DEX'S POV
Maaga ako nagising dahil naging maganda ang tulog ko (10 am na talaga yon haha ayun na pinaka maaga para sakin), Salamat sa pagpunta ni Mark ay gumanda ang pakiramdam ko.
"Anak mukhang maganda ang gising natin ha?" -mama
"Syempre maganda ako" biro ko kay mama
"Gutom kaba Dex?" -mama
"Oo ma"
"Kumain kana dyan, Kung ano-ano na kasi ang sinasabi mo" -mama
Pumunta nalang ako sa kusina para mag-almusal, Si mama talaga kahit kailan hindi sinasakyan ang mga biro ko haha. Pero pag sya ang nagjojoke todo support ako sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay nag f*******: muna ako, May Friend request sakin si Tyrone.
Iaaccept ko ba o hindi? Syempre inaccept ko haha. Tapos ilang segundo lang ay nag chat sya sakin ang sabi nya "Hi Dex! Salamat sa pag accept!" Hindi ko sya nireplyan inshort seenzone sya sakin haha tapos nag chat ulit sya.
"Ouch! Seenzone, Sakit naman"
Ano kayang problema nitong lalaki nato? wala ba syang kachat? boring ba ang buhay nya at kinukulit nya ako, Para matapos na nireplyan kona sya at naka CAPSLACK PA PARA DAMA HAHAHAH.
"BORING BA BUHAY MO?" tanong ko sa kanya.
"Hindi" reply nya agad.
"HINDI NAMAN PALA EH"
Pinatay kona yung Data para hindi na sya makapag chat sakin, Hindi naman sa ayaw ko sa kanya medyo hindi lang kasi maganda ang unang impresyon ko sa kanya at higit sa lahat malaki ang kasalanan nya sakin! DAHIL NINAKAW NYA ANG FIRSTKISS KO! para dapat yun sa taong mahal ko eh (KAY MARK) huhuhu.
TYRONE'S POV
Nakakatawa talaga tong si Dex napaka mainitin ang ulo haha muntik pa ako ma seenzone.
"Tol bakit ka nakangiti dyan, Sino yang kachat mo"
Biglang inagaw ni David (Tropa ko) yung phone ko, At nakiusyoso nadin yung dalawa kopang tropa na sina Christian at Arvin.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin dahil napag usapan namin na maagang pumasok, Mga kaklase din namin sila ni Dex.
"Akin na nga yang phone ko!" sigaw ko sa kanila
"Ayyiiee ka chat mo pala si Dex ha?" -David
"Ano naman!?"
"Haha bakla na pala ang mga gusto mo ngayon ha? pano na si Nicole (Girlfriend ko) nyan?" -Christian
"Tssk pwede ba tigilan nyo ako sa mga kalokohan nyo, Classmate lang natin si Dex yun lang yon pero si Nicole mahal koyon"
"Talaga ba?" -arvin
Nagtawanan pa silang tatlo at parang may sinend si David na kung ano kaya tumayo ako at inagawa sa kanila yung cellphone ko. Laking gulat ko ng nakita kong sinend nila yung picture ko kay Dex na naka topless at may nakasulat pang "Sayo lang ako".
Yung dugo ko biglang umapaw sa ulo ko, pasalamat sila mga tropa ko sila kung hindi baka kanina kopa sila binigwasan.
"Mga G*g* kayo! nag send pa talaga kayo! baka kung anong isipin non tsssk"
"Sorry na Tol, Dina mauulit" -Arvin
"Talagang hindi na, Dinyo na mahahawakan tong Cellphone ko"
"Pero maiba tayo bakit monga ka chat si Dex? Pano si Nicole break na kayo?" -David
"Wala nga lang yon! Mahal ko si Nicole may problema lang kami pero di kami magbebreak"
"Osige na naniniwala na kami" -David
Lumapit ako sa kanilang tatlo at pinagbabatukan sila para maalog naman puro nalang kasi kalokohan ang alam.
May Girlfriend ako Si Nicole at mahal na mahal ko sya kahit hindi nya ako kayang ipakilala sa pamilya, mga kaibigan nya at sa ibang tao.
Mga piling kaibigan lang ang nakakaalam sa relasyon namin dahil ayaw nya talaga malaman ng iba dahil baka mapatay daw sya ng papa nya, At nitong nakaraan lang ay sinabi nya sakin na maghiwalay na muna kami.
...................................FLASBACK....................................
"Nicole ano bang paguusapin natin?"
"Tyrone nahihirapan na ako sa sitwasyon natin" -Nicole
"Nicole hindi lang ikaw ako din naman, Bakit ba kasi ayaw mong samahan kita sa bahay nyo para masabi natin sa papa at mama mo ang tungkol satin"
"Hindi pwede Tyrone! Hindi pwede!" -nicole
"Bakit hindi pwede sabihin mo sakin!"
hindi kona din napigilan ang magtaas ng boses, Hindi ko kasi alam kung bakit ayaw nya ako ipakilala sa iba lalong lalo na sa mga magulang nya bilang boyfriend nya.
"Tyrone ayoko kanang mag explain, Please lang pabayaan mo muna ako" -Nicole
"Ano bang gusto mong mangyari?"
"I want space!" -Nicole
Tinalikuran nya ako at bago pa sya makaalis ay hinawakan ko sya sa kamay pero hindi sya nagpapigil sakin, Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan syang umalis.
Ano bang nagawa ko at nagkaganito kami? Minahal kolang naman sya.
.
.........................END OF FLASHBACK...........................
Biglang tumunog yung phone ko may nagmessage sakin, Pagtingin ko si Dex WTF! nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na hindi ako ang nagsend non, Kasalanan to ng mga mokong nato.
"HOY LALAKI KUNG MANGTITRIP KA WAG AKO! AKALA MO NAMAN INTERESADO AKO SA KATAWAN MO?! ANG KAPAL MO!"
Kahit message lang yon ramdam ko yung inis nya sakin, Kasalanan talaga to nila David eh.
Nagmadali tuloy akong pumuntang school para makita si Dex, Hindi naman kasi ako bastos na tao at ayaw ko namay naiinis o nagagalit ng dahil sakin.
DEX'S POV
Masaya akong naglalakad papuntang school kahit merong konting kaba dahil sa eskandalong nangyari noong nakaraang araw.
Pagtingin ko sa phone ko nagmessage na naman si Tyrone, Kainis talaga tong lalaki nato! Hindi naba nya talaga ako titigilan?
Binuksan ko nalang yung message para matapos na at nagulat ako kasi nag send sya sakin ng TOPLESS!!!!!!!!! OMG MY VIRGIN EYES!!! tapos nakalagay pa Sayo lang ako, Yung dugo ko umakyat lahat sa ulo ko at nireplyan ko sya, Grrrr pagnakita ko talaga yung lalaking yon humanda sya sakin.
Habang naglalakad ako ay narinig kong may tumawag sakin paglingon si Tyrone kaya binilisan ko ang paglakad pero nagulat nalang ako ng masundan nya ako.
"Dex, Hindi ako ang nagsend non" -Tyrone
Hindi ko paden sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad pero sinundan padin nya ako at hinawakan ako sa kamay.
"Bitawan mo nga ako"
"Di kita bibitawan hanggat hindi mo ako kinakausap" -Tyrone
"Ano bang problema mo? Trip mo talaga ako noh?"
"Hindi nga kasi ako ang nagsend non" -Tyrone
"Oo na hindi kana, bitawan mo na ako"
"Anong nangyayari dito? Bakit hawak niya yung kamay mo?"
Nagulat ako kasi hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si Mark at Mag kasama sila ni Sheena, Para akong binuhusan ng tubig huhu anong sasabihin ko sa kanya.
"Ah eh-----"
"Niyaya kolang ang kaibigan mo na lumabas sa weekend" -Tyrone
What!!!!!! ano bang sinasabi nitong lalaki nato?? Tumingin sakin si Mark at parang nagaantay nang sagot kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Tyrone, Grabe yung t***k ng puso ko parang gusto ng lumabas sa katawan ko.
"Ah eh oo niyaya nya ako"
Gusto kong sampalin yung bunganga ko dahil bigla nalang ayan ang nasabi ko.
"Ganon ba? Diba lalabas din naman tayo sa weekend Dex? Gusto mo tayong apat nalang?" -Mark
Mark naman! kainis ka! dapat tayong dalawa lang yun eh bwiset kasing Tyrone nato eh laging umieksena walang magawa sa buhay kaya nang iinis nalang.
"Oo tama yon parang doubledate" -Tyrone
Sinamaan ko nang tingin si Tyrone pero hindi ko pinahalata kala Mark.
"Maganda yon! Omg mukhang masaya yon ako at si Mark, Si Dex at si Tyrone" -Sheena
"Oo nga Maganda yon"
Sumangayon nalang ako sa kanila mukhang wala na kasi akong choice kundi ang pumayag. Doubledate? ni minsan diko pa naranasan ang makipag date.
"Dex una na kami ihahatid kopa si Sheena sa klase nya" -Mark
"Sige"
Nang makaalis sila Mark ay humarap ako kay Tyrone at ang loko naka ngiti pa.
"Bakit mo sinabi yon?"
"Ang alin?" -Tyrone
Grabe sya nagka amnesia agad? iumpog ko kaya ang ulo nito sa pader ng makaalala sya.
"Bakit mong sinabi na lalabas tayo?"
"Yun ba? haha mabuti nga sinalo kita eh" -Tyrone
Salo? bakit nahulog ba ako? pektusan ko kaya to sa sikmura ng matigil na.
"Tapos kana? papasok nako, pwede? hiyang hiya naman kasi ako sa panghaharang mo"
"Bakit kasi hindi po sabihin na gusto mo sya?" -Tyrone
Paalis na sana ako pero natigil ako dahil sa sinani nya at hinarap ko ulit sya.
