Bookstore Deities Series#1
Unwrite
/Chapter Two/
Lumulutang siya sa kalawakan ng mga bituin at planeta. Pinagmasdan niya ang mga halimaw at taong nakikipag-usap sa isa’t-isa. “Szhezushushum? Amirytu lushuhu hu!”
“Kulukkulukkuluk,” sang-ayon ng isang black shadow.
“Huhuleb, jukurrrtululu, eh, shushulo,” sagot ng kulay asul na slime na may balbas. Nagdiwang ang lahat ng nilalang sa pagkarating niya sa lugar. Wala silang sinabi pero alam niyang nakauwi na siya.
“Uwi na… Hmm,” she mumbled, still eyes closed. Nagdiwang silang lahat sa pamamagitan ng pagtapon sa kanya sa ere. Lahat ng batang may antenna sa ulo’y hinagis rin palabas ng planeta. Sumabog ang mga meteorites ngunit nakangiti pa rin ang lahat. Umikot siya patagilid at naramdaman ang sakit ng pagkahulog niya sa sahig.
“Aray!” daing niya. Hinimas-himas niya ang balikat at puwit na napuruhan. Kumapit siya sa gilid ng kama at itinulak ang sarili patayo. Tulalang naghihimas siya ng puwit at umupo sa kama. “A-aray. Wait, anong oras na ba?” tanong niya sa naniningkit at namamagang mata.
Tinanggal niya muna ang mga kristal niya sa mga mata bago tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. “TEN NA?!” nanlalaking matang sigaw niya. “Thirty minutes na lang.”
She chatted Trisha. Tamang-tama at online din ang huli. Palagi nitong hawak ang cellphone, halos laging online, kaya laging updated at hindi nahuhuli sa balita’t chismis.
Angela Ien Li: Bes, papasok ka? Jwu. Haha
Marian is typing….
Medyo pinabilis ni Angie ang pagligo. Gayunpaman, tinatamad na rin siyang pumasok pa. Thirty minutes na lang at mag-aayos pa siya ng kanyang itsura. Ni hindi pa nga siya nakapag-agahan man lang o kahit kape lang.
Marian Trisha Salcedo: Gaga
Marian Trisha Salcedo: Ikaw?
She typed her reply before tying her necktie.
Angela Ien Li: Huwag na. Late pa rin naman ako.
Angela Ien Li: Gutom na’ko. Huhu. Kita na lang sa Breakfast Hub after class.
Pinutok-putok niya ang mga labi at ngumiti sa salamin. Matapos niyang makuntento sa red lipstick, isinuot na niya ang black heeled leather shoes at gumayak, dala ang kanyang shoulder bag at laptop. Saka lang niya binasa ang latest message mula kay Trisha nang tuluyan na siyang makalabas sa dorm.
Marian Trisha Salcedo: Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana di lang rin ako pumasok (pouty emoticon)
Marian Trisha Salcedo: traydor!!!!!
Nilabas niya ang mini laptop pagkaupo niya sa napiling table. “Oh?” angal niya nang hindi ito umandar. Pinindot niyang muli ang power button.
‘Huwag mong sabihing sira?’ sa isip niya. Saka niya naalalang, naiwan niya pa lang nakabukas ang kanyang laptop magdamag kaya na-dead batt. Nakatulugan niya habang tinatapos ang manuscript. Isasaksak niya sana ang charger sa outlet subalit ang available na saksakan lang ay sa lamesang nakadikit sa corner. Kaya lang, mayroon nang isang taong naka-occupy. Kita niya ang naka-uniporme ring lalaki, nakatalikod sa kanya. May ginagawa rin ito sa itim na Acer laptop.
Bitbit ang shoulder bag at laptop, nilapitan niya ang lalaki. “Excuse-“ngunit napahinto siya.
Ini-adjust ng lalaki ang salamin bago tumginin sa kanya. “Yes?” seryosong sagot sa kanya ng lalaki. Nakausli ang lapis sa kanyang tainga.
“Nevermind,” sabi ni Angie at tumalikod paalis.
“There are only two outlets,” he informed, pertaining to the outlet beside his table. Hinarap siya ulit ni Angie.
Napatingin siya sa tinutukoy nito. May isa pang bakanteng saksakan. Ginagamit ng lalaki ang isa. “Hindi na. Okay lang.”
At nagdesisyon siyang magtungo na lang sa katabing internet shop matapos ubusin ang kanyang pagkain.
xxx
“Hi, Elaine!”
“Hi!”
“Uy, hinahanap ka ni sir Oliveros. Bakit ka daw absent?” usisa ni Angie. Naglakbay ang kanyang mata mula sa pinagpapawisang mukha ng kausap, pababa sa tiyan nito. May umbok. At kelan pa naging mas malaki ang dede ni Elaine kaysa sa kanya? Pagkakaalala niya’y, singlaki lang ng mansanas ang dede nito noong highschool sila. Ngayon, ang laki-laki na bigla!
“Ako? Bakit daw?”
Angie shrugged. “Anyare sa’yo? One month ka na raw wala. Ida-drop ka na raw,” sabi niya. Hindi matukoy kung nanakot ba o kung nais lang mag-inform. Ngunit mukhang pareho.
Nanlaki ang mata ni Elaine. “May… inaasikaso lang.”
Nagpa-photocopy ng birth certificate at nagpaprint ng passport size IDs si Elaine. Marami-raming dokumento ang kanyang ipina-print at photocopy kaya’t nagtagal ito ng thirty minutes. Naupo lang si Angie sa bakanteng upuan at panay ang lipat sa tuwing may gagamit na customer sa computer table.
“Ganda, pa-print ka? Ano sa’yo?” tanong ng isa sa mga computer shop attendant kay Angie. Pandak na moreno ang lalaki na nasa edad thirty na ang hitsura.
Pilit na “he-he” ang sagot niya sabay wave ng kamay. “Ay, dito lang po ako,” turo niya sa isa pang attendant- yung nag-aasikaso kay Elaine kahit na wala siyang pera pampaprint.
“Ikaw, ha,” panunukso nito.
Ang ano na naman bang iniisip nitong si Kuya? Chaka. Umikot ang mga mata ni Angie habang siya’y nagpatuloy sa pag-i-scroll.
Malagkit ang ngiti ni kuyang shop attendant kay Elaine. Habang nagpipindot sa screen, panay ang tanong nito tungkol sa ilang mga personal bagay.
“Ang dami naman nito. Naku! Tig-kinse pesos na ang isa nito,” biro ni kuya.
“Kuya naman, eh!” humagikgik si Elaine. Nawawalan na nga ito ng mata. “Discount na lang kuya. Grabe siya, o!” she pouted.
Angie winced. She almost wiped her ears sa tinis ng boses ni Elaine. Ang lakas makapaminsala ng eardrums. Noong siya ang kausap, malumanay naman itong magsalita. Pero kapag mga gwapong lalaki, lalo na kapag mestizo, gumaganito na siya?
Parang higad na binudburan ng asin. Nangangati ka, girl?
“Aww. Pero libre na lang kung i-ki-kiss mo’ko,” banat ng lalaki.
She grimaced. Nagkaroon ng third-degree disgust si Angie. “Eww!” Wala ba kayong hiya? Gusto niyo, sakalin ko na lang kayong pareho?
Pinagtinginan siya. Hindi niya namalayang nasabi niya pala nang malakas ang pandidiri. Napanganga siya ngunit bumawi. “Ay! Hindi kayo. Yung slimes sa video.”
Mabuti na lang, her phone beeped along with the social media notifications. It somehow saved her and she had an excuse to look down at her phone.
Marian Trisha Salcedo: San ka na?
Marian Trisha Salcedo: Di kita makita. Dto ako sa breakfast hub.
Her fingers typed rapidly, as fast as she can. The words can’t just wait to be spilled and told, or else, the tea would be cold. After all, the tea is best served hot.
Angela Ien Li: Bes! May chika ako!
Angela Ien Li: Grabe. Ang landi talaga!
Angela Ien Li: Shet
Marian Trish Salcedo: Sino yan? Wait. Asan ka? Mas maganda ‘to sa personal. You know! Fresh na fresh ba ‘yan?
Angela Ien Li: Sige. Bilisan mo! Andito ako sa blue netshop.
The door swung open at iniluwa nito ang kausap sa chat, three minutes ago ni Angie. They waved at each other. Nakita rin ni Trisha si Elaine at sa katunayan ay nakasalubong pa niya. Papalabas na ito bitbit ang isang envelope na naglalaman ng mga papeles.
“Hi, Laine!” bati ni Trisha nang may ngiti. Ngunit hindi abot sa mata.
“Hello! Mauna ako.”
Hinintay ni Trisha na tuluyang makalabas paalis si Elaine. Pagkatapos ay nagkatitigan nang makahulugan ang magkaibigan. They raised their two eyebrows while their lips folded downwards as if telling, “Alam na.”
“Hmm. May napansin ako,” mapang-intrigang simula ni Trisha.
“Ako din.”
“Yung tiyan! Parang iba na ang laman!”
Tumingin si Angie sideways. Hinila niya patayo ang kaibigan sa gilid ng pader, yaong pinakamalapit sa pintuan at ibinulong ang nangyari kanina.
Napasinghap si Trisha. “O.M.G! Sinasabi na nga ba, preggy si ate girl! Feeling ko one-month na, kaya ang tummy, bumibilog. My gosh!”
Tinampal ni Angie ang balikat ni Trish. “Kaya nga mag-a-abroad, eh! Para kapag pakwan na ‘yong tiyan, walang makakakita. Nakakahiya kaya! Teachers pa naman ang mga parents niya. Hindi na nahiya. Inuna pa ang kalandian. l***g na l***g na siguro si ate girl!”
Tinakpan ni Trish ang bibig. “Hala, totoo? Saan siya pupunta?”
“Malamang sa America.”
“Kaya pala, hindi na uma-attend ng dance practices. Tapos isinugod pa sa clinic dati dahil may bumulwak na dugo galing sa ano niya. Malaking kumpol! Mga ganito kalaki, o.” Isinara pa ni Trish ang kamao para ma-i-demonstrate.
“Nagpalaglag ‘yan pero failed siguro. O baka nabuntis ulit. Hmp! Mabuti nga’t nabuntis nang maaga. Ang landi naman kasi. Karma!”
“Pero, sino naman kayang ama non?
“Oo, no? sinong malas ang nakabuntis sa kanya?”
“Sana hindi si kuya Axel. Bet ko pa naman sila ni ate KC. Four years na rin kaya sila.”
“’Di’ba may boy bestfriend ‘yang si Elaine?”
“Shh!” Pinandilatan ni Angie ng mata si Trish at tinampal ang braso. “Ate girl!”
“Ay, sorry, sorry!” Biglang bawi ni Trish. Bawal nga pa lang magbanggit ng pangalan sa public place at baka mabuko pa kung sino ang kanilang pinag—usapan. “Basta, yun, oo! Si—”
And speaking of the devil.