DEX'S POV
"Dex ano bang nangyayari sayo?! Hindi ka naman dati ganyan ah parang hindi na ikaw yung Dex Na Bestfriend ko!" -mark
Hindi ko na napigilan ang umiyak, sobrang bigat na kasi ng nararamdaman ko.
"Oo BestFriend mo lang ako! Bestfriend lang naman ako sa buhay mo diba?!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Naguguluhan na ako sayo" -mark
"Mark manhid kaba? o sadyang tanga kalang? hindi mo ba napapansin na MAHA------"
"Anak gising na tanghali na!"
Bulyaw ni mama sakin, Kaya napabangon ako nang wala sa oras.
"Ma naman 5 minutes pa"
"Puro ka 5 minutes bumangon ka na dyan" -mama
Kahit antok pa ay tumayo na ako, Ewan koba ang aga ko naman natulog ka gabi pero bakit parang puyat padin ako.
Pa Zombie akong naglakad papuntang Cr, Tumingin ako sa salamin at kinausap yung sarili ko.
"Hala panaginip lang pala, akala ko totoo na!"
bigla kong naalala yung sinabi ni Miles kahapon Na unamin na ako bago pa mahuli ang lahat.
Pero anong gagawin ko? pano ako aamin? pano ko sisimulan? I need signs Lord, Kahit 3 signs lang.
First sign dapat may magandang balita o bagay ako na marerecieved ngayong araw the second one is dapat makakakita ako ng nag-aaway na mag jowa hahaha (ang bad ko noh?) at ang huli! dapat may humalik sakin! ha!ha! ewan kolang talaga kung meron hahaha. Naiimagine kona ang kakalabasan nito, Hindi ako aamin! haha para akong baliw na nagtatalon sa cr.
After kong maligo ay bumaba na ako para kumain. at habang kumakain ako ay lumapit sakin si mama at may nilapag na isang cellphone na mukhang bago.
"Ma kanino to?"
"Sayo yan, Bigay ng papa mo. Luma nadaw kasi yang cellphone mo kaya binilhan ka nya" -mama
"What!" sigaw ko. OMG! hindi pwede to! bakit ngayon pa?! dapat bukas nalang! huhu
"Bakit ayaw mo ba? kung gusto mo sakin nalang" -mama
Kinuha ni mama yung cellphone pero mabilis kong naagaw.
"Joke lang ma, ito naman hindi mabiro nagulat lang ako kasi may bago na akong phone"
Ayiiee kinikilig ako sa tuwa dahil finally napalitan na yung luma kong phone.
Pero yung sign talaga huhu, Pero may dalawa pa naman ako eh, Siguro naman wala akong masasalubong na nagaaway na mag Jowa habang papasok ako.
"Sige kumain ka na dyan, baka kunin ko payang Cellphone mo" -mama
"Opo ma, Kakainan"
Tinago kona sa bag ko yung Cellphone ko para hindi na kunin ni mama haha.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako konti tapos nagpaalam na kay mama.
Maayos naman akong nakasakay sa ng Jeep hays medyo nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakitang magjowang nag-aaway.
"Sino yang ka chat mo ha? babae mo siguro yan noh?" -girl
"anong Babae? classmate kolang yan nagtanong lang sakin" -Boy
"Eh bakit mo tinago yung cellphone mo?" -girl
Hinampas hampas nung girl si boy. Ako? ayon natulala lang, Pano ba naman kasi yung pangalawang sign na hinihingi ko nakita ko na naman.
Sarap pektusan ng mag jowa ang dami daming lugar na pwede nilang pag-awayan sa jeep talaga? ano para mavideohan sila at mag viral? haha at ang malupit pa nito sa harap kopa huhu.
Lutang parin ako na bumaba sa Jeep, Isa nalang na sign aamin na talaga ako huhu lord sana naman wag haha.
Para akong tanga na nagtatago habang papunta sa room namin, Iniiwasan ko kasi Si Mark hindi ko din alam kong bakit ko ginagawa yon. Trip ko lang haha.
Lord siguro naman walang hahalik sakin diba? sa buong buhay wala pang humalik sakin maliban nung baby ako haha.
Bukod sa wala namang may gustong humalik sakin, ay ayaw ko talaga kasi nga gusto ko yung first ko yung taong mahal ko! Si Mark!
Pagpasok ko ng room ay nagkukumpulan yung nga lalaki kong classmate at nakangisi na parang mga baliw.
Nagulat nalang ako nang lumapit si Tyrone (classmate ko) Parang takot na takot sya na ewan, Tapos bigla nya akong hinawakan sa ulo at hinalikan a-a-ako!!!!!!!!!! Napadilat nalang ako sa ginawa, hindi ko kasi alam ang gagawin ko huhu. Nagtilian naman yung iba kong classmate at yung mga loko loko kong mga classmate nag tawanan pa. Ilang segundo din yung kiss nayon at tumigil na sya.
"Sorry Dex, Nataon lang na ikaw yung dumaan" -Tyrone
"Ganon ba? Sa susunod kung mangtitrip kayo iba nalang? wag ako"
Padabog akong umupo sa upuan ko.
Unang una bastos sya hindi lahat ng bakla dapat binabastos.
Pangalawa ninakaw nya yung first kiss ko! Pasalamat sya hindi ko sya sinakal dahil sa ginawa.
Pangatlo naiinis ako wala na, ubos na yung signs ko. Aamin na talaga ako kay Mark.
Pagkaupo ko ay natahimik din silang lahat, Minsan lang kasi ako mainis.
"Dex ayos kalang? gusto mo isumbong natin sila guidance?" -miles
"Wag na be hayaan mona sila, Masaya sila dyan eh basta wag lang nila ako saktan dahil makakatikim sila sakin"
"Ikaw bahala" -miles
Kinuha ko yung phone ko at nag f*******: nalang tutal wala pa yung prof namin.
"Ay iba sya oh! bago yung cellphone. Binyagan na yan" -miles
"Gusto mo ikaw binyagan ko?"
"Joke lang, Ito naman highblood agad" -miles
Mayamaya ay dumating na si Mark at napansin nya siguro na parang badtrip ako kaya lumapit sya sakin.
"Dex ayos kalang ba? bakit parang badtrip ka?" -mark
Nakita ko na naman si Mark, Naninikip na naman yung dibdib ko.
Dahil lahat ng signs na hiningi ko ay binigay sakin, Wala akong choice kundi ang umamin sa kanya.
"Oo ayos lang ako"
Mayamaya ay dumating na yung prof namin kaya bumalik nadin sya sa upuan nya.
Wala tuloy ako sa wisyo habang nagtuturo yung prof namin.
"Hoy! girl bakit tulala ka dyan?" -miles
"Wala may iniisip lang ako"
"Hala be don't tell me na iniisip mo yung kiss sayo ni Tyrone? ano masarap ba?" -miles
"Tumigil ka dyan Miles, iba yung inisip ko atsaka yung kiss ni Tyrone wala lang yon"
"Bakit sino ba ang gusto mong humalik sayo si Mark?"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil hindi nya ako natutulungan lalo nya lang ginugulo yung isip ko huhu.
Papunta kami ngayon ni Miles sa Canteen si Mark susunod nalang daw kasi may tinatapos pa.
"Dex!"
Napalingon ako sa sumigaw sakin, Si Tyrone tumakbo palapit sakin.
"Dex sorry pala sa ginawa ko sayo kanina" -Tyrone
"Nako Tyrone wag mo munang kausapin tong friend ko badtrip to haha" -miles
"Ganon ba? sige next time nalang. Basta sorry talaga" -Tyrone
Hindi ko pinansin si Tyrone at nagpunta nalang kami sa Canteen, Bumili muna kami atsaka humanap ng pwesto.
"Alam dex gwapo din si Tyrone" -Miles
"So?"
"Hindi kaba nakaramdam ng kilig sa halik nya?" -miles
"Hindi! bakit naman ako kikiligin?"
"Edi hindi" -miles
Ilang saglit pa ay dumating nadin si Mark dala yung binili nyang pagkain.
"Mukhang seryoso yung usapan nyo ha?" -mark
"Wala yon, May tinanong lang ako sa kanya"
Sagot ko, Bigla syang lumapit sakin at inakbayan ako..
"Sige Dex, mag secret ka sakin. Akala koba bestfrienD tayo?" -mark.
Awww double meaning, siguro nga dapat na talaga akong umamin sa kanya para wala ng mabigat na sa damdamin ko.
