CHAPTER 4

2196 Words
DEX'S POV This is it! aamin na ako kay Mark mamaya para matapos nato. Pero paano? Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng Jeep ay para akong tanga na nagpapractice kung ano ang sasabihin ko kay mark. "Mark mahal kita" Ang pangit parang masyado naman atang mabilis haha. "Mark mahal kita, dati pa" Ang pangit parin, Parang walang emosyon huhu ano bang dapat sabihin ko kay mark? "Mark may sasabihin ako sayo, Mahal na kita dati pa. Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo" Ahhhh!!! kinakabahan parin ako, Andaming pumapasok sa isip ko na posibleng mangyari. Nanghihina na ako sa sobrang kaba, pakiramdam ko tinatawag ako ng kalikasan. Ganito pala kahirap umamin sa taong mahal mo? yung akala mo sasabihin mo lang sa kanya ng harapan tapos ayon tapos na. Pero hindi eh iba talaga yung feeling, Sakit sa brain. Pagdating ko sa room ay lutang na naman ako hindi dahil sa daming activities na pinapagawa samin kundi dahil sa gagawin kong pag-amin kay Mark. "Uy be bakit tulala kana naman dyan?" -miles Tumingin ako kay Miles, Naisip ko bigla na baka matulungan nya ako sa problema ko tutal sya naman ang nag push sakin na umamin ako kay mark. "Be tulungan mo ako, aamin na ako kay mark" "Ayyiieeee!!!!!" Tinakpan ko agad yung malaki nyang bunganga dahil baka may masabi pa sya na kung ano. "ssshh wag ka nga maingay baka marinig ng iba nating classmates" "Kasi kinikilig ako sayo, seryoso ka aamin kana talaga?" -Miles "Oo nga, Mukha ba akong nagloloko? kaya tulungan mona ako" "Ano ba kasing klaseng tulong ang kailangan mo?" -miles "Hindi ko kasi alam kung paano ako aamin sa kanya, kinakabahan ako hindi ko alam yung gagawin ko" "Girl ang mapapayo kolang sayo, Just be yourself. Sundin mo lang kung ano ang sinasabi ng puso mo" -miles Simple lang yung mga sinabi nya pero tagos sa puso yung mga kahulugan, Ano ba talagang sinasabi nang puso? Hayyss bahala na nga si Batman. Basta aamin na ako kay mark mamaya. "Salamat Miles, Ngayon alam kona ang gagawin ko" "Kaya moyan Dex, ipagpe pray kita na sana maging successful yang pag-amin mo. Asan na pala si Mark? papasok bayon?" -Miles "Oo papasok yon, malelate lang daw sya ng konti" "Basta Dex, Lakasan mo yung loob mo isipin mo nalang na guguho na yung mundo at bago ka manlang mawala ay nasabi mo sa kanya na mahal mo sya" -miles Ang laki talagang tulong kapag mayroon kang kaibigan na maaasahan at sumusuporta sayo. Wala man akong maraming kaibigan atlis nakatagpo ako ng dalawang totoong kaibigan sabi nga "Quality over Quantity" aanhin mo na man ang dami ng kaibigan kung sa oras ng kagipitan hindi mo maaasahan. "Miles wag nalang kaya ako umain kay Mark?" Yung ngiti nya ay napalitan ng simangot haha binibiro kolang naman sya. "Subukan mong wag umamin, ako ang magsasabi sa kanya" -Miles "Oo na aamin na ako, Niloloko kalang eh" "Siguraduhin mo lang" -Miles "Opo boss" Mayamaya ay dumating na si Mark at kasunod nya yung prof namin at may kasamang isang studyante. Hindi ko sya kilala mukhang bago lang. "Okay Class, Listen meron kayong bagong classamate" Natahamik kaming lahat at sinabihan nya yung bago naming classmate na magpakilala. Tingin ko palang alam konang Gay sya, kahit hindi nya sabihin haha. Ewan koba madali kong nalalaman kung bakla o lalaki yung isang tao sa isang tingin lang. "Good afternoon every one my name is Ryan Kirsten Flores and i'm 18 years old. That's all" Taray ng pangalan nya ah! lakas maka lalaki! Yumuko sya pagkatapos nyang magsalita, Ramdam ko sya dahil alam ko yung feeling na magpakilala sa harap nakakahiya kaya haha tapos nakaka kaba at nanlalamig kapa. Pinaupo sya sa tabi namin ni Miles, Nginitian nya kami kaya ngumiti kami. "Hi ako nga pala si Ryan Kirsten, Ryan nalang for short" Inabot nya yung kamay nya samin, Nagpakilala naman din kami sa kanya. Kanina lang parang ayaw nya magsalita tapos ngayon ang daldal haha. Magaan yung loob ko sa kanya dahil mukha naman syang mabait. Nang matapos yung klase namin ay lumapit samin si Mark. "Dex recess na tayo nagugutom nako eh" -mark "Grabe ka Mark may Anaconda ba dyan sa tyan mo?" -miles "Mauna kana susunod kami, hanapan mo nadin kami ng pwesto. Sya nga pala yung bago nating classmate si Ryan" Nagkamayan naman silang dalawa. "Sige sunod kayo ha?" -mark "Oo susunod nga kami!" Sigaw ko sa kanya. Actually hindi naman talaga ako sumigaw natural voice ko yon haha yung kababasag na yung tenga nyo. Madalas akong mapagkamalan na may kaaway o di kaya galit dahil sa boses ko, Kung minsan nga pinapagilitan ako ni mama pero sinasabi ko lang na nagmana ako sa kanya kaya galit na galit sya sakin haha. After naming mag-ayos ng mga gamit ay tumayo na kami, Baka kasi magalit yon si Mark kung matagalan kami. "Pwede magtanong?" -Ryan "Oo naman pwede" Sagot ko sa kanya habang naglalakad kami. "Boyfriend mo ba yung Mark?" -Ryan Napabuga ako dahil sa tanong nya Si Miles naman halatang pinipigilan ang pagtawa, Grabe sya Boyfriend talaga? Kung pwede nga lang eh haha kaso Bestfriend lang eh! BESTFRIEND LANG! "Si Mark Bestfriend kolang yon, Sweet lang talaga yon sa mga kaibigan nya. diba Miles?" Pinandilatan ko si Miles para maki oo sya sakin pero hindi ko pinakita kay Ryan. Baka isipin nya na may gusto ako don kay Mark! (Kahit Meron Talaga) "Ganon ba? haha pasensya na sa tanong ko ha?" -Ryan "Wala yon, tara na nagugutom nadin kasi ako" Pagdating namin sa Canteen ay kumakain na si Mark, Grabe gutom na talaga sya hahaha. Tumabi ako sa kanya at nasa harap namin yung dalawa. "Bakit ang tagal nyo?" -mark "Anong matagal? nauna kalang naman ng konti" Habang nakaupo kami ay biglang may pumaikot na mga estudyante nagtataka ako kung ano bang meron? eh hindi naman kami nasabihan na may event dito. Meron isang babae na hinihila ng mga kaibigan nya sa gitna tapos iniwan din sya tapos yung isang lalaki naman lumapit sa kanya at may binigay na bulaklak. Sa isip isip ko (ang babata pa eh) #Bitter is me. "Kilala nyo ba sila?" tanong ni Ryan "Hindi eh baka ibang course yan" sagot ko. "Ako kilala ko yan, Mag bestfriend yang dalawa nayan siguro mga 4 years yon. Itong si girl umamin kay Boy tapos nung umamin sya nalaman nya na si Boy may gusto din pala sa kanya" -Miles Napatingin ako bigla kay Miles, Binabasa ko yung mata nya kung nagsasabi ba sya ng totoo o iniimbento nya lang dahil gusto nya ako patamaan. "Saan mo naman napulot yan?" "Wag kang ano dyan Dex, Kilala ko nga yang dalawa na yan. Alam nyo ba yung girl nung una nag iinarte pa na umamin kay Boy tapos sa dulo dulo aamin din naman pala" -miles "Kumain ka na Kaya Miles, Gutom lang yan" "Mark Kung ikaw yung Boy anong gagawin mo kapag umamin sayo yung Bestfriend mo na Mahal o gusto kanya?" -miles Natigil si Mark sa pagkain, Kung may lupa lang dito iwiwish ko na sana lamunin na ako kaso simentado yung canteen. Humanda ka talaga sakin Miles! Nang aano ka eh!  kulang nalang diretsohin niya na mahal ko si Mark! "Kung ano naman yung Boy, Diko alam kung ano ang magiging reaksyon ko eh" -mark Ngumiti si Mark sabay akbay sakin, Tapos nagtinginan kami. Yung puso ko tuloy parang gusto ng lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang bilis ng t***k. "Hindi ko alam kasi hindi naman ako Magugustuhan nitong si Dex, Iba yung tipo nya at saka Bestfriend lang kami nito. Diba Dex?" -mark "Ah eh o-o" Matutuwa ba ako hindi? kailangan talagang paulit ulit na Bestfriend nya ako? Kung alam mo lang talaga Mark! Kung alam mo lang na ikaw yung tipo ko nako, nako! Nang makabalik kami sa room ay kinurot ko si Miles sa tagiliran. "Aray naman, bakit ba?" -Mile "Bakitin mo yang mukha mo!" Mahinang sabi ko sa kanya, baka kasi marinig ng mga katabi namin. MARK'S POV Pinagmamasdan kolang si Miles at Dex sa likod, mukhang nag-aaway na naman sila haha ang kulit nila parang mga bata yung bago naming classmate nasi Ryan mukhang naguguluhan sa kanila haha masasanay din sya sa gulo ng dalawang yon. Nag message ako kay mama na magluto ng ulam dahil pupunta nga si Dex sa bahay dahil gagawin na namin yung activity namin para wala ng Problema. Mabilis na natapos ang oras at uwian na. Pahirapan na naman kami sa pag sakay sa Jeep hirap talaga kapag uwian nyo is 8 na ng gabi. "Kainis naman wala na namang masakyan, Next sem papalipat na ako ng AM shift" reklamo ni dex Pag maypasok kami reklamo sya ng reklamo namememorize kona nga yung mga pinagsasabi nya eh. "Bakit ka tumatawa? May iniisip kaba?" -dex "Wala" tipid kong sagot Bigla syang natahimik. lah? ano kayang problema non bigla bigla nalang nabago yung mood. Nang makasakay kami ay tahimik lang si Dex, napagod lang siguro sa mga tinuro samin. Naunang bumaba si Miles sa Jeep dahil mas malapit lang yung bahay nya kesa samin. "Dex sandal ka muna sa balikat ko, gisingin nalang kita kapag malapit na tayo" Tumingin lang sya sakin at sumandal na, Pagod lang siguro sya kaya biglang natahimik pero mamaya kapag natikman nya yung luto ni mama ewan kolang kung hindi pa sya sumigla. DEX'S POV Ang saya saya kona kanina eh kaya lang napansin ko na ngumi ngiti mag-isa si Mark, tinanong ko naman sya ang sabi nya lang wala daw. Hayss siguro iniisip na naman nya yung Ka chat nya. Medyo naging okay lang ako nung sumandal ako sa balikat nya..Grabe ito pala yung feeling na nagseselos ka pero wala ka naman karapatan magalit kasi hindi kayo ang magagawa mo nalang ay manahimik. Pagdating namin sa bahay nila ay sinalubong kami nang mama nya si Tita Rose, Kaya nagmano ako sa kanya bilang paggalan. "Sige na iakyat nyo nayang gamit nyo mark tapos bumaba na kayo dito para makakain na kayo" -Tita Rose "Sige po Ma" -mark Niyaya ako paakyat ni Mark para ilagay na dun yung gamit namin, Nagulat ako kasi bigla syang naghubad sa harap ko (Nakatalikod sya at Uniform lang) "Bakit tulala kapa dyan? tara na" -mark "Ah eh sige" Bumaba kami para kumain, Noong una nahihiya pa ako pero dahil sinabi ni Tita Rose na wag akong mahiya ay dinamihan ko na yung kain ko hahaha sorry na gutom lang. "Kamusta pala sa school nyo? nag-aaral bato si Mark ng mabuti?" tanong ni Tita Rose sakin, Kaya napatingin si Mark. "Nako Tita oo naman po, Nag-aaral yang anak nyo" "Salamat naman" -Tita Rose "Si mama nag-aaral naman ako ng mabuti eh" -mark Wala na palang tatay si Mark sumakabilang bahay na at nag-iisang anak sya kaya sila nalang ng mama nya ang magkasama sa buhay, Pero nandito pala yung kapatid ng mama nya si Kuya Jay-R wala sya ngayon dahil may Trabaho, sayang. Pero dalawang taon lang naman ang tanda nya samin, Si kuya Jay-R ay bakla din kagaya ko kaya naman pagpumupunta ako dito ay sya lagi ang kadaldalan ko. After naming kumain ay umakyat na kami ni Mark para makapag umpisa na, Paggabi nadin kasi. "Dex anong una nating gagawin?" -mark Kinuha ko yung notebook ko at inexplain sa kanya kung ano ang mga scene na kukunan namin ngayon, Dahil hindi sya ready gumawa pa muna sya ng  Script. Kaya ang Ending hindi kami nakapag video dahil ang tagal nya gumawa ng script. "Next time kasi gawa gawa din pag may time, Sayang yung oras eh" "Haha sorry na, dina mauulit promise" -mark Ito na talaga wala nang urungan, Sasabihin kona kay Mark na Mahal ko sya ano man ang maging reaksyon nya bahala na si Batman. "Mark may sasabihin ako sayo?" Yung t***k ng puso grabe TUGS! TUGS! TUGS! "Ako din may sasabihin sayo" -mark lah? gaya gaya lang sya? haha "Talaga? sige ikaw na mauna" "Hindi ikaw na" -mark "Hindi ikaw na nga, mukhang importante yang sasabihin mo eh" "Ano kasi Dex, May nililigawan ako gusto sanang magpatulong sayo" -mark Parang sinaksak ako ng sampung kutsilyo sa puso dahil sa sinabi nya. Ang sakit sobrang sakit ngayon kolang to naramdaman para akong hihimatayin sa panghihina. "May nililigawan ka?" "Oo yung schoolmate natin, Si Sheena kilala moyon?" -mark Inisip ko kung sino yung sheena, naalala ko sya yung magandang babae sa kabilang section pero hindi naman sya kilalang babae sa school simple lang at tahimik lang sya eh sa pagkakaalam ko. "O-o ki-la-la ko sya" "Talaga?? sorry ha kung ngayon kolang sinabi, sya pala yung nakita mong ka chat ko" -mark Huminga ako ng malalim ang sakit kasi eh, alam ko wala akong karapatan na maramdaman to pero anong magagawa ko nagmahal lang naman ako. "Ano pala yung sasabihin mo sakin?" -mark "Ah eh wala, wag monang isipin yon hindi naman importante" Hindi ko nalang siguro sasabihin sa kanya dahil mukhang alam kona ang magiging sagot nya. Ngayong may nililigawan na ang Bestfriend ko lalong wala na akong magagawa kundi ang maging Bestfriend nalang. "Dex meron sana akong favor sayo?" -mark "Ano yon?" "Gusto ko sanang tulungan mo ako kung paano ko sya mapapasagot, okay lang ba? pero kung hindi mo kaya okay lang den" -mark "Sige tutulungan kita" Gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa tanga kong sagot, wala eh hindi ko matanggihan si Mark dahil Bestfriend ko yon kaya kahit masakit gagawin ko, kakayanin ko. "Salamat!" Sa sobrang tuwa nya ay niyakap nya ako ng mahigpit. Masaya sya pero ako nagdurugo ang puso sana pala hindi kona lang binalak na umamin para hindi kona nalaman na may nililigawan pala sya. Sinabi ko nalang kay Mark na pagod ako kaya matutulog na ako, Humiga na rin sya at magkatabi kami. pero nakatalikod ako sa kanya, Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako, Ang sakit pala malaman na yung mahal mo may mahal na iba At ikaw pa yung tutulong para maging sila ng taong mahal nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD