"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko nang makita siyang naglalakad sa gilid ng daan papunta sa kung saan. "Pupunta sa sakayan ng tricycle." He shrugged it off. "Kung diyan ka maghihintay, baka bukas ka pa makauwi. Walang gaanong dumadaan dito na tricycle dahil papunta na 'to sa kagubatan, kung hindi mo alam." Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ko na-realize na papunta na pala sa deadend itong planta. Wala pang gaanong nakatira sa kalapit daan dahil nga parang gubat na ang lugar. Kaya dito rin napili nina mommy na ilagay ang planta, dahil hindi malapit sa polusyon. Napabuntong hininga ako at sumunod sa kaniya sa daang pinanggalingan ko kanina. Oo nga at tama siya, siguro kung may pupunta dito sa planta ay sasadyaing ipasok sa daang papunta roon. "Hey! Wait up!" Sigaw ko dahil masyado na

