"Ramona," "Ramona," Napabalikwas ako ng bangon nang makita si Gideon sa harapan ko, nakatitig ito sa akin habang nangingilid ang luha. Nang makita niya akong gising ay ngumiti ito sabay haplos sa aking mukha. "Gideon?" hindi makapaniwalang saad ko sabay hinaplos ang mukha nito pero agad ko ring binawi ang aking kamay. "Hindi, nag-iimagine na naman ako — hindi ka totoo." Saad ko sabay pikit sa aking mata. "Ramona please, pakinggan mo muna ako." Awat nito sa akin kaya muli kong binuksan ang aking mata. "Gideon hindi ka totoo," naiiyak na saad ko rito. "Will you come with me?" tanong nito habang nakatitig sa akin. Natigilan ako sa sinabi nito, "How can I come with you na alam naman natin pareho na sa imagination ko lang ikaw nabubuhay." Umiiyak ng sagot ko rito, I missed him so much.

