DEX'S POV
Hindi ako makatulog dahil paulit ulit sumasagi sa isip ko yung sinabi sakin ni Mark na may nililigawan na sya, Gusto kong umiyak ng malakas pero hindi ko magawa dahil ayokong marinig ni Mark.
Ganito pala yung Feeling na nasasaktan dahil may mahal na iba yung mahal mo, Parang dinudurog yung puso mo at gusto mong magalit pero dimo magawa.
Humarap ako kay Mark dahil alam kong tulog na sya, Tinitigan ko yung mukha nya.
Pero bago paman ako masaktan ng lubusan ay tumalikod na ako sa kanya at natulog nalang.
Nagdasal na sana bukas wala na yung sakit, Na sana panaginip lang ang lahat ng ito.
Maaga talaga ako nagising para hindi na ako maabutan ni Mark ayoko kasing makita nyang namumugto yung mata.
"Dex, Uuwe ka na ba? Hindi kaba magaalmusal? Si Mark gising naba?" -Tita Rose
"Hindi napo tita, Kailangan kona po kasi umuwe ng maaga para makapagpalit nako. May pasok pa po kasi kami mamaya. Si Mark po humihilik pa"
"Ganon ba? Sandali bakit parang namamaga yang mata mo umiyak kaba?" -Tita Rose
OMG! napansin pala ni Tita huhu, dapat pala bago ako bumaba inayos ko muna yung sarili ko.
"Medyo na puyat lang po ako tita" palusot ko sa kanya
"Talaga kayong nga kabataan oh, Laging nagpupuyat. Oh sya sige na mag-ingat ka ha" -Tita Rose
"Sige po tita, Bye"
Nakipagbeso beso muna ako kay Tita Rose bago umalis.
Sa Totoo lang, Wala talaga akong gana pumasok ngayon. Naiinis ako sa sarili kasi kahit anong bura ko sa isip ko nang mga sinabi ni Mark ay hindi ko magawa.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng Jeep ay may nakita akong dalawang pusa na parang naglalambingan.
"Edi kayo na masaya, Kayo na yung May Love life. Ako na wala"
Para akong tangang nagagalit sa mga pusang naglalambingan, huhu pati sa pusa naiinggit ako.
MARK'S POV
Nagising nalang ako na wala na sa tabi ko si Dex, Tiningnan kopa kung nasa Cr sya kaso wala, Wala nadin yung gamit nya. An aga naman nya umuwe? at hindi man lang nagpaalam sakin talaga tong si Dex kung minsan tinotopak haha tatanungin ko nalang sya pag nagkita kami sa school mamaya haha.
Bumaba ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom.
"Anak kumain kana don, Ikaw nalang maghain sa sarili mo" -mama
"Sige ma, Napansin nyo po bang umalis si Dex kanina?"
"Oo nagpaalam sya sakin ang himbing daw kasi ng tulog mo kaya hindi kana nya ginising. Nag-away ba kayo ni Dex?" -mama
Medyi nagtaka ako sa tanong ni mama. Bakit naman kami mag-aaway ni Dex.
"Hindi po ma, Bakit poba?"
"Kasi kanina bago sya umalis parang namumugto yung mata nya ang sabi nya puyat lang daw sya pero bakit ikaw hindi naman" -mama
Wala naman akong naalalang umiyak si Dex kagabi, Baka nga puyat lang sya si mama talaga masyadong mausisa.
"Tatanungin ko nalang po sya mamaya pag nagkita kami"
Kainis naman si Dex oh umuwe agad maguusap pa nga sana kami kung paano ko liligawan si Sheena, Wala kasi akong masyadong alam sa mga romantic na ligawan kaya nagpapatulong ako sa kanya.
Pagdating ko sa school ay hinanap ko agad si Dex pero wala paden sya kaya nagtanong ako kay Miles baka alam nya.
"Miles asan si Dex?"
"Ewan ko, Diba kayo ang magkasama?" -miles
"Kagabi oo, Pero ngayon hindi na maaga kasi syang umuwe kanina eh"
"Baka late lang yon antayin mo nalang" -Miles
"Sige antayin ko nalang"
Bumalik ako sa upuan ko, Ichachat ko nalang sya kung nasan sya pero pag open ko na offline naman sya. Asan na kaya yon? magsstart na yung First subject namin.
Inisip ko nalang na baka natraffic yon pero hanggang sa natapos ang first at second subject namin ay walang Dex na dumating. Nag-alala ako bigla kay Dahil hindi yon basta basta umaabsent pwera nalang kung may sakit yon.
Pinuntahan ko muna si Sheena sa room nila dahil gusto ko sya na makasabay sa pagkain.
"Oh Mark bakit?" -sheena
Boses palang ni Sheena natatameme nako.
"Ah eh pwede kabang makasabay sa pag recess? libre ko"
"Talaga? sige ba haha, Kahit wag muna ako ilibre" -sheena
Grabe ang ganda na nga ang bait pa kaya hindi ako nagtataka kung bakit ako nagkagusto sa kanya, Sya kasi yung tipo ng babae na simple lang at talagang gugustuhin mo.
Sabay kaming pumunta ni Sheena sa Canteen at nakita ko si Miles at Ryan na magkasama na nagrerecess kaya lumapit kami sa kanila.
"Mark sino yang kasama mo?" -Ryan
"Sya pala Sheena, nasa kabilang section lang sya"
"Talaga? bakit kayo magkasama?" -Miles
Sasabihin koba kay Miles na itong kasama kong babae ay nililigawan ko.
"Kasi ano, Nililigawan ko sya"
"What!" -miles
Nagulat ako kasi biglang napatayo si Miles nagtinginan tuloy samin yung ibang mga kumakain.
"BakiT Miles may problema ba?"
"Wala haha, Alam naba to ni Dex?" -Miles
"Oo alam na nya kagabi kolang din sinabi sa kanya".
Tumango nalang si Miles at nakisabay na kami sa kanila kumain. Nakipagkilala din sa kanila si Sheena masaya ako kasi nakagaan agad ni sheena yung ilan sa mga kaibigan ko.
Pero ang gusto nyang makilala ay ang bestfriend ko.
"Sayang wala si Dex ngayon, Gusto ko pa naman syang makilala" -sheena
"Oo nga eh pero baka bukas papasok nayon nako pag nakikilala matutuwa kadon, ang saya saya nya kasama at hindi ka maboboring"
"Talagang close kayo noh?" -sheena
"Oo close talaga kami, para na nga kaming magkapatid non eh"
"Alam mo Mark kakaiba ka kasi isa ka sa mga nakilala ko na may BestFriend na bakla" -Sheena
"Bakit wala naman masama kung magkaroon ng kaibigan na bakla ang isang lalaki, Nakilala ko si Dex dahil sa mabait sya kaya napakagaan ng loob ko sa kanya at marami kaming pinagsamahan"
"Ang swerte ni Dex sayo" -Sheena
"Mali ka ako ang swerte sa kanya, Dahil sa kanya hindi ako napunta sa mga maling tao dahil lagi syang nandyan para payuhan ako lagi syang nandyan kapag kailangan ko ng tulong. Kaya napaka swerte ko na nakilala ko sya"
Pagbalik balik tarin man ang mundo, si Dex paden ang pipiliin ko na maging BESTFRIEND.
DEX'S POV
Sa lahat ng sakit na naramdaman ko ito na ata yung pinakamalala, dahil ultimo pagkilos diko magawa.
"Ano hindi ka papasok? nako Dex dyan nag uumpisa yung pagbubulakbol. Sabi ko na nga ba dapat hindi ka muna nagcecellphone"
"Ma naman umabsent lang po ako, mag aaral pa naman po ako at hindi ako magbubulakbol"
"Dapat lang alam mo naman na edukasyon nalang ang mapapamana namin sayo ng papa mo, Sige na magpahinga kana dyan" -mama
Dinakdakan na naman ako ng nanay ko dahil hindi ako pumasok kanina, Akala ko nga linggo kanina eh dahil ang haba ng misa ni mama.
Kung isa isa hin ko ay baka makagawa na ako ng libro haha pero alam ko naman na lahat ng yon ay dahil sa mahal lang ako ng mama ko.
Maghapon lang ako nakahiga sa higaan ko dahil sumama nadin ang pakiramdam ko, Kahit nasa bahay ako ay yung isip ko nasa school paden..Ano kayang ginagawa ni Mark?
Nag aalala kaya sya na hindi ako Pumasok?
Naalala kaya ako ni Mark?
Kainis! Sinambunutan ko yung sarili ko dahil hindi ko padin makalimutan si Mark!
Lord kahit ngayon lang po please huhu gusto ko muna makapahinga yung isip at puso ko.
"Anak nandito yung kaibigan mo"
Rinig kong sigaw ni mama kaya napa bangon ako, Si mark siguro yon! Pero paglabas ko ay nakita ko si Miles kaya niyaya ko sya sa kwarto ko.
"Bakla ka bakit hindi ka pumasok?" -Miles
"Ah eh masama kasi yung pakiramdam ko"
"Ano palang nangyari kagabi sa inyo ni Mark? ano nasabi moba? anong reaksyon nya?" -Miles
Naalala kona naman tuloy yung nangyari kagabi.
"Akala ko magugulat sya kapag nasabi ko sa kanya na mahal ko sya, Pero ako pala yung nagulat sa sinabi nya sakin. Miles si Mark may nililigawan na"
"Speaking of that girl mag kasama sila ni Mark kanina" -miles
"Talaga?"
"Oo at ang saya saya pa nilang dalawa kanina, Gusto ko na ngang sambunutan yung girl kaso nahiya lang ako kay Mark" -miles
Akala kopa naman mamimiss ako ni Mark dahil hindi nya ako nakita, Yun pala masaya sya kasi kasama nya si Sheena.
"Miles salamat sa pagpunta dito ha? kahit paano nalilibang ako"
"Wala yon, Pero ano ba kasi ang dahilan kung bakit hindi ka pumasok" -miles
"Hindi ko kasing kaya makita si Mark na kasama yung Mahal nya, At alam mo ba nagpapatulong pa sya sakin para ligawan si Sheena?"
"Anong sabi mo?" -miles
"Pumayag ako"
"Dex naman! bakit ka pumayag? ano Pambansang Martir lang ang Peg? Martir ng taon? na kahit masakit na ay ayos lang basta para sa mahal nya?" -miles
"Anong gagawin ko Bestfriend ko sya at kailangan nya ng tulong ko"
"Dex wag mo akong niloloko, Tinitulungan mo sya hindi lang dahil sa bestfriend mo sya kundi dahil Mahal mo sya at handa kang mag paka martir para lang sa kanya" -Miles
"Alam ko naman yon, Pero wala eh mahina ako pag dating kay Mark"
"Basta Dex wag kang pumayag na tulungan mo sya" -miles
May point naman ang sinasabi ni Miles pero naiisip ko palang na tatanggihan ko si Mark ay naguguilty nako, Kahit masakit handa kong tanggapin yon basta makasama ko lang sya at hindi sya magalit sakin.
Tangan man sa tingin ng iba pero ganito naman kapag nagmamahal ka diba? handa kang masaktan makita molang na masaya yung mahal mo. Yung sapat na sayo na makita mo sya.
Nagkwentuhan pa kami saglit ni Miles pero nagpaalam nadin sya dahil gabi na baka maabutan pa sya ng curfew 18 na sya kaya pwede na syang makulong hahaha char!
Ano kayang mangyayari bukas? Handa kona kaya na makita si Mark na kasama si Sheena? kakayanin kopa kayang nakikita silang masaya?
Hayyssss!!! Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kundi ang masaktan lang.