Nakatiim bagang nakaupo ako sa dulo ng aking kama, nakakuyom ang kamao at hawak sa isang kamay ang bote ng alak. "Haaaa! Arghhhh! Ahhh!" malakas na sigaw ko habang pinaghahampas ang aking kama. Tinapon ko sa dingding ang hawak kong bote, dahilan para mabasag 'yon. Pinaghahagis ko lahat ng bagay na nahahawakan ko at ang mga vase na nandoon ay pinagbabasag ko. "Bakit ba hindi mo ako magawang piliin Ramona? I am doing everything!" mariin na sigaw ko at tuluyan ng napaupo sa sahig. Kumikirot na naman iyong mga tama ko pero mas kumikirot iyong puso ko. Conrad hindi ka pa ba sanay? Wala talagang pipili sa 'yo, sarili mo ngang mga magulang nagawa kang talikuran. No one will love you Conrad, dahil pati ikaw hindi alam kung paano magmahal. Sigurado ka nga bang mahal mo si Ramona o obsess ka la

