Kinabukasan nagpaalam na muna sina Eli na kailangan nila mag-report sa trabaho nila kaya ako na muna ang naiwan. Kahit may suwero pang naka-kabit sa akin, mas pinili kong pabisi-bisita sa labas ng I.C.U. Wala pa ring malay si Gideon hanggang ngayon, okay naman iyong heartbeat niya pero hindi pa rin siya nagigising. Binilinan ko iyong mga nurse doon na huwag sila basta-basta magpapasok ng mga bisita sa loob. Bumalik na muna ako sa silid ko dahil medyo nahihilo ako, naalala ko na naman iyong nangyari kahapon. Alam ko nakita ko talaga iyong Mommy ni Conrad, may naramdaman akong tinurok sa akin kaya siguro medyo naguguluhan ako kung totoo ba iyon o panaginip lang. Mas pinili ko na lang muna na humiga sa kama, gusto ko sana i-lock iyong pinto pero baka may mga nurse na pupunta rito. Iniwan nam