Pero bakit sya may secret din naman sakin ah! hindi nya nga sinabi kung sino yung ka chat nya!
"Kumain na tayo, malapit na magtime"
Iniba ko nalang yung usapan dahil medyo naiilang nako sa pagkakaakbay nya sakin. Ito namang si Miles ang sarap tusukin ng tinidor pinandidilatan ko na nga ng mata kilig na kilig pa.
Katulad ng dati magkakasabay na naman kaming umuwe.
"Dex san ba tayo bukas? sa inyo o sa bahay nalang?" -mark
Gagawin na kasi namin yung activity namin para wala na kaming poproblemahin, Baka kasi matambakan kami ng mga gagawin.
"Ikaw bahala kahit saan"
"Sige sa bahay nalang, diretso tayo don pagkauwian. Sasabihin ko kay mama na maglito ng masarap na pagkain dahil darating ka" -mark
"Bakit kasi kailangan bukas pa at gabi? diba pwede weekends nalang?" angal ko sa kanya.
"Wag ka nang magreklamo, Ichachat ko nalang yung mama mo na sa amin ka matutulog bukas" -mark.
"Ano? sa inyo ako matutulog?"
"Oo alangan naman na umuwe kapa ng hating gabi eh nagkalat na yung mga adik ngayon" -mark
"Sige sige, basta i chat mo si mama ha? alam mo naman yon"
"Oo ako bahala kay Tita" -mark
"Mukhang nakakaistorbo ata ako sa inyo, mauna na ako" -miles
Ay! ahahahhaa nawala sa isip ko na kasama namin si Miles! huhu ang bad ko.
"Ay sorry be naguusap lang kami haha"
Niyakap ko sya para malaman nya na sincere ako, Ito kasing si Mark eh.
Nakipag marathon na naman kami sa mga sasakyan at gabi na naman kami nakauwe, Next sem talaga magpapalipat ako ng Am shift nakakainis kasi kapag ganito nalang palagi pag uwian.
Paguwe ko lutang ako hindi kasi ako mapakali kung paano ko aaminin kay mark na Mahal ko sya huhu.
Ganito pala yung feeling na aamin ka sa taong mahal mo noh? Hindi ka mapakali, andami mong naiimagine na posible mong sabihin at posible nyang maging reaksyon.
Nakaka kaba na parang may nagawa kang kasalan huhu
"Oo mahal kita, Mahal kita,
Pero natatakot ako.
Natatakot ako
sa magiging sagot mo
Natatakot ako na baka masira
ang pagkakaibigan na
sabay nating iningatan"
Binasa ko yung parteng yan sa ginagawa kong spoken words at kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob? maipaparinig kodin kay Mark ang buong tulang ginawa ko sa kanya.
Binuksan ko muna yung sss account ko dahil ayaw talaga akong dalawin ng antok, Bumaba muna ako para kumain medyo naramdaman kona kasi yung gutom.
"Ma anong ulam?"
"Nandyan sa ref kunin mo" -mama
Papunta na sana ako sa kusina pero naalala ko, wala pala kaming Ref.
"Ma?! wala naman po tayong ref eh!"
Nagtawanan silang dalawa ni papa, nanunuod sila nang Tv. Ang sweet nilang dalawa kainggit! sana ako den.
"Haha nandyan sa lamesa nakatakip" -mama
Kainis talaga si mama ang hilig mang loko haha pero love na love koyan si mama dahil, Hindi nya ako pinapabayaan pati din si papa. Masaya ako dahil sila ang naging mga magulang ko!
"Bakit hawak hawak mo yang Cellphone mo?" -sita ni mama
"Masama ba ma?"
"Oo, Baka kung sino sino lang yung ka chat mo dyan" -mama
"Si mama naman hindi napo ako bata alam kona kung sino ang hindi ko dapat ichat"
"Good, sige na kumain kana dyan. Tapos matulog kana at wag ka nang mag cellphone para hindi ka mapuyat" -mama
"Copy ma!"
Napangiti nalang ako habang kumakain haha nakakainis na nakakatuwa si mama.
Pero hindi parin mawala sa isip ko yung gagawin ko na pag-amin kay Mark.
Bukas talaga aamin na ako sa kanya.
Lord kayo napong bahala sakin huhuhu.