"Anong sinasabi mo?"
"Alam mo Dex mga tingin mopa lang kanina alam kong may gusto ka sa kaibigan mo" -Tyrone
"Lakas talaga ng tama mo noh? kung ano ano nalang kasi ng sinasabi mo"
"Bakit totoo naman diba? may gusto ka kay Mark, Na kaibigan mo?" -Tyrone
"Wala akong gusto sa kanya, Mag kaibigan lang kami"
Mukhang hindi kona sya macoconvince dahil alam na nya na may gusto ako Mark, Sa bagay sino ba naman ang hindi makakalam eh halos lahat na nga ata ng mga estudyante dito ganon ang iniisip dahil lagi kaming magkasama ni Mark.
Akala ko aasarin pa nya ako pero bigla nya akong niyakap at nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko, WHAT THE ano bang ginagawa nya?????? pinilit ko syang inusog pero mahigpit ang yakap nya.
"Nakikita moba yung babae sa gilid natin?" -Tyrone
"Ha babae? sinong babae?"
Nilingon ko yung sinasabi nya at may nakita akong grupo ng mga babae na nagkwekwentuhan at nakatingin samin.
"Yung mga babae na naguusap, Yung maganda na nakatayo na mahaba ang buhok" -Tyrone
Nakita ko yung sinasabi nyang babae at nakatingin sya samin ni Tyrone, Sino kaya sya.
"Bakit ba sino bayon?"
"Sya yung Girlfriend ko" -Tyrone
Wow may Girlfriend pala tong lalaki nato? buti may nagtyaga sa kanya hahahaha. Umalis naman agad yung mga babae, naiilang na ako sa pwesto namin ni Tyrone may dumadaan nadin kasing mga estudyante.
"Nakitingin paba sya?" -Tyrone
"Ah eh hindi na kasi umalis na sila"
Kumalas na si Tyrone sa pagkakayakap sakin, Grabe na talaga ang mga nangyayari ngayong araw hindi ko kinakaya.
"Dex sorry ha?" -Tyrone
"Ayos lang, kung Girldfriend moyon bakit mo ako niyakap na alam mong makikita nya?"
"Nakipaghiwalay muna sya sakin dahil gusto nya daw ng space" -Tyrone
Biglang naging malungkot yung mukha ni Tyrone, Kanina naiinis pa ako sa kanya ngayon bigla akong naawa.
"Baka kasi kailangan nya talaga ng space"
Alam kong wala akong karapatang magsalita dahil wala naman akong alam sa kanila pero ewan koba sa bunganga ko bigla bigla nalang nagsasalita.
"Ganon bayon? Diba sa isang magkarelasyon dapat sabay nyong aayusin kung ano mang problema nyo?" -Tyrone
Wala akong nasagot sa tanong nya dahil hindi kopa naman naranasan ang makipagrelasyon, Pero posible kasing may rason din yung Girlfriend nya kaya kailangan nya ng space sa kanila.
"Wag mo nang sagutin, Hindi mo naman problema yon. Tara na? baka malate na tayo" -Tyrone
Hinawakan ni Tyrone ang kamay ko papunta sa room namin, Hindi na din ako nakaangal dahil ayaw kong makadagdag sa iniisip nya.
"Tyrone?"
"Bakit?" -Tyrone
"Kasi alam mona, Nakita tayo ng Girlfriend mo, Baka mamaya magulat nalang ako may hihila na sa buhok ko at kakaladkarin ako"
"Wag kang mag-alala hindi ko naman hahayaang gawin nya yon sayo" -Tyrone
"Talaga?"
"Oo naman syempre kaibigan nadin kita at ayaw ko na magkaroon ng gulo ng dahil sakin, Pero may Favor lang ako sayo" -Tyrone
"Ano yon?" -Tyrone
"Kung pwede lang sana hayaan mo na maging close tayo, Gusto kolang kasi malaman kung magseselos ang Girlfriend ko at kung gaano nya ako ka mahal" -Tyrone
Aba! gagamitin nya pa talaga ako pamain sa Girlfriend nya mamaya amazona pala yon at mabugbog pa ako ng wala sa oras, Pero naawa kasi ako kay Tyrone kung hihindi ako. Mukhang mahal na mahal nya talaga ang girlfriend nya.
"Sige papayag ako, Pero sana wag modin sasabihin kay Mark yung nalaman mo, ano Deal?"
"Sige ba, Deal ako dyan" -Tyrone
Sabay na kaming pumasok ni Tyrone at nalate kami nang 10 minutes pinagalitan tuloy kami sa harapan, Tiningnan ko si Mark at nakatingin lang din sya sakin.
Ano na naman batong pinasok ko ngayong araw? Sana lang talaga kayanin ko, Hindi kopa nga maamin kay Mark na mahal ko sya tapos eto na naman may bagong problema edi ako na STRONG!