AYAH Halos mapugto ang hininga ko habang hinahatak ako ng mga tauhan ni Kuya Aliandre papunta sa basement, pero hindi ako nagmakaawa sa kanila na pakawalan ako dahil pagod na akong gawin ito. Namuo ang luha sa aking mga mata at tuluyan itong bumagsak sa aking pisngi, pero hinayaan ko na lang dahil hindi ko ito kayang pigilan dahil hawak ng mga tauhan ni Kuya Aliandre ang aking mga braso. Hindi ko alam kung gaano katagal akong mamalagi dito sa bahay niya, pero sana naman makalabas ako at makabalik sa bahay ng mga magulang ko dahil kailangan kong makuha ang perang iniwan ko sa basurahan. Tumigil ang mga lalaking kasama ko sa tapat ng isang pintuan dito sa ground floor, at pagkatapos itong buksan, itinulak nila ako papasok sa loob at biglang isinarado ang pintuan. Nabalot ng dilim ang pa

