/PROLOGUE/
Bookstore Deities Series Book#1
Unwrite
/Prologue/
Sa gitna ng kumikislap na mga ilaw ng establisyemento, sasakyan, at poste, isang batang babae ang palakad-lakad. Wala siyang sapin sa paa ngunit nanatiling maputi pa rin ito, katulad rin ng kanyang bestida na walang bahid ng anumang dumi, na tila ba hindi siya tinatablan ng alikabok.
Literal na nasa gitna siya ng kalsada, ngunit tinatagusan niya lang kahit na dambuhalang bus pa iyan. Patingin-tingin siya sa paligid at masasabi niyang sa mga nagdaang panahon, iba na talaga ngayon. Ang Layan Publishing Company building sa harapan niya ay may mga ribbon, lobo, at bulaklak. Mayroong Tarpaulin na bumabati ng: ‘Happy 60th Anniversary!’ kung saan maraming empleyado ang may malalawak na ngiti habang pauwi na.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin ng gabi at sumayaw ang maalon niyang tansong buhok habang naglalakad. Mabuti na lang at nakatali ang kanyang hat sa kanyang baba. Bumisita sa kayang gunita ang mga panahong tinatayo pa lamang ito. Mas nauna pa siya sa building na’yon. Bata pa ang kumpanya.
Huminto ang kanyang mga paa sa harap ng isang coffee shop. Bumabagal ang pintig ng kanyang dibdib, ngunit mabigat ang hampas nito. Mula sa malinaw na transparent glass, tinititigan niya ang isang babaeng mag-isang nakaupo sa tabi ng glass wall. Nakafocus ito sa pagta-type sa kanyang maliit na red laptop, halos singlaki lang ng malaking notebook.
Napalingon ang babae sa labas. Pakiramdam niya’y may nakatingin sa kanya, ngunit wala namang tao sa labas, bukod sa mga taong napadaan lang at nagku-kuwentuhan. Mukhang tahimik naman sa labas. Ang mga kotse’y naka-park sa designated parking space ng café.
Masyado siyang seryoso. Her thin eyebrows alternately arched, and formed straight line while she’s typing aggressively. Inilipat niya ang browser sa Youtube at akmang papalitan sana ang kanta, ngunit sumulpot ang isang advertisement. Mayroong captions ng pangalan sa bawat taong nagsasalita.
She glared while clicking it aggressively. Unfortunately, ten seconds pa ang kailangang hintayin bago maging available ang option na: Skip Ads. Wala siyang nagawa kung’di ang hayaan itong mag-play kahit na iritang-irita siya.
“Istorbo!”
Nagbabasa si Hakuna Makata habang nakadekwatro. Isinara niya ang binabasa at tumingin sa camera. “Bored? Kumuha ng libro at magbasa. Mag-isa at gusto ng bago? Magbasa. Bagong kaalaman sa buhay? Magbasa.”
“Kapag nagbasa ka ng libro, para ka na ring naglakbay sa kung saan mo gustong makapunta,” ani Love Mocha, ang background niya’y mga libro sa shelves.
Sumulpot sa kanyang tabi si Greynii, na may hawak na aklat. “Kahit saan ka man, kahit ano ka pa, walang imposible. Lahat pwede!”
“Reading is fun! Happy Reading Month!” sabay-sabay nilang sambit.
These people again. Kada bukas niya ng w*****d app, mga pabalat ng stories kaagad nila ang bumubungad sa kanya. At pati ba naman dito sa Youtube ay nandito pa rin sila. She can’t have a peace of mind. Edi sila na sikat.
“Naiingit ka, Angie Li. Mataas ang ambisyon sa pagsusulat pero…” She squinted her eyes and smiled. Her eyes seem to be glinting with something, exciting. “Matutuwa ka, kuya Titus.”