Psycho's Prisoner
Written by: ImaginationNpaper
KABANATA 1 - Meeting him
Labis na paghihinagpis ang aking nararamdaman ngayon habang nakaharap sa libingan ni Mama. Namatay siya sa sakit niya sa puso, wala kaming sapat na pera kay lumala ito. Nakapagtapos ako ng kolehiyo dahil consistent scholar ako, pero iyon nga lang... Kung kailan babawi na sana ako kay Mama, tsaka naman siya nawala.
"Condolence Ramona," saad ni Manang Ester sa akin.
"Salamat po," sagot ko naman.
"Ramona, puwede ba kita makausap?" tanong ni Tito Fred sa akin.
Siya ang bagong kasintahan ni Mama dahil matagal na ring wala si Papa. Tumango na lang ako rito at nagpaalam na muna kay Mama para makapag-usap na kami ni Tito. Nagulat naman ako nang makitang may dalawang van doon sa labas, at nang makapasok na kami sa bahay ay may mga lalaking nandoon na hindi pamilyar sa akin.
"Tito kilala mo sila?" tanong ko rito.
"Ipapaliwanag ko sa 'yo lahat Ramona, maupo ka muna." Sagot ni Tito.
Pero hindi ko mapaliwanag ang kaba na nararamdaman ko ngayon, hindi ako kumportable sa mga lalaking nandito sa bahay. Umupo naman si Tito sa harapan ko at seryoso akong tinignan.
"Ganito kasi iyon Ramona, nagkautang-utang kami ng mama mo sa kabigan ko. Malaking halaga iyon at hindi ko kaya na ako lang mag-isa ang magbayad, naalala mo noong bumili ako ng maintenance ng Mama mo? Sa kan'ya ko iyon hiniram, ang bayad sa hospital at sa burol sa kan'ya rin. Kaya napagkasunduan namin na sa kan'ya ka muna mag-t-trabaho para mabayaran iyong mga utang natin." Paliwanag sa akin ni Tito.
"Pero Tito kaya ko naman magtrabaho kahit hindi sa kan'ya eh, kahit tig-dalawang trabaho pa kakayanin ko para lang mabayaran siya." Sagot ko rito.
"Pero gusto niya kasi na sa kan'ya ka magtrabaho eh, ilang buwan lang naman Ramona." Saad sa akin ni Tito.
"Pero hindi ko po siya kilala," pagpupumilit ko.
"Huwag ka magalala, kaibigan namin siya ng Mama mo. Wala ka bang tiwala sa akin? Para na kitang anak Ramona, hindi kita ipapahamak." Paninigurado nito.
"Ilang buwan po akong magt-trabaho sa kan'ya?" tanong ko rito.
"Hindi ko alam anak, pero sabi niya naman hindi aabutin ng taon. Tsaka stay in ka roon para mas safe ka." Saad ni Tito.
"Tito sigurado po ba kayo? Sa totoo lang po kinakabahan ako." Nagaalalang tanong ko rito.
"Naiintindihan kita Ramona, hindi naman ako ang Papa mo para magalala kung mamatay man ako. Kasi anak sabi niya sa akin na kapag hindi ako nakapagbayad ay papatayin niya ako, okay na rin iyon para magkasama na kami ng mama mo." Malungkot na saad nito.
Biglang nanikip ang aking dibdib sa sinabi nito, kahit naman hindi siya ang totoo kong ama ay naging mabuti naman ito sa akin kahit papaano.
"Sige po, ayaw ko po kayong mapahamak kaya papayag ako." Pagsang-ayon ko rito.
Bigla naman itong tumayo sabay niyakap ako, "Salamat anak!" saad nito sabay niyakap ako ng mahigpit.
"Basta para sa inyo po," sagot ko naman.
"Pasensya na anak ha?" saad nito.
"Okay lang Tito, mag-ingat po kayo rito habang wala ako." Sagot ko naman.
Nagtataka man sa inaasta ni Tito ay nag-impake na ako ng mga gamit. May maleta naman ako kaya iyon na ang dinala ko, matapos ko maghanda ay pinuntahan ko na si Tito sa labas na kinakausap ang isa sa mga lalaki.
"Ingatan niyo iyong anak ko ha? Ramona balitaan mo ako," bilin sa akin ni Tito.
"Ingat po kayo rito, paalam." Sagot ko at pumasok na sa loob ng van.
Sa gitna ako ng dalawang lalaki pinaupo, may iba pang lalaki sa likuran ng van at sa harap. Akala mo naman ang daming susunduin eh ako lang naman.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa driver.
"Basta," sagot nito.
Mayamaya pa ay may biglang nagtakip ng panyo sa bibig ko na may malakas na amoy kaya bigla akong nawalan ng malay.
Napahawak naman ako sa ulo ko nang magising ako, sobrang sakit kasi nito pati ng ilong ko. Napalinga-linga ako nang mapansing nasa malaking bahay ako. Pinipilit kong alalahanin kung paano ako nakarating dito pero wala talaga, ang huli ko lang kasi naalala ay iyong may nagtakip ng aking bibig at nawalan na ako ng malay.
May limang katulong na nakatayo sa kanan at limang lalaki naman sa kaliwa, pakiramdam ko ay mga guard ito.
"Nasan ako?" tanong ko pero hindi nila ako sinagot.
Nagulat naman ako nang biglang mag-on ang tv, news ang palabas at namilog ang aking mata nang makitang may pangalan ko sa screen ng tv. Napatakip ako sa aking bibig nang malaman ang buong pahayag nito, nakita raw ang sinasakyan ko na nabangga at sinabi na nasunog daw ako sa loob ng sasakyan. Napailing ako nang makitang pareho sa van na sinasakyan namin kanina ang nasa balita. Mas ikinagulat ko nang makita ko si Tito roon na umiiyak, kinukunan siya ng pahayag ng newscaster at kinumpirma niyang isa ako sa sakay ng van na iyon. Tuluyan ng tumulo ang aking luha.
"Nasan iyong gamit ko? Kailangan ko makausap si Tito! Nagkakamali sila, buhay pa ako." Umiiyak na saad ko sa kanila. Pero wala man lang ni isa sa kanila ang tumingin sa akin.
Mayamaya pa ay may lalaking bumaba sa hagdanan, matangkad ito at matikas ang katawan. Sa tansya ko ay matanda lang ito sa akin ng ilang taon, nakatingin ito sa akin diretso sa mata kaya parang nanindig ang balahibo ko sa tingin nito. Tumayo ako nang tuluyan na itong makababa.
"Ikaw ba iyong kaibigan nila Tito? Please naman oh, kailangan ko muna siya makausap." Pakiusap ko rito.
"Let me correct you, I know them but we are not friends." Nakangisi nitong saad, "And bawal mo siyang kausapin." Dagdag pa nito.
"Pero ayaw ko siya magalala, kahit limang minuto lang." Pagpupumilit ko.
"Nakakatawa ka naman, wala ka man lang ideya na binenta ka sa akin ng Tito mo." Umiiling na saad nito.
"Binenta? Huwag ka nga magsalita ng gan'yan! Nandito ako para magtrabaho at para mabayaran nila ang utang nila sa 'yo." Sagot ko rito.
"Kawawa, walang kaalam-alam na tinakwil na siya ng sarili niyang amahin. Bakit ka ba nagtiwala sa lalaking iyon? Ni wala ka ngang ideya kung nasan ka e." Sagot naman nito.
Ayaw ko pa rin maniwala, alam ko niloloko niya lang ako.
"Manloloko! Hindi iyan magagawa ng Tito ko," sagot ko rito.
"Pinalabas niya sa lahat na namatay ka sa sunog para wala ng maghanap sa 'yo, para akin ka lang." Mariin na sagot nito. "Here, he's calling." Saad nito sabay sinagot ang tawag.
"Hello," sagot nito sa kabilang linya. Ni-loud speaker niya iyon para marinig ko, "Okay na ba iyon boss? Kailan ko matatanggap ang bayad?"
Kahit hindi ko nakikita alam kong si Tito iyon.
"May gustong kumausap sa 'yo," saad noong lalaki sabay senenyasan akong lumapit.
"T-Tito?" nauutal na saad ko rito.
"Ramona, bakit?" tanong nito.
"Totoo po ba iyong sinabi niya? Tito sabi niya binenta mo raw ako sa kan'ya. Tito totoo ba?" humihikbing tanong ko rito.
"Pasensya ka na Iha, nagipit ako eh. Hayaan mo, aalagaan ka naman ni bossing eh. Ang dami ko kasing utang, hindi ko rin kaya mabuhay ng walang bisyo kaya pasensya na." Nanghina ang aking tuhod sa aking narinig, hindi ko akalain na kaya niya ito gawin sa akin.
"Bakit Tito? Bakit?" mariin na tanong ko rito. Pero imbes na marinig ang sagot nito ay in-off na iyon nang lalaki sabay sinenyasan iyong ibang lalaki at agad akong hinawakan sa magkabilang braso.
"Paano ba iyan? Mamaya rin ay tuluyan ka ng magiging akin, ipapadala ko na iyong bayad kaya ihanda mo na iyong sarili mo." Nakangisi nitong saad sa akin.
"Wala kayong karapatan sa buhay ko! Ako ang nagmamay-ari nito at wala kayong karapatan para magdesisyon para sa sarili ko!" mariin na sagot ko rito.
Napapikit naman ako nang bigla niya akong sampalin ng malakas, "May karapatan ako dahil pera ko ang kapalit mo kaya manahimik ka!"
"Tatakas ako, tatakas ako!" mariin na sigaw ko rito.
Bigla naman itong tumawa ng napakalakas, para itong demonyo kung tumawa. "Subukan mo lang, tignan lang natin kung hindi ka maligaw." Nakangisi nitong saad. "Dalhin niyo na iyan sa magiging kuwarto niya." Utos nito.
Sumunod naman ang mga lalaki at para lang akong papel na hila-hila nila. "Bakit niya ito nagawa sa akin?" tanong ng isip ko. Umakyat kami roon sa hagdanan at naglakad papunta sa huling silid, isang maliit na lampara lang ang ilaw doon at wala man lang kagamit-gamit. Walang laman doon pero muntik pa akong mapasigaw nang maramdamang parang may malamig na bakal na pumalibot sa paa ko, nang kalaunan ay nakita kong kadena iyon.
"Hayop kayo! Anong akala niyo sa akin, aso?" bulyaw ko sa kanila nang tuluyan na nila iyong na-lock.
Ni wala man lang silang sinabi, umalis na rin sila nang masiguradong hindi na ako makakatakas. Napahagulgol ako nang ako na lang ang naiwan doon, pumunta ako sa isang sulok sabay umupo roon. Pakiramdam ko tuloy magiging delubyo ang buhay ko rito.
"Mama," saad ko na lang at tuluyan ng nakatulog kakaiyak.