DEX'S POV
Akala ko kaya ko, Akala ko malakas na ako Pero hindi pa pala. Nakakaramdam padin ako ng sakit sa twing nakikita kong magkasama si Mark at Sheena, Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
Pagbukas ko kasi ng f*******: nakita ko agad yung picture na in upload ni Mark at magkasama sila ni Sheena.
Ang bigat ng pakiramdam ko at wala akong gana pumasok, Natatakot ako sa sasabihin ng iba nagkalat ako kahapon sigurado ako. Ako ang laman ng usapan sa buong school.
"Anak ayos kana ba? kung hindi pa magpahinga kana muna" -mama
Ngumiti lang ako kay mama, at nagtaklob ulit ng kumot.
Naguguluhan ako kung ano ang dapat kong gawin, Parang magkakasakit ako na ewan. Tumutulo na naman ulit ang mga luha sa mata ko, Kahit anong pigil ko ay wala akong magawa.
Si Mark naka ilang messages at tawag sakin pero ni isa hindi ko sinagot, Kahit si Miles hindi din ako nagawang makausap.
Bumangon ako at kinuha yung papel sa bag ko kung saan nakasulat ang tulang ginawa ko para kay Mark tinitigan ko muna yon bago punitin at ibato sa sahig.
Wala na rin sigurong saysay kung maririnig pa ni Mark ang tulang to, Hindi na din mababago ang katotohanan na may mahal na syang iba.
MARK'S POV
Nakailang tawag at messages nako kay Dex pero hindi paden sya sumasagot, Nag-aalala na tuloy ako sa kanya.
Pupuntahan ko nalang sya siguro mamayang uwian. Habang nagcecellphone ako ay pumasok si Kuya Jay-ar actually Gay sya pero kuya ang tawag ko sa kanya at magpinsan kami, off nya pala ngayon.
"Ang aga-aga nagcecellphone ka, Sino na naman yang ka chat mo?" -kuya
"Si Dex lang kuya. Pero ayaw nya sagutin eh"
"Ha? bakit naman? baka nagtatampo sya sayo" -kuya
Bakit naman nagtatampo sakin si Dex, Wala naman akong ginawa na makakasama kay Dex.
"Wala yong tampos sakin, Ang sabi nya lang may problema daw sya"
"Nako, Baka broken Hearted lang yon" -kuya
Napaisip ako sa sinabi ni Kuya, Pano kaya kung totoo ang sinasabi nya? Si Dex Broken hearted? kanina naman? eh wala namang boyfriend yon kung meron man dapat alam ko yon.
"Pano mo malalaman na broken hearted ang isang tao?"
"Simple lang, Titigan mo sya sa mga mata nya at malalaman mo ang sagot sa tanong mo. Kung hindi sya makatingin ng diretso sayo malamang broken hearted yon" -Kuya
Ang lalim ng hugot ni kuya haha siguro naranasan na nya ang mabroken hehe.
"Kakausapin ko nalang siguro sya mamaya kuya para hindi ako nagiisip ng kung ano-ano"
"Mas mabuti pa nga, Pag nakita mo sya sabihin mo punta naman sya dito pag day off ko para makapag bonding kami" -Kuya
"Sige kuya"
"Wait may itatanong pala ako sayo, Sino yung girl na kasama mo sa f*******:?" -kuya
Ay nakita na pala ni kuya haha kaka upload kolang yon kagabi, Hindi pa siguro nakikita ni mama.
"Ah eh kuya si Sheena po, Nililigawan ko"
"What!?!?!" -kuya
"Kuya wag mo muna sabihin kay mama ha? ano nalang magsasabi sa kanya"
"Nako malalaman nya din yan, Ayon pa mukhang f*******: din si tita eh haha. Pero seryos nang liligaw kana? nako binata na talaga ang pinsan ko" -Kuya
"Kuya binata naman na talaga ako ha?"
"Sayang naman" -Kuya
"Kuya anong sayang?"
"Akala ko kasi kayo ni Dex ang magkakatuluyan" -kuya
Muntik na akong mapabuga sa sinabi ni kuya haha saan naman nya nakuha ang bagay nayon? Kami Ni Dex magkakatuluyan? haha hindi kami talo non, BestFriend ko yon eh.
"Mapagbiro ka talaga kuya, Magkaibigan lang kami ni Dex. At wala nang hihigit don"
"Sabi mo eh, ikaw bahala" -kuya
Lumabas na sya dahil maglilinis nadaw sya nang bahay, Ako naman bumangon na para makapaghanda na din. Napangiti nalang ako sa mga salitang lumalabs sa bibig ni kuya haha.
Kung minsan talaga ang hilig nya magbiro.
Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari yon dahil kaming dalawa ni Dex ay magkaibigan lang at imposibleng magustuhan ako ni Dex, Mahilig sa gwapo yun eh haha.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay may kamay na tumakip sa mata ko, Napangiti ako kasi alam ko kung sino yon isa lamg naman ang mahilig gumawa sakin non.
"Dex, Alam kong ikaw yan. Wag munang takpan ang mata ko"
Bumitaw naman sya agad at pagharap ko ay medyo nagulat ako kasi hindi si Dex ang tumakip sa mata ko kundi si Sheena.
"Sheena? sorry akala ko si Dex"
"Ayos lang, Siguro nasanay kalang na si Dex ang gumagawa nyan sayo" -Sheena
Biglang lumungkot ang mukha ni Sheena at medyo na guilty ako. Akala ko talaga si dex yon, "Pasesnya na ha?"
"Wala yon. tara na baka malate pa tayo sa klase natin" -Sheena
Ngumiti nalang sya sakin pero alam kong kahit paano ay nasaktan sya. Hinatid ko siya sa classroom nila ako naman ay pumasok nadin.
Pagpasok ko ay yung pwesto agad ni Dex ang tiningnan ko kaso wala sya bakante yung upuan sa tabi ni Miles.
Lumipas ang ilang mga subjects ay walang Dex na dumating, Bakit kaya hindi sya pumasok? Hindi tuloy ako mapakali kailangan kona talaga syang makausap.
Nang mag recess ay sinundo kona si Sheena para makakain kami.
"Mark Sigurado kang okay kalang?" -Sheena
"O-oo naman"
"Ang lalim kasi nang iniisip mo, Siguro mabuti pa bumili na tayo" -Sheena
Buong maghapon hindi kami nakapag usap ng maayos ni Sheena, Inaalala ko kasi ang kalagayan ni Dex.
"Sheena promise babawi ako sayo, Iniisip ko lang kasi si dex alam mo naman siguro yung nangyari kahapon diba?"
"Wag kang mag-alala Mark naiintindihan kita, Syempre bago ako dumating sa buhay mo si Dex ang kasama mo, Sya yung laging nandyan kapag kailangan mo ng tulong. kaya ayos lang sakin na isipin modin ang kaibigan mo" -sheena
"Salamat talaga"
Mabuti nalang talaga at malawak ang pag-iisip ni Sheena at naiintindihan nya ang sitwasyon ko
Nang mag-uwian ay nagsabi ako kay Sheena na hindi ko muna sya maihahatid dahil bibisatahin ko si Dex ngayong gabi para malaman kona kung ano ba talaga ang problema nya.
DEX'S POV
Buong maghapon lang ako naka stay sa kwarto, Dito nadin ako kumain.
Nang maghapunan ay nagdesisyon na ako na sumabay kala mama at papa na kumain, Ayoko din naman na mag-alala sila sakin.
"Anak kumain kana dyan" -Mama
Umupo ako sa gilid nila mama at habang kumakain kami ay may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya yon? Baka bisita lang nila mama.
"Gabi na ah? sino kaya yon?" -papa
"Ako na ang magbubukas" -mama
Tumayo si mama para buksan ang pintuan at pagbukas nya ay si Mark pala yon, Bigla akong kinabahan na ewan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko huhu.
"Magandang gabi po" -mark
"Mark ikaw pala yan, Halika ka dito sumabay kana samin" -Papa
Lumapit si Mark samin at tumabi sya sakin hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, Kumuha si mama ng plato at sinandukan si Mark. Hindi ito ang unang beses na nakasabay namin si Mark na maghapunan, Madalas kasi sya dito samin dati.
Sabay sabay kaming kumain na parang walang problema, Binilisan ko ang pagkain dahil hindi ko kaya na makasama si Mark para akong mahihimatay sa bilis ng t***k ng puso ko.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay pumunta agad ako sa kwarto, Ilang saglit lang ay sumunod si Mark.
OMG! Anong gagawin ko? Umayos ako at umaktong ayos lang ang lahat.
"Dex kamusta ka?" -Mark
"Ayos lang naman bakit mo na tanong?"
"Nag-aalala kasi ako sayo kahapon pa, Sinusubukan kitang tawagan pero hindi mo sinasagot" -mark
"Ah eh kasi, Baka tulog ako ng tumawag ka"
"Dex kaibigan mo ako, Pwede kang magsabi sakin kung may problema ka baka matulungan kita" -mark
"Mark ayos na ako, Salamat sa pagpunta mo"
"Dex sana simula ngayon bumalik na tayo sa dati ha? namimiss kona kasi yung dating Dex, Yung Dex na Masiyahin at Maingay" -Mark
"Bakit masiyahin parin naman ako ha? tingnan mo"
Ngumiti ako ng pagkalaki laki para ma convince ko sya na masiya talaga ako.
"Ayan ngumingiti kana ulit, Bagay sayo yan" -mark
Lumapit sya sakin at kinurot ako ng malakas sa pisngi.
"Aray!"
"Hahaha namiss ko yung kulitan natin" -mark
Tanga na kung tanga, Martir na kung Martir, Marupok na kung Marupok pero lahat ng sakit na ginawa ni Mark ay napalitan dahil sa simpleng bagay na ginawa nya ngayon, Wala eh Mahal ko sya anong gagawin ko? sabi nga ng iba "Pain is a part of life But suffering is Optional"
At ito yung option na pinili ko, Masaktan man ako atlis sumaya ako.
"Mark kamusta na kayo ni Sheena?"
"Kami ni Sheena? haha wag na muna natin sya pag-usapan. Pagusapan natin ang tayo" -mark
" Tayo?"
"Oo tayo, Yung tungkol sa friendship natin ang tagal na kasi nating hindi nakakapag bonding, Gusto mo gala tayo?" -mark
"Wala akong pera eh, next time nalang"
"Kuripot mo talaga, Libre kita" -mark
"Kelan ba? ngayon naba? wait magbibihis lang ako"
"Haha sa weekend pa! ngayon talaga eh gabi na" -mark
"Haha Joke lang! Ito naman hindi mabiro"
"Ayan tumatawa kana, Sa susunod kasi kung may problema ka sabihin mo sakin ano pang silbi ko bilang kaibigan mo?" -mark
"Oo na, Thank you po"
"Yung video natin kelan ba natin uumpisahan? malapit na pasahan non" -mark
"Kainis ka kasi dapat tapos nayon eh kaso wala kapa palang sasabihin"
"Haha sorry na hahaha, Pano papasok kana ba bukas?" -mark
"Oo papasok na ako, Sayang yung mga activity na wala ako ayokong bumagsak no baka bungangaan ako ni mama"
"Alam mo sayang talaga yung laban mo kahapon Full support pa naman kami, Tutal hindi mo natuloy yung Spoken words mo pwede bang iparinig mo sakin ngayon?" -mark
Hala! Seryoso sya? gusto nyang marinig yung tula ko OMG anong gagawin ko!!!! I am not ready!!
"Ah eh pwedeng sa susunod nalang? wala kasi ako sa mood ngayon eh"
"Sayang naman, Sige sa susunod ha? basta gusto ko ako ang unang makakarinig nyan" -mark
"Yes boss, Promise ikaw ang unang makakarinig"
"Buti naman, dapat siguraduhin mong masa satisfy ako" -mark
Satisfy talaga? ni hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction nya huhu baka yung friendship na iniingatan ko ay bigla nalang mawala na parang bula.
Ilang oras pa kaming nagusap ni Mark bago sya nagpaalam sakin na uuwi na dahil gabi na at baka hinahanap nadin sya ni Tita Rose, Nang mga oras nayon ay wala akong sakit na nararamdaman napalitan lahat ng kilig at saya alam kong mali pero naisip ko na sana kami nalang lagi, Na sana ako nalang ang dahilan kung bakit masaya si Mark.