark ay pinunasan ko ang luha ko. "Umiiyak kaba?" -Mark "Hi-Hindi na puwing lang ako" Lumapit sakin si Mark at tinitigan ako sa mukha "Dex kaibigan mo ako alam kong umiiyak ka, Sabihin mo sakin kung anong problema makikinig ako" - Mark "Kahit sabihin ko sayo wala kading magagawa" "Kaya nga sabihin mo sakin para matulungan kita" -mark "Mark hindi mo ako matutulungan" "Dex, Ano ba talagang problema? nitong mga nakaraang araw napapansin ko naging malungkutin ka. Kaibigan mo ako ramdam ko yon kahit hindi mo sabihin" -mark "Kung talagang ramdam mo dapat alam mo nayon sa sarili mo!" Hindi kona napigilan ang hindi magtaas nang boses, Pakiramdam ko para akong bulkan na anumang oras pwedeng sumabog. "Ano bang sinasabi mo?! Naguguluhan na ako sayo pwede bang diretsohin mona ako" -mark "Gusto mo talagang malaman? MARK GUS----" Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating sila mama, Miles at Sheena. "Anak anong problema? Nagaaway ba kayong dalawa?" -mama Tumingin muna ako kay Mark bago sumagot kay Mama "Ma hindi po, Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko" "Ganon ba? gusto mo umuwe na tayo?" -mama Tumango lang ako kay mama hindi na ako nagpaalam pa kay mark at nagdirediretso nalang kami paalis, Sa susunod ko nalang siguro sya kakausapin kapag ayos na ako. MARK'S POV Nang makausap ko si Dex kanina alam kong nasasaktan sya, Pero hindi ko paden makuha ang point nya. Kung talagang may problema sya bakit hindi nya masabi ng diretso sakin? Pero siguro nga may karapatan din syang magalit sakin dahil nitong mga nakaraamg araw hindi kona sya madalas makasama dahil busy ako sa panliligaw kay sheena. "Mark ano kayang problema ni Dex?" -Sheena "Hindi ko din alam" "Siguro dapat puntahan mo sya sa bahay nila baka kasi nahihiya lang yon magsabi sayo" -sheena Napaisip ako sa sinabi nya, Tama sya dapat nga siguro makausap ko si dex baka makatulong ako para mabawasan kung ano namang problema nya ngayon. "Salamat Sheena ha?, Pasensya kana pati ikaw namomroblema din" "Syempre ang kaibigan mo, Kaibigan ko din. Ang mga taong mahalaga sayo Mahalaga din sakin" -Sheena Niyakap ko nalang sya ng mahigpit napa swerte ko dahil nakilala ko si Sheena napakabait nya at wala akong masabi sa ugali nya. Nang makita ko si Miles ay nagpaalam muna ako kay Sheena sandali. "Miles pwede kabang makausap?" "Tungkol saan?" -Miles "Tungkol sana kay Dex, Meron ba syang sinasabi sayo tungkol sa problema nya?" Napaisip muna sya saglit. "Kay Dex ka magtanong dahil sya lang ang makakaaagot sa lahat ng katanungan mo" Pagkatapos non ay tinalikuran na nya ako, Nacucurious na talaga ako sa mga nangyayari meron bang nangyayari kay Dex na hindi ko alam? Ganon naba katagal nawala ang atensyon ko sa kanya kaya wala akong alam? Ano man ang sagot sa mga katanungan ko dapat kausapin ko si Dex dahil tama si Miles sya lang makakasagot non. DEX'S POV Paguwi na paguwi namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. At pasalampak na humiga sa kama sabay yakap ng mahigpit sa aking unan. Itong unan nato ang laging saksi sa lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil nakikita nya kung paano tumulo ang mga luha sa mata ko, Sya ang sandalan ko sa mga oras na hindi kona kaya, sya ang gabay ko sa mga panahong gusto konang sumuko. Ang unan ko ang laging sumasalo sa mga luha ko. Hindi padin mawala sa isip ko ang eksena namin ni Mark, Muntik konang masabi sa kanya na Gusto ko sya Gustong gusto ko sya pero natigil lang ng dumating sila Mama. Naiinis ako sa sarili kasi ang tanga tanga at ang hina ko pagdating sa taong mahal ko. Gusto kong magalit pero wala akong magawa, Gusto kong sabihin sa kanya na Mahal ko sya pero hindi ko kaya. Hindi kona talaga alam ang gagawin ko, Ano kayang mukhang ihaharap ko bukas sa harap ng maraming tao pagpasok ko? Hayyss nagpatanong patong na ang mga iniisip ko at sumasakit na ang ulo ko at niisa don hindi ko alam kung paano ko susulusyonan. Pati mata ko ang sakit na dahil wala nang maipatak na luha, Nang marinig kong papasok si Mama sa kwarto ko ay nagtaklob agad ako ng kumot naramdaman ko nalang na tumabi sya sakin. "Dex ano bang nangyari kanina? bakit bigla kang tumakbo at hindi mo tinapos ang tula mo? May problema kaba anak?" -mama "Ma wala po, masama lang po talaga ang pakiramdam ko" "Anak mama mo ako, Ina ako kaya ramdam ko kung may problema ang isang anak o wala. Pero kung ayaw mo talaga sabihin sakin ayos lang lang pero kapag handa kana magkwento nandito lang ako para makinig" -mama "Sige po ma , salamat po" Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong mawala man ang lahat sakin hinding hindi ang pamilya ko. Napakaswerte ko kasi naiintindihan ako ni mama, Alam kong alam nya na may problema ako pero naghihintay lang sya na sabihin ko yon sa kanya. Bigla tumunog ang phone ko, Si Mark tumatawag sakin hindi ko alam kung sasagutin koba o hindi. Pero sa huli hinayaan ko nalang sya na tumawag wala kasi akong lakas ng loob ngayon para kausapin sya. Naka ilang missed call pa sya bago sya huminto kakatawag, Tiningnan ko yung mukha ko sa salamin at grabe yung mata ko namamaga kakaiyak, Ganito pala kapag Broken Hearted ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD