A heavy silence fell between us for a minute until I broke it a question. "How's Zaimon now?" Kahit ngayon lang, gusto kong makibalita sa kung kumusta na siya ngayon. Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba ang buhay niya, kasi ako, hindi ako ayos. Pero kung maayos ang buhay niya, ayos lang sa akin ang lahat. At least my sacrifices are all worth it. "I don't know if he's fine." Yumuko si Ate at napakagat sa pang-ibabang labi. "What do you mean?" I asked, confused. "Naging malupit sina Mommy sa pamilyang Suarez mula nang umalis ka. Iniatras ni mommy ang kaso pero halos kunin naman nila ang lahat sa mga Suarez. Kinausap ko si Zaimon that time and I can say he's doing fine. Pero dahil sa nangyari, kumalat ang issue na 'yon at nakarating sa school na pinapasukan ni Zaimon. Tinanggalan siy

