Chapter 10

1421 Words
AYAH Matapos kong ihanda ang pagkain ni Kuya Dexter, pumasok na ako sa aking silid. Alam ko na hindi nila mahahanap ang perang tinago ko dahil kahit minsan, hindi sila naglinis dito sa bahay at nagtatapon ng basura. Simula nang mawala si Lola dito, unti-unti nang nalugi ang mga negosyo namin, kaya maging ang mga kasambahay ay hindi na kayang pasahurin. Noong malakas pa si Lola, siya ang may kontrol sa lahat, pero sadyang masama ang ugali ng aking ina. Ginawa niya ang lahat para mapaalis ang ina ni Daddy. Nagtagumpay naman siya, pero dahil sa ginawa niya, tuluyang bumagsak ang mga negosyo ng aming pamilya. Bukod sa wala namang kakayahan si Mommy na magpatakbo ng isang kompanya, malakas rin siyang magwaldas ng pera sa mga luxury item at sugal. Kaya unti-unting naubos ang pera ni Lola, at isa-isang nawala sa amin ang mga kompanyang hawak nila ni Daddy. Napailing na lamang ako dahil naalala ko na naman sila. Alam kong hindi sapat ang perang naitabi ko para makapagsimula kami, dahil matanda na si Lola at kailangan na rin niya ng gamutan. Pero ayaw ko namang samantalahin ang binigay na tulong sa akin ni Kuya Aliandre. Nanghihinang umupo ako sa gilid ng kama. Naalala ko kasi ang mga sinabi ni Kuya Aliandre kanina, pero pikit-mata kong tinanggap ang lahat nang narinig ko mula sa kaniya basta't matulungan niya ako sa operasyon ni Lola. Tahimik dito sa loob ng silid ko, pero dumadagundong naman ang malakas na pintig ng aking puso. Tiningnan ko ang aking cellphone nang naramdaman kong nag-vibrate ito. May nakita akong dumating na mensahe, kaya dali-dali ko itong binuksan. Galing pala ito kay Rachel. Sinabi niya na kinuha na raw ang Lola ko ng mga nurse para dalhin sa operating room dahil ngayong gabi na raw naka-schedule ang kaniyang operasyon. Labis akong nagpasalamat kay Rachel nang sumagot ako sa pinadala niyang mensahe sa akin. Dahil wala ako sa ospital, nabawasan ang pag-aalala ko kay Lola dahil alam kong may tumitingin sa kaniya doon. Matapos makausap si Rachel, naligo na ako at humiga sa kama. Dahil pagod ako at masama rin ang aking pakiramdam, kaya nakatulog agad ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog nang magising akong humihingal at pawisan. Napanaginipan ko si Kuya Aliandre. Kahit alam kong panaginip lamang iyon, ramdam ko pa rin ang epekto nito sa aking katawan, kaya mariin akong pumikit para mawala ito sa aking isipan. Dahil nauuhaw ako, lumabas ako sa aking silid para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Akala ko wala pa akong kasama dito sa bahay dahil madaling araw na kung umuwi ang mga magulang ko, kaya nagulat ako nang makita silang nag-uusap sa sala. Mabilis akong nagtago sa pader para hindi nila makita dahil gusto kong marinig kung ano ang pag-uusapan nila. “Sumagot na ba sa mga tawag mo si Lian, Dexter?” narinig kong tanong ni Mommy sa aking kapatid. “Not yet, Mom,” walang ganang sagot ni Kuya Dexter. “Galit pa ‘yon, kaya hintayin nating kumalma.” “Kausapin mo na ang kaibigan mo bago pa tayo maubusan ng oras,” utos ni Daddy sa kapatid ko. “Got it, Dad.” Pigil ko ang aking hininga habang lihim na nakikinig sa usapan nila. Mukhang may pinaplano talaga sila kay Kuya Aliandre, pero hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya dahil alam kong galit siya sa akin. Malapit rin siya sa kapatid ko at sa aking mga magulang, pero wala siyang ideya na ang mga taong inaakala niyang mabuti sa kaniya ay may binuo palang plano para makakuha ng pera. Ikinahihiya ko na ngayon ang mga magulang ko dahil napagtanto kong hindi talaga sila mabuting tao. Kahit anak nila ako, nagawa nila akong gamitin para sa pera, kaya hindi ako papayag na may gawin silang masama kay Kuya Aliandre. Matagal akong nakatayo at lihim na nakikinig sa usapan nila, kaya nalaman ko ang mga binabalak nilang tatlo. Alam nila na mayaman si Kuya Aliandre, kaya siya ang nakikita nilang maging source of money para pantustos sa mga bisyo nila at luho sa buhay. Umalis ako sa pinagkukublihan ko at maingat na pumasok sa aking silid. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa kama at tinawagan ang numero ni Kuya Aliandre. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko habang nagri-ring ang kaniyang cellphone, pero hindi ito sinagot ni Kuya Aliandre. Nang muli ko siyang tawagan, ay nakapatay na ito at can't be reached na, kaya nanlumo ako dahil napagtanto ko na ayaw talaga niya akong kausapin. Gustuhin ko man na sabihin sa kaniya ang totoo, pero siya mismo ang ayaw akong makausap, kaya nag-compose na lang ako ng text message at sinabi ko sa kaniya ang nalaman ko. Matapos ito, binura ko ang history ng messages ko dahil baka makita ng mga magulang at kapatid ko. Nakiusap rin ako kay Kuya Aliandre na huwag niyang sabihin sa kanila ang tungkol sa sinabi ko dahil natatakot ako para sa kaligtasan ko. Lumipas ang magdamag na dilat ako at hindi na tuluyang dinalaw pa ng antok dahil nauwi ako sa malalim na pag-iisip. Maaga pa lang, bumangon na ako para maglinis ng bahay at maghanda ng almusal dahil siguradong masasaktan na naman ako ni Mommy kapag tinanghali ako ng gising. “Dalhan mo ako dito ng kape, Katelyn!” pasigaw na utos agad ni Daddy nang makita ako. “Sige po,” mahina kong sagot. Isa itong himala dahil hindi siya lasing ngayon. Maging si Mommy ay nakita ko rin dito sa bahay at wala sa sugalan, kaya mas lalo lamang akong nakaramdam ng takot na baka may binabalak na naman sila. May natirang kanin kagabi, kaya matapos dalhan ng kape si Daddy sa sala, agad akong nagprito ng scramble egg at nag-sangag ng kanin para sa almusal. Hinanda ko na rin ang mesa. Pinagkasya ko sa amin ang kaunting pagkain, at nang matapos maghanda, niyaya ko nang kumain ng almusal ang mga magulang ko. “Tawagin mo na si Dexter,” utos ni Mommy sa akin. “Sige po.” Umalis ako sa dining room at pinuntahan ko ang aking kapatid sa kaniyang silid, pero kakatok pa lang sana ako nang marinig ko ang malakas na tinig ni Kuya Dexter mula sa loob. “I'm sorry for what happened, Lian. Nahihiya rin ako sa iyo dahil sa ginawa ni Katelyn, pero hindi rin naman ito puwedeng hayaan na lamang ng mga magulang ko dahil ayaw nilang mabilad sa kahihiyan ang aming pamilya.” Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang mga labi ko dahil narinig ko ang mga sinabi ni Kuya Dexter kay Kuya Aliandre. Malinaw ko itong narinig dahil bahagyang nakaawang ang pintuan at malakas rin ang tinig niya mula sa loob. “I know, pero alam mo naman na may sakit sa puso si Daddy,” narinig kong sabi pa ng kapatid ko. “Ayaw kong ito pa ang maging daan para may mangyaring hindi maganda sa kaniya.” Napahakbang ako paatras habang nakatakip ang aking kamay sa bibig ko. Ito pala ang ibig sabihin ng usapan nila kaninang madaling araw. Talagang desperado na silang maipakasal ako kay Kuya Aliandre, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng galit para sa kanilang lahat. Para silang hindi ko pamilya. Nasanay na ako na malamig ang pagtrato nilang lahat sa akin, pero hindi ko inaasahan na aabot pala sa ganito ang lahat. Hindi ko na hinintay na matapos ang usapan ng kapatid ko at ng kaniyang kaibigan. Umalis ako sa tapat ng pintuan ng kaniyang silid at naglakad pabalik sa dining room. “Nasaan si Dexter?” tanong agad ni Mommy sa akin nang makita ako. “Hindi ko na po tinawag dahil may kausap pa siya sa kaniyang cellphone,” walang ganang sagot ko. “Sino ang kausap niya?” tanong rin ni Daddy. “Si Kuya Aliandre po.” “Narinig mo ba kung ano ang pinag-uusapan nila?” mabilis na tanong ng aking ina. Bakas ang excitement sa kaniyang ekspresyon nang tanungin niya ako. “Hindi po,” pagkakaila ko. Maikli lang ang sagot ko, pero muntik pa akong mabulunan dahil may bumara sa aking lalamunan. Naluluha ako, kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil ayaw kong makita akong umiiyak ng mga magulang ko. Mukha lang akong normal magsalita, pero kulang na lang ay sumabog ang aking puso dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Pero ang mga magulang ko, nagawa pa nilang ngumiti at maging masaya na para bang ngayon pa lang ay alam na nilang panalo na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD