"Gideon! Buti na lang at gising ka na, sobra kaming nagalala sa 'yo." Pag-iiba ko ng usapan. "Bakit siya nandito?" tanong ulit nito. "Totoo iyong sinabi niya, bumisita lang siyam may good news nga ako e. Gideon haharap na raw siya sa korte." Masayang saad ko rito. "Alam mo ba Ramona? Hindi pa iyan sana puwede lumabas ng I.C.U, pero gusto ka surpresahin kaya nagpumilit." Singit ni Eli. "Sabi ko na nga ba e, magpahinga ka na muna Gideon." Saad ko rito. "Ramona bakit kayo magka-yakap?" tanong nito. "Wala lang 'yon Gideon, huwag mo na iyon isipin. Nagugutom ka ba? May pagkain sa silid, halika at ipaghahanda kita." Saad ko rito at pinalitan na muna si Eli sa pagtutulak dito. "Baka may masama na naman iyong plano sa 'yo ha?" saad ni Gideon. "Iyon lang iyong sinabi niya Gideon, haharap na

