Kabanata 2

1705 Words
Psycho's Prisoner Written by: ImaginationNpaper KABANATA 2 - Run for your life Nagising ako nang maramdamang may humahaplos sa hita ko, agad naman akong napaupo sabay umatras nang makitang nasa harap ko ang lalaki kanina. Nakangiti ito ng mala-demonyo kaya para akong kinilabutan sa ngiti nito. Hindi naman ito pangit, parang may kung ano lang talaga sa kan'ya na nagbibigay ng takot sa aking kaibuturan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Tinitignan ko lang iyong bago kong alaga, gusto mo ba maglaro?" nakangisi nitong tanong. "Puwede ba? Tigil-tigilan mo na nga ako! Wala akong kasalanan sa iyo para gawin mo 'to sa akin." Mariin na saad ko rito. Hinila nito ang aking paa para mapalapit ako sa kan'ya pero nagpumiglas ako sabay pinagsisipa ito, bigla naman itong tumayo sabay marahas na hinila ang buhok ko. "Kapag sinabi kong akin ka, akin ka!" bulyaw nito sa akin. Napapikit ako sa sakit sa sobrang higpit ng pagkakasabunot niya sa akin na para bang mapupunit iyong anit ko. "Hindi! Ni hindi nga ako pumayag sa plano niyong ito e, tapos sasabihin mo may karapatan ka sa akin? Wala! Itatak mo 'yan sa isip mo! Sa oras na makalabas ako rito, hindi ako magdadalawang isip na isumbong kayo sa pulis!" singhal ko rito. Napahawak naman ako sa aking pisngi nang sampalin niya ako ng napakalakas, para itong matatanggal sa sobrang sakit. Mariin niya namang hinawakan ang baba ko sabay pinaharap sa kan'ya. "Madali naman akong kausap Ramona eh, sundin mo lang iyong mga gusto ko hindi ka masasaktan. Pero kapag nagpumilit at nagmatigas ka, hindi lang ito ang aabutin mo." Matapos itong sabihin ay malakas niya akong tinulak at muntikan pang tumama ang mukha ko sa sahig. "Huwag mo 'ko matawag-tawag na Ramona, hindi kita kilala!" bulyaw ko rito. "Oh! I forgot to introduce myself to you, by the way I am Conrad Anais and you are Ramona Lenore right? What a beautiful name and face." Nakangisi nitong saad. "Wala akong pake kung anong pangalan mo! Isa lang ang alam ko, demonyo ka." Mariin na saad ko. Napapikit na lang ako nang suntukin nito ang aking sikmura, pinipilit kong isipin kung nagkaroon ba ako ng malaking kasalanan para mangyari 'to sa akin pero wala talaga akong maalala. "You know what? I am bored, let's play a game. Gusto mo makaalis dito 'di ba? Then play with me. Here's the condition, hahayaan kitang tumakas. Kapag nahuli kita, the consequence will be your body. Hahayaan mo akong gamitin ka, pero syempre para may thrill bibilang ako ng sampu bago kita sundan. Siguraduhin mo lang na makakatakas ka kasi kung hindi, dito ka na habang bubay. You and me forever." Saad nito sabay bumuhakhak ng tawa. "Nababaliw ka na talaga! Siguro may sakit ka sa utak kaya ganito ka magisip." Saad ko rito. "Ayaw mo ba? Madali naman akong kausap eh, ikaw pa binigyan ng pagkakataon ayaw mo pa. Siguro gusto mo rin ako makasama 'no? Aw, how sweet you are." Saad nito na para bang kinikilig pa. "Fine! Ayaw ko naman na makasama ka habang buhay kaya okay, papayag ako. Huwag mo lang ako dadayain, wala pa naman akong tiwala sa 'yo." Mariin na saad ko. "This time, trust me. Hindi kita dadayain, I will play fair." Saad naman nito. Nakahinga naman ako ng kaunti nang tuluyang niyang tanggalin sa pagka-kandado ang paa ko sa kadena, tatakbo na sana ako nang bigla niya akong hilahin. "Masyado ka naman yatang hot, hindi pa nga ako nagbibigay ng signal." Saad nito. "Bitawan mo na ako! Hindi ko na kaya pang magtagal dito." Singhal ko sa kan'ya. "Chill, heto na oh." Saad niya sabay binitiwan ako. "Puwede ka na tumakbo, in three, two one go!" saad nito sabay kumaripas na ako ng takbo. Hindi ko kabisado ang lugar at ni wala akong ideya kung nasan ako, pero gagawin ko lahat makatakas lang dito. "One!" malakas na sigaw nito, nasa hagdanan pa lang ako nang marinig ko ito kaya mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Akala ko ay haharangin ako ng mga katulong at guard niya pero hinayaan lang nila ako kaya napangisi ako, pero natigilan ako nang makitang masukal na gubat ang labas ng bahay. Nakalabas na ako sa malaking gate, pero sobrang dilim sa labas. Nang tignan ko ang kabuuan ng bahay ay para itong tagong mansiyon, napakalaki nito pero kakaiba ang aura. Muntik ko pa makalimutan na nagbibilang nga pala iyong Conrad na 'yon kaya kahit halos wala akong maaninag sa daan ay tumakbo lang ako nang tumakbo. Minsan ay natitigilan ako nang may mga nasasagi akong nakausling ugat ng puno, nadadapa rin ako dahil doon. Ramdam kong nakakatamo na ako ng mga galos pero hindi ko iyon ininda. Hingal na hingal na ako kakatakbok kaya tumigil muna ako saglit, "Bakit parang walang katapusan na puno ito?" humihingal na saad ko. Namilog naman ang aking mata nang makarinig ng mga kaluskos kaya sinubukan ko ulit tumakbo, tagaktak na ang pawis ko sa pagod pero wala akong mahagilap na labasan. "Saan ba nila ako dinala?" saad ng isip ko. Nagpang-abot na iyong luha at pawis ko, gustong-gusto ko na makaalis pero parang wala namang daanan. Nilinlang yata ako ng lalaking iyon! Sa bilis ng pagtakbo ko ay hindi ko namalayan ang nakausling sanga at tumama iyon sa noo ko, natumba ako dahil sa lakas ng impact at para pa akong nahilo. Biglang lumabo ang paningin ko pero hindi ako nagpatinag, gumapang ako kahit halos wala akong makita. Napapakagat ako sa labi ko sa tuwing may tumatama sa braso ko, baka kapag kasi sumigaw ako ay marinig niya ako at mahuli. Palinga-linga ako pero puro puno, d**o lang ang nakikita ko. "Run Ramona! Run!" rinig kong sigaw ni Conrad. Pakiramdam ko nasa malapit lang ito kasi rinig na rinig ko ang boses nito. Napahawak naman ako sa aking bibig nang may mahawakan akong malamig na bagay, makinis ito at mahaba kaya binalot ng takot ang aking pagkatao. Kung hindi ako nagkakamali, ahas ito. Nanginginig ang aking kamay kaya dahan-dahan kong tinanggal ang aking pagkakahawak doon. Hindi ko alam kung nasan ang ulo noon dahil wala akong makita sa sobrang dilim, mamamatay na yata ako. Dahan-dahan akong tumayo at lumalayo sa ginapangan ko kanina. Halos atakehin din ako sa puso nang makitang may ahas na nakalambitin sa puno, napakalaki nito. "Ang daming ahas dito," mahinang saad ko. Gusto ko na humagulgol sa pag-iyak pero hindi ko magawa. Takot na takot ako ngayon, wala akong ibang matakbuhan at kailangan ko bumalik sa dinaanan ko kanina. Baka makatunog ang mga ahas kaya umalis na ako roon at bumalik sa dinaanan ko kanina. Nang medyo nakalayo-layo na ako roon ay may natanaw akong mga anino, may mga mahahabang d**o roon kaya doon na muna ako nagtago. Makati ang mga ito pero hindi ko na muna iyon inisip, halos pigilan ko pa ang hininga ko nang marinig na nasa harapan ko na sila at tanging d**o lang ang nakatakip sa akin. "Saan na kaya iyong babaeng 'yon! Hindi iyon makakalayo rito, tara doon!" saad noong lalaki at nakahinga naman ako nang tumakbo na sila palayo. Kanina pa ako takbo nang takbo kaya ngayon hingal na hingal pa rin ako. Hindi ako susuko, makakaalis din ako sa lugar na 'to. Kung hindi takbo ang ginagawa ko minsan naman ay gapang, sa tuwing nakakarinig ako ng mga kaluskos at yabag ng paa ay doon ako gumagapang. Napapansin ko na pabalik-balik lang ako sa dinadaanan ko kaya sa tansya ko ay mali ang aking tinatahak, kailangan ko makaalis bago sumikat ang araw kasi sigurado ako na kapag may araw na ay mas madali nila akong makikita. "Nandiyan ka lang pala!" nakangising saad noong lalaki. Tatawagin na sana niya iyong iba, mabuti na lang at naging mabilis ako at nasipa ko ang p*********i nito. Sapo niya ito habang napaluhod sa sakit. Mabuti na lang at black belter ako noong high school ako sa taekwondo, magagamit ko iyon ngayon. Sisigaw pa ulit sana ito nang sipain ko ang leeg at panga nito na ikinahimatay niya. "Ayaw ko sana manakit pero pinipilit niyo ako e," saad ko at sinigurado na munang walang ibang tao sa paligid nago tumakbo ulit. Parang may nakita akong daanan sa unahan kaya agad akong tumakbo papunta roon at agad na natigilan nang makitang nandoon ang mga tauhan ng Conrad na iyon, napaatras ako at nagulat nang makaapak ng sanga na nagdulot ng ingay para mapukaw ang atensiyon nila. "Ayon siya!" sigaw noong lalaki, kakaripas na sana ako nang takbo nang biglang may sumalubong mula sa likuran ko kaya agad akong naghanda sa pag-atake nila. Nasa sampu yata sila na pumalibot sa akin, napailing na lang ako. Ang dami nila! Isa-isa naman silang sumugod sa akin at napapatumba ko dahil tumatama ang aking sipa sa target kong tamaan. Ang batok, tagiliran at p*********i nila ang puntirya ko. Kahit may mga galos ako ay hindi ako nagpatinag sa paglaban sa kanila, mabuti na lang at hindi sila gumagamit ng armas. Hindi nila ako malilinlang, kung gagamit man sila ay sigurado akong pang-takot lang nila iyon. Hindi papayag ang lalaking iyon na mawala ako basta-basta gaya ng sinabi niya, malaki ang binayad niya para makuha ako sa walang hiya kong Tito. Lima na ang napapatumba ko, nagulat naman ako nang sabay-sabay silang sumugod sa akin pero alam ko ang tamang technique kahit marami ang kalaban. Pero hindi ko naiwasan ang suntok noong isang lalaki na tumama sa sikmura ko kaya natigilan ako. Bigla naman kaming may narinig na pumalakpak, at niluwa ng kadiliman ang mukha ng demonyo. "Magaling! I am impressed, napakahusay mo sa karate. Iyon iyong mga gusto ko eh, palaban." Nakangisi nitong saad, papalag pa sana ako nang hawakan ako nang dalawa niyang tauhan na natira, dalawa na lang sana e! "Paano ba 'yan? Natalo ka, kaya ihanda mo na ang kapalit." Saad nito sabay tumalikod na. "Ibalik niyo na 'yan sa silid niya," dagdag pa nito at sinunod naman noong mga lalaki. "Hindi ka lumaban ng patas, Conrad! Ang sabi mo tayong dalawa lang pero ba't kasama mga tauhan mo?" Bulyaw ko habang nagwawala sa pagkaka-hawak noong dalawang lalaki. Imbes na sumagot ay ngumiti ito ng nakakaloko at nagkibit-balikat. "Hindi ako basta-basta susuko, lalaban ako." Saad ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD