Chapter 17

1786 Words

AYAH Tanghali pa lang, kaya sa tingin ko, hindi pa uuwi ang mga magulang ko dito sa bahay. Abala pa sa sugalan si Mommy, at si Daddy naman, siguradong nasa kabit niya o kung saang inuman na naman kasama ang kaniyang mga lasengong kaibigan. Kaya kailangan kong samantalahin ang pagkakataon na makuha ko ang kailangan ko bago pa sila dumating. Ayaw ko silang makaharap, lalo na si Mommy, dahil baka tuluyan na akong mapuno sa masamang ugali niya at masumbatan ko siya. Kapag nangyari iyon, siguradong mag-aaway kami, kaya dali-dali akong umakyat ng hagdan at mabilis na pumasok sa silid ko para kunin ang mga gamit ko. May maleta akong nakita sa kuwarto ni Mommy noon, pero hindi ko iyon puwedeng gamitin dahil siguradong malalaman niyang umuwi ako dito at pati iyon ay isusumbat pa niya sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD