Nagising ako nang maramdamang may nakahawak sa kamay ko, sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Gideon na natutulog. Naalala ko, nakasagutan ko nga pala ito. May suwero na namang nakakabit sa kamay ko at may benda na ang laslas ko kanina. Dahan-dahan kong kinukuha ang kamay ko pero naalimpungatan ito at nagising. "Ramona! May masakit ba sa 'yo?" diretsong tanong nito nang magising siya. "I'm fine Gideon, sorry nga pala sa mga nasabi ko kanina." Saad ko sabay yuko. Ngumiti ito ng bahaya sabay hinawakan ang kamag ko. "Okay lang, naiintindihan naman kita. Tsaka Ramona mali ka ng iniisip, huwag mo na iyon ulit isipin okay? Oo aaminin ko, minsan na akong nasaktan dahil sa pagkawala ng kapatid ko. Pero never pumasok sa isipan ko na gaimitin ka against Conrad noong nalaman ko na siya ang dahi

