"Tour me around again," masungit akong tumingin sa kaniya habang nakatingin din siya sa akin ng matiim. "Ayoko. May trabaho pa 'ko." Mabilis siyang tumalikod sa akin para pumunta sa kung saan. Inis akong nagmartsa palayo doon. Did he just reject me?! What the hell is his problem?! I hate him! Mabilis ang martsa ko na kahit maputik sa dinadaan ay hindi na nag-inarte. Ang kapal ng mukha niyang tanggihan ako! Napakakapal ng mukha niya! I really hatw him to the core! Masyado siyang mayabang. At kahit kailan, hinding hindi ko siya magugustuhan dahil sa kayabangan niya! Kairita siya. "Madulas sana siya sa putikan habang nagdidilig siya." Bulong ko na parang nag-oorasyon dahil sa galit. Nagpapasama lang naman ako, ah. Anong masama do'n? Habang naglilibot ay nakanguso ako. Nakatingin lang

