AYAH “Both of you, come to my office now!” Nagkatinginan kami ni Andeng matapos naming marinig ang utos ni Kuya Aliandre mula sa intercom pati na rin ang click na natapos na ang tawag niya. Kahit malaki na ang tiyan niya, mabilis na napatayo ang sekretarya ng asawa ko at hinatak ako papunta sa pintuan ng opisina ni Kuya Aliandre. Alam kong kinakabahan siya nang kumatok siya sa pinto dahil ramdam ko ang panlalamig ng kaniyang palad habang hawak ako sa aking pulsuhan. Mukhang takot rin siya sa asawa ko dahil nararamdaman ko na balisa siya na para bang may nagawa siyang kasalanan kaya ipinatawag kami ni Kuya Aliandre sa loob ng kaniyang opisina. “Sir,” bati ni Andeng nang makapasok kami sa loob ng opisina ni Kuya Aliandre. Nag-angat ng ulo ang asawa ko, kaya nakita ko na naman ang matal